Glaiza de Castro denies any romantic involvement with Sid Lucero

Glaiza de Castro in talks linking her to Sid Lucero: "Nakakatawa kasi kilala ko ang girlfriend niya at saka matagal na rin kaming magkasama. Hindi sa inaano [inililihis] ko ang sarili ko, pero yun lang talaga yun."


Nali-link ngayon sina Glaiza de Castro at Sid Lucero, na kapwa kasama sa GMA-7 epic-serye na Amaya.

Nagsimula ang pag-uugnay sa dalawa dahil nakikita raw silang sweet sa set.

Natatawang itinanggi ni Glaiza ang nasabing isyu nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa ginanap na thanksgiving presscon ng Amaya sa 17th floor ng GMA Network Center.

"Wala. Hindi ko rin alam [kung bakit kami nali-link ni Sid]. Kahit siya ang tanungin niyo," panimula ni Glaiza.

"Nakakatawa kasi kilala ko ang girlfriend niya at saka matagal na rin kaming magkasama.

"Hindi sa inaano [inililihis] ko ang sarili ko, pero ’yun lang talaga ’yun."

Bakit sinasabing sweet sila sa set ng Amaya?

"E, siguro kasi, kapag nag-uusap kami at saka alam mo naman ’yan [Sid], e, kapag kinakausap ka, medyo makulit, maharot.

"Para ngang si Alchris [Galura, her brother]. So, ganoon.

"So, yung treatment ko rin sa kanya, kaibigan din, or kapatid na one of the boys."

SOMEONE LIKE SID. Sa pagkakakilala namin kay Glaiza, ang mga tipo ni Sid ang pwede rin niyang matipuhan sa lalaki.

"Ako talaga?!" bulalas niya.

Sabay sabi ng, "Sa tingin ko naman, kahit sino, basta ka-vibes.

"At sa tingin ko, mahilig din kasi siya sa music. Gumagawa kaya kami ng kanta niyan.

"’Yun ang trip namin kapag naghihintay [sa taping].

"At saka, yung girlfriend din niya, nasa Bataan, so ine-explore rin namin as musician.

"Ang trip ko, magre-record sa laptop, e. Siya, yung trip niya, ganoon din.

"Bilang ang dami ko rin naman nare-record na mga [songs ng] banda.

"Tapos, pinaglalaruan niya yung bagong bili [ko] na recording equipment, e, ang ganda.

"At bilang kilala niya rin ang mga kabanda ko, kasi nagbabanda ako ngayon.

"Yung pianist, yung drummer, at saka bassist [namin], kaibigan niya."

Kung sakaling hindi committed sa iba si Sid at ligawan siya, may pag-asa ba ito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ganoong tanong?" tawa ni Glaiza.

"Nahihiya ako sa konsepto na parang pinagdidikit ang pangalan namin romantically.

"Parang, ’di ba? Natatawa talaga ako, pero siyempre, hindi rin naman siya mahirap pakisamahan, e.

"Hindi rin siya mahirap pakibagayan kasi ang personality niya, very open, very warm.

"At saka makulit din, yung ganoon."

LIMITED EXPOSURE? Sa usaping career, si Glaiza ang gumaganap na Binayaan sa Amaya. For a while nga ay nagpanggap ang character niya na siya si Amaya.

Ayon pa rin kay Glaiza, maraming episodes at ilang buwan na halos umeere ang Amaya, pero konti lang ang exposure ng kanyang papel na ginagampanan.

Aware daw si Glaiza na importante naman ang role niya sa Amaya, pero napaisip daw ito dahil matagal-tagal nang umeere ang epic-serye, pero hindi pa siya masyadong natatawagan para mag-taping.

"Na-pressure din. Siyempre, maganda ang mga performance noong first few months.

"So, dapat pagdating ng character mo, kailangan mo rin pantayan, in a way, yung expectation ng tao na maging consistent.

"Kasi, itong show na ’to, hindi rin naman basta-basta.

"Kung aktingan, aktingan.

"So, parang ayoko rin siyempre na masira yung serye dahil hindi ako nakapagbigay ng magandang performance.

"So, ayun, siguro pinaghanda lang din ako para sa mabibigat na eksena."

Sabi pa niya, "Hindi ako yung masyadong kabadung-kabado. Mas naging relaxed po ako.

"Lalo na magda-drama ka, ang hirap ng mga Tagalog.

"E, kapag nagkamali ka ng line, huhugot ka na naman ng eksena. Iisipin mo yung lines kesa sa kailangan mong ma-feel."

LOVING HER ROLE! Masaya raw si Glaiza sa kanyang character dahil isa raw ito sa mga klase ng role na gusto niyang magawa.

"Honestly, ito ang mga gusto kong role. Yung mga may complex, may twists.

"Hindi mo alam kung papunta sa antagonist or kung kalaban ba siya ni Amaya [Marian Rivera].

"’Bakit niya nilalabanan ang pagpapapakilala sa totoong iloy [ina] niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Bakit ganito ang mga ginagawa niya?’ Na kahit ako, hindi ko rin maintindihan kung bakit.

"Kahit na kunwari, nandoon na kami sa mismong set, iisipin mo na lang din kung bakit ko ito gagawin."

THE REAL AMAYA. Nagkaroon ng isyu lately kung sino ba ang totoong Amaya kina Marian at Glaiza, na agad namang nilinaw ng headwriter ng epic-serye na si Suzette Doctolero.

Ayon kay Suzette, si Marian talaga ang totoo at nag-iisang Amaya.

Sabi naman ni Glaiza, "Malinaw naman na sa umpisa pa lang, nakalagay na si Binayaan ang magpapanggap na si Amaya.

"Naging aware din ako do’n sa mga sabi-sabi [intrigang inaagawan ng eksena si Marian], tapos makakarating sa ’yo.

"Sabi ko nga, magganun? Sa akin naman, ang haba ng itatakbo ng serye na ito at hindi naman talaga ako lumabas noong mga unang episodes, ’di ba?

"So, parang ngayon na lang din ako lumalabas. Parang binibigyan ko na lang din naman ng patikim ang mga tao na ’eto si Binayaan ngayon."

Pero isa rin si Glaiza sa masaya na nakasama raw siya sa epic-serye na ito ng Kapuso network.

Ayon sa aktres, masaya at maganda ang samahan nilang lahat sa cast at staff.

"Masaya. Masaya talaga. Although si Marian, hindi ko pa siya masyadong nakakaeksena sa ngayon.

"Pero kapag nagkasama na kami, alam na namin sa isa’t isa ang chemistry [namin].

"Kasi, bihirang-bihira lang din yun sa mga nakakatrabaho mo na mero’ng ganoong chemistry.

"Na kahit hindi kayo nag-uusap, alam n’yo na sa isa’t isa na, ’eto ang gagawin natin. Dito tayo magbibigayan.’ Yung mga ganoon.

"Masaya kasi wala kang naiisip na anumang kaba."

HAPPY KAPUSO! Usung-uso ang lipatan ng network sa mga artista ngayon. Siya ba ay napapaisip din na pwede rin siyang lumitaw sa ibang istasyon?

"Masaya ako sa GMA talaga at hindi rin naman ako pinabayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman siguro akong reason para lumipat sa ngayon.

"Sa tingin ko naman, hindi rin ako magtatagal din dito kung hindi rin naman maganda ang pakikitungo nila sa akin.

"So, I’m very grateful na from the start pa lang naman, hindi nila ako pinabayaan.

"So, there’s no reason for me to transfer, or maghangad pa dahil masaya naman ako dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN