Gov. ER Ejercito gets Robin Padilla’s slot in MMFF 2011

Gov. ER Ejercito on how his movie got included in MMFF 2011: "Tinawagan kasi ako ng committee ng Metro Manila Film Festival, [ibinalita] na tumawag na doon yung production ni Robin Padilla yung [pelikulang] Mr. Wong, na hindi pa sila nag-uumpisa ng shooting. Hindi [rin sila] makakapag-submit ng requirements like trailer, teaser. ’Tsaka yung full-length movie wala pa, hindi pa nag-uumpisa."


Masayang ibinalita ni Laguna Governor ER Ejercito—kilala ring actor sa screen name na Jeorge Estregan, Jr.—na papasok na sa Metro Manila Film Festival ngayong December ang pelikula niyang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga.

"Tinawagan kasi ako ng committee ng Metro Manila Film Festival, [ibinalita] na tumawag na doon yung production ni Robin Padilla yung Mr. Wong, na hindi pa sila nag-uumpisa ng shooting.

"Hindi [rin sila] makakapag-submit ng requirements, like trailer, teaser.

"’Tsaka yung full-length movie, wala pa, hindi pa nag-uumpisa.

"So, inaantay na lang nila ang formal letter from the camp of Robin Padilla, na aatras sila," pahayag ni Governor ER nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal] kagabi, October 16, sa 3rd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Henry Lee Irwin Theatre sa Ateneo de Manila University.

"Pag officially, napadala nila yung sulat, officially pasok na yung Asyong... Kasi pang-siyam kami, e.

"Formality na lang [ang kailangan]. Formality na lang.

"Kasi, tapos na yung film namin. We’re now in post-production.

"Dinala na sa Thailand yung pelikula para dun sa sound effects and CGI [computer-generated imagery].

"So, pagbalik ng Thailand, magda-dubbing. By Tuesday, magda-dubbing na ang lahat ng artista.

"So, tatapusin na. Ginagawa na rin yung MTV [ng movie] ni Ely Buendia. Eraserheads ang gumawa ng MTV, e."

GOD’S WILL? Malaki ang pasasalamat ni Governor ER sa pagkakapasok ng pelikula niya sa MMFF.

"May divine intervention! Parang ano, parang bumaba si Kristo at tinulungan ako!" bulalas ng actor-politician.

Sigurado na ito, na hindi na makapasok ang pelikula ni Robin?

"Realistically speaking, imposible na, e. Kasi it’s already October 16... November, mahirap na, e.

"Mahirap gumawa, unless na mamadaliin mo ang pelikula na walang quality.

"Palagay ko, hindi papayag si Robin na madaliin ang pelikula."

Kaya masaya ang gobernador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Praise God! I hope, e, makapasok kami dahil wala nang ibang pwedeng pumasok, kami na lang."

BATTLE WITH THE BRIGHTEST? Sa MMFF, babanggain ni Gov. ER ang ibang mga bigating artista na may entries din tulad nina Bong Revilla, Jr., Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas, at Vic Sotto.

"Oo mabigat! Hindi... ang masasabi ko lang, quality film yung ginawa namin and we got the best.

"From the technical people like direk Tikoy Aguiluz, award-winning director ’yun.

"Carlo Mendoza, cinematographer, award-winning ’yun. Ang production designer namin awardee [rin].

"Si Roy Iglesias, ang scriptwriter, awardee ’yun.

"Tapos mga artista natin, all-star cast, e. Madami tayong artista, e. Puro awardee rin.

"Sina Yul Servo, Phillip Salvador... puro awardee, so quality film [ang ginawa namin].

"Hindi siya basta-basta, indie, [may] quality. Quality na indie [at] mainstream. Magandang pelikula."

BEST ACTOR? Sa palagay niya, abot-kamay na ba niya ang best actor trophy sa nalalapit na MMFF awards night?

"Ma-nominate lang po tayo masaya na po tayo," sagot niya.

Award or high box-office returns?

"Kung puwedeng pareho, bakit hindi," at muling tumawa ang gobernador.

"Sana, automatic nominations naman lahat ’yan, e. Sana makatsamba [kami].

"Bahala na si Lord!" dagdag pa niyang sabi.

"Hindi, masaya na ako na ipalabas sa festival. Kasi this [movie] was intended for the festival, e.

"Sana yung El Presidente [with Nora Aunor] for the festival next year [naman]," asam niya.

Ang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga at ang El Presidente ay parehong produced ng Scenema Concept International. At pareho ring sa direksiyon ni Tikoy Aguiluz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN