Nora Aunor receives three recognitions at the 3rd Star Awards for Music, including the Lifetime Achievement Award

Superstar Nora Aunor got three special awards at the 3rd Star Awards for Music held last night, October 16, at the Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University. Nora is this year’s recipient of the Lifetime Achievement Award. She was also included in the Icons of Original Pilipino Music (OPM), and was also named Female Celebrity of the Night.


Overwhelming ang naging reaksiyon ng mga tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor sa paggagawad sa kanilang idolo ng Lifetime Achievement Award sa 3rd Star For Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ang parangal ay ginanap kagabi, October 16, sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo De Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Mula pa lamang sa pagdating ni Nora, with her son Ian de Leon, ay naging masaya na ang atmosphere sa loob ng venue.

Hiyawan, masigabong palakpakan, at manaka-nakang "I love you, Ate Guy!" ang maririning mula sa mga dumalong tagahanga, na kabilang sa mga aktibo pa ring fans clubs ng aktres sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ang mga Nora supporters, mula sa mga sinauna pati na rin mga bagong grupo na kinabibilangan ng mga kabataan, ay nagkabuklod ngayon sa pamamagitan ng Global Assembly for Nora Aunor (GANA), at Nora’s Friends Forever (NFF), isang malawakang Facebook/fansites-based Nora Aunor followers.

Samantala, ang tulad ng GANAP (Grand Alliance of Nora Aunor, Philippines) at Federation of Nora Aunor Followers ay kinikilala pa ring mga samahang sumusuporta sa Superstar.

At kagabi, nagsisigawan sila ng "Nora! Nora! Nora!" bilang pag-appreciate sa mga parangal na iginawad sa kanilang idolo.

Bukod sa natatanging Lifetime Achievement Award, isa rin si Nora sa mga kinilalang Icons of Original Pilipino Music (OPM) na tumanggap ng tropeyo at plake mula sa PMPC.

Kabilang din sa mga tumanggap ng prestihiyosong parangal na ito sina: (in alphabetical order) Freddie Aguilar, Ryan Cayabyab, Pilita Corrales, Jose Mari Chan, Mike Hanopol, Sylvia La Torre, Celeste Legaspi, The Madrigal Singers, Pepe Smith, Basil Valdez, Victor Wood, at ang APO Hiking Society (Boboy Garovillo, Danny Javier, at Jim Paredes).

Pero hindi ang pormal na mga parangal na ito ang unang tinanggap ng superstar sa event kagabi.

Hinirang muna siyang Female Celebrity of the Night, katuwang ng music icon na si Jose Mari Chan, bilang Male Celebrity of the Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Ian at sa girlfriend nitong si Jen Orcine, kasamang dumalo ni Nora sa PMPC Star Awards for Music ang kanyang managers na sina German Moreno at Boy Palma.

Boy was with fashion designer Nono Palmos, who did Nora’s blue and gray gown, na may mga maliliit na flower petals all over.

Ayon kay Boy, nagpagawa rin si Ate Guy ng suit dahil hindi naman daw siya kakanta sa affair; but her designer insisted that she wear a gown dahil tatanggap siya ng natatanging parangal.

Ang umawit para kay Ate Guy sa special tribute number ay ang mga singing champions din na tulad niya, sina Jed Madela at Angeline Quinto, much to Nora’s delight.

Inawit nina Jed at Angeline ang mga kantang napagkilanlan sa pagiging isang superstar ni Nora, tulad ng "People" na isa sa mga ipinanalong awitin ni Nora sa Tawag Ng Tanghalan noong 1967; "Handog" na kanyang inawit sa una niyang major concert noong May 18, 1991; at ang "Ikaw Ang Superstar Ng Buhay Ko," na orihinal na inawit ng grupong Cinderella at muling isina-plaka ni Nora bilang isang akmang pagtukoy rin sa mala-Cinderella na buhay at pagtatagumpay ng phenomenal singing champion-turned-multimedia Superstar.

ACCEPTANCE SPEECH. Ito naman ang naging acceptance speech ni Nora para sa kanyang Lifetime Achievement Award:

"Sa lahat po ng mga fans na narito, hindi ko po akalain na ganito ang [magiging] pakiramdam ko; [parang] first time kong tumanggap ng award," unang sambit ni Ate Guy.

At sinunandan iyon ng pasasalamat niya sa grupo ng PMPC.

"Ramdam na ramdam ko po ang [kasiyahan] sa ibinigay sa aking karangalan ng PMPC," banggit din ni Nora.

Pero higit sa lahat ay ang pagpapasalamat ni Ate Guy sa kanyang mga tagahanga, na sa maraming dekada na ngayon ay nananatiling marubdob ang pagtangkilik sa kanya.

"Sa mga patuloy na nagmamahal at umiintindi, mahal ko po kayong lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi man ako makakanta sa kasalukuyan dahil sa may nangyari po sa boses ko, pero sa isang taon po, pagbabalik kong muli, asahan n’yo po, magkakaroon po tayo ng isang concert.

"Magandang gabi at maraming salamat po."

ADULATION AND PERSECUTION. Sa kanyang pagpapakilala sa magiging recipient ng natatanging parangal sa 3rd PMPC Star Awards for Music, makahulugan ang binanggit ni Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito.

Aniya, "Mga kaibigan, napapanahon na talaga na dapat lang siyang parangalan sa mga darating na panahon bilang isang National Artist.

"Dahil sa hindi na mabilang na parangal para sa kanyang mga pagganap sa pelikula, sa telebisyon, at siyempre ang pinakamahalagang bahagi ng kanyang pagka-superstar ay ang kanyang pag-awit; ang daigdig ng musika ng nag-iisang superstar ng bansang Pilipinas, Ms. Nora Aunor."

Ugnay rito, mula noong late 1980s at early 1990s, ang isa pang marubdob na hangarin ng mga Nora Aunor followers—mga simpleng fans man o mga taga-industriya ding may paniniwala sa angking kakayahan at malaking kontribusyon ni Nora sa iba’t ibang larangan ng sining (kabilang ang lehitimong tanghalan)—ay ang mahirang o mailuklok din ang superstar sa mataas na karangalan, bilang isang Pambansang Alagad ng Sining.

In fact, mayroon na noong Nora Aunor for National Artist Movement na nangalap ng mga lagda mula sa mga Nora Aunor supporters.

Katuwang na naging presenter ni Gov. ER ang manager ni Ate Guy na si Kuya Germs at ang actress-friend ni Nora na si Suzette Ranillo.

Sa kanyang pahayag, nasambit naman ni Kuya Germs ang katotohanang sadyang malaki at marami ang naging kontribusyon ni Nora sa iba’t ibang larangan ng industriya ng aliwan—sa loob ng mahigit na apat na dekada.

This year, Nora is celebrating her 44th anniversary in show business.

Ani Kuya Germs, "Marami siyag naidulot na kasiyahan sa pamamagitan ng pag-awit. Sa pag-arte nang mahusay, marami siyang isinabuhay, dahil sa galing ng kanyang pagganap..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bilang mensahe rin sa detractors ni Nora, patuloy na pahayag ni Kuya Germs, "Ang kapansin-pansin lang, may mga ilang tao na wala silang ginagawa kundi magbigay ng pasakit sa damdamin [ni Nora]."

Hindi man direkta o partikular ang pagbanggit, may pagtukoy si Kuya Germs sa mga miyembro ng media na may pag-atake kay Nora sa mga panulat sa aspetong personal at propesyunal din ng kanyang buhay.

"Ngunit ano pa ang katibayan na pwede niyang ipakita kundi sa taon na ibinilang, napakarami niyang pinaligaya?

"At taon din ang binilang ng kanyang followers, o mga tagahanga, na pumuti na nga ang mga buhok ay buhay na buhay pa rin!"

Muli, masigabong palakpakan ang sumalubong sa pahayag ni Kuya Germs.

"[Kaukulang] respeto at pagkilala sa kagalingan ng ating mang-aawit at artista...

"Mga Kapuso, Kapamilya, mga Kapatid, buong karangalan ko pong ipinakikilala ang nag-iisa pa ring Superstar, Ms. Nora Aunor!" lahatang pagtukoy pa ni Kuya Germs.

Matapos ang awards proper ay nanatili sa venue si Ate Guy, with her fans at mga taga-media, habang tinutugtog sa background ang theme song ng pelikulang El Presidente nila ni Gov. ER.

Ang awiting ito ang siyang huling ni-record na kanta ni Nora bago nagkaroon ng problema sa kanyang tinig.

Umaasa naman ang Superstar, with her supporters, na maisasaayos pa rin ito sa gagawing pagpapa-opera niya sa Amerika sa susunod na taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN