Daddy Manny or Ninong Manny?: Culinary Arts student denies Manny Pacquiao is the father of her child; says the boxer-politician is only one of the godfathers

Congressman Manny Pacquiao is in the news again after a report came out claiming that he allegedly fathered a lovechild with a 22-year-old Culinary student. But Kat Ordoñez, the alleged other woman, denied this in a phone-patch interview with Showbiz Central.


Sa pamamagitan ng phone-patch interview kahapon, October 16, sa Showbiz Central, agad na pinabulaanan ng isang Kat Ordoñez ang balita na si Congressman Manny Pacquiao ang ama ng bata na pinabinyagan niya noong September 17.

Ginanap ang binyagan sa St. Francis de Assisi Church, Mandaluyong City, at idinaos naman ang baptismal reception sa Edsa Shangri-La—ang hotel na hindi kalayuan sa nabanggit na simbahan.

Ginawa ni Kat ang denial isang araw matapos ilabas ng tabloid na Bulgar ang mga litrato mula sa naganap na binyag.

Ayon sa artikulo ni Janice Navida na lumabas noong October 15 sa Bulgar, may isang tao raw na nagpadala sa kanya ng email ng baptismal photos ng alleged lovechild nina Manny at Kat.

"Vice Ganda" raw ang ginamit na codename ng source at may email address daw itong "gantiwomanizer@gmail.com."

Ayon pa raw sa nag-email, "Even though Manny Pacquiao acted as one of the ’ninongs’, he is actually the father of the child!"

Kabilang din daw sa mga ninong sa binyag ang songwriter/composer na si Lito Camo at ang aktor na si Phillip Salvador—kapwa malalapit na kaibigan ng Filipino boxing champ.

Incidentally, nakikilala na rin ngayon bilang si Pacquiao bilang "Ninong Manny" dahil sa pagiging host niya ng game-variety show na Manny Many Prizes sa GMA-7.

THE KAT IS OUT OF THE BAG. Sa interbyu ng Showbiz Central, sinabi ni Kat—isang 22-year-old Culinary Arts student—na ikinagulat niya ang paglabas ng mga litrato ng binyag ng kanyang baby boy sa Bulgar.

Ayon kay Kat, "Hindi po totoo ’yon.

"Si Congressman Manny Pacquiao, hindi po tatay ng anak ko.

"Kinuha ko lamang siya na ninong ng anak ko sa binyag na naganap noong September 17 sa St. Francis de Assisi.

"Ipinanganak ko po ang baby ko noong November 17, 2010 sa Capitol Medical Center.

"Hindi po totoo na si Congressman Manny Pacquiao ang tatay ng anak ko kasi po imposibleng mangyari ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Imposibleng si Congressman Manny Pacquiao ang maging tatay ng anak ko, kasi po yung father ng baby ko, yung nasa Dubai."

Dagdag pa ni Kat, "Kasi po ganito ang story niyan, yung ex-boyfriend ko po na assistant ni Manny Pacquiao... ni Congressman Manny Pacquiao po, hmmm... lagi ko nga kasama, so naging close ko po sina Congressman Manny Pacquiao at in-invite ko sa binyag.

"Siyempre po, nakakagulat po kasi po pati family ko, nadamay. Tahimik po kami na tao.

"Saka nakakahiya din po sa pamilya ni Congressman Pacquiao."

Humingi rin ng paumanhin si Kat kay Manny at sa pamilya nito.

"Para po kay Congressman Manny Pacquiao at sa pamilya niya po, humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi naman po totoo yung balita.

"At nakikiusap naman po ako sa mga sumulat at mga naninira po ng ibang tao, sana naman po tigilan na po nila ang paninira at pag-usapan yung ibang tao na naapektuhan at nasasaktan po."

JINKEE’S REACTION. Pagkatapos magpaliwanag ni Kat, ang reaksiyon ni Jinkee Pacquiao tungkol sa isyu ang hinihintay ng mga tao.

Nagsalita noon si Jinkee na magbibigay siya ng Hermes bag sa sinuman na makapagpapatunay na may ibang babae ang kanyang asawa, pero binawi niya ang sinabi dahil nagbibiro lamang daw siya. (CLICK HERE to read related story.)

Lumabas noong Sabado sa Bulgar ang mga litrato ng binyag at kinagabihan, isang malapit kay Jinkee ang nagsabi sa writer na ito na nagpabili ng maraming kopya ng tabloid ang asawa ni Manny dahil ito raw ang kanyang gagamitin na ebidensiya.

Kasalukuyang nasa Amerika si Manny para sa training niya sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez sa November 13.

Kapansin-pansin na tuwing nalalapit na ang laban ni Pacquiao ay saka lumalabas ang mga isyu tungkol sa kanya.

Nagkataon lang kaya ito o may gumagawa talaga ng paraan upang mawala sa focus ang tinaguriang Pambansang Kamao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN