Nora Aunor reveals how she misses singing; says she will try to quit smoking

Nora Aunor on how she terribly misses singing: "Ay, sobra! May times na umiiyak ako talaga kapag may napapanood na mga kumakanta. Nakikita ko ’yong sarili ko. Gusto ko talagang kumanta, pero sa ngayon, imposible pa. Pero, darating ang time na makakakanta ulit ako."


Walang pagsidlan ng sobrang kaligayahan si Nora Aunor matapos tanggapin ang Lifetime Achievement award sa 3rd Star Awards For Music ng Philippine Movie Press Club na ginanap sa Henry Irwin Theater ng Ateneo de Manila University kagabi, October 16.

"Napakalaking karangalan ito para sa akin," sabi ng Superstar nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sabi ko nga, sa tinagal-tagal ko sa States... magwa-walong taon na rin.

"At sa tinagal-tagal na hindi ako nagpupunta sa mga award-giving bodies, ngayon lang talaga ulit...

"At nagpapasalamat ako sa PMPC Star Awards sa paniniwala nila at pagtitiwala sa akin."

LOYAL FANS! Nakabibingi ang sigawan ng kanyang mga tagahanga na nagpunta rin sa nasabing awards night para iparamdam ang walang katumbas na pagmamahal at suporta sa kanya.

Bagay na labis din daw ikinaliligaya ni Nora.

"Masayang-masaya ako talaga.

"At gusto kong huwag nilang makalimutan ’yong ginawa kong movie na El Presidente at ’yong aming mini-serye sa TV5 na Sa Ngalan Ng Ina."

GOLDEN VOICE. Nami-miss ba niya ang pagkanta?

"Ay, sobra!" sambit ng Superstar, na nagsimula bilang isang singer.

"May times na umiiyak ako talaga kapag may napapanood na mga kumakanta. Nakikita ko ’yong sarili ko.

"Gusto ko talagang kumanta, pero sa ngayon, imposible pa.

"Pero, darating ang time na makakakanta ulit ako."

BLESSINGS EVERYWHERE. Labis-labis daw ang kanyang pasasalamat sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya ngayon.

"Unang-una, nais kong magpasalamat sa Itaas siyempre. Dahil kung hindi dahil sa Kanya, siguro hindi ako makakabalik nang ganito.

"At ’yong mga nagmamahal sa akin ay maaaring nagbago na siguro.

"Pero suwerte ko nga lang at masasabi kong mahal na mahal ako talaga at hindi ako pinapabayaan ng Nasa Itaas.

"Dahil sa pangyayari na hindi ko rin akalain na mangyayari ’yon," dagdag niyang paliwanag tungkol sa pagbabalik niya sa bansa at pagbabalik din sa larangan ng pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa sunud-sunod na parangal na naibibigay sa aking ngayon, wala akong masabi!" natawa ang Superstar.

"Actually, first time nangyari sa akin ito. Talagang sunud-sunod ang pagbibigay sa akin ng karangalan bilang isang mang-aawit.

"Kaya masayang-masaya ako dahil sa diyan sa pagkanta ako nag-umpisa.

"At hindi pa rin nila nakakalimutan kung saan ako talaga nagsimula."

Kanino naman niya nais ialay ang mga ganitong parangal na natatanggap niya ngayon?

"Sa lahat. Sa mga fans, lalung-lalo na.

"At sa lahat ng mga no’ng araw at hanggang ngayon ay nagmamahal at talagang pumipila pa rin para lang ako makita at magabayan."

Kagagaling lang sa sakit ni Nora, pero mukhang okay na nga siya matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.

"Malakas na. Malakas na ako ng konti," sabi niya.

"Pero, nando’n pa rin ’yong... inuubo lang naman ako, e.

"Siguro dahil sa ’yon bang pagdating na pagdating ko kasi, wala na halos pahinga rin.

"Kaya gano’n ang nangyari. Pero okey na ako."

NO TO SMOKING? May nasabi siya kamakailan na magku-quit na siya sa paninigarilyo. Talaga bang paninindigan na niya ito?

"Talaga. Dapat lang.

"At ngayon ko lang na-realize kung gaano kaimportante ’yong hindi ka dapat manigarilyo."

Natapos na siyang mag-shooting para sa El Presidente kung saan kasama niya si Laguna Governor ER Ejercito.

Sunod naman daw niyang movie assignment ay ang Hototay sa Regal Films.

Ano nga ba ang role niya sa pelikulang ito?

"A, nire-revise pa yata ang script. Kaya hindi ko pa maikuwento kung ano talaga ang istorya ng Hototay... Mano Po 7 yata iyon."

Pero for sure, isang kakaibang role na naman ito for her at panibagong acting vehicle din.

"Sa palagay ko. Dahil alam naman ni Joel Lamangan [direktor ng pelikula] kung ano ’yong mga dapat gawin kapag gumawa ako ng pelikula.

"Maraming beses na kaming nagkasama ni Direk Joel. Pang-apat na pelikula na namin ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aside from Hototay, may iba pang movie offers sa kanya?

"A, babalik muna ako ng States ulit.

"Mga one month lang ako doon. Pagkatapos ay babalik ulit ako rito."

Dito siya magpa-Pasko?

"Siyempre. At dito rin ako magba-Bagong Taon para kasama ko kayo lahat."

LIKE A PHOENIX! Maraming mga matitinding pagsubok na dinaanan si Nora. Pero gaano man katindi ang kanyang pagkakadapa, nakakabangon at nakakabangon pa rin siya.

"Okey naman ako lagi.

"Sa lahat naman ng nagdadaan sa akin na mga pagsubok, lumalaban naman tayo diyan, e.

"Hindi tayo pwedeng patalo."

Napababalitang pipirma ulit siya sa TV5 ng three-year contract?

"Totoo ’yon," pagkumpirma ni Nora.

"Kaya nga gusto ko rin na narito ako sa Pasko at Bagong Taon para kasama ko lahat ang mga taong nagmamahal sa akin."

MY CHILDREN! Speaking of her love ones, kumusta naman ang kanyang relasyon sa mga anak niya sa ngayon?

"Masayang-masaya kami. ’Yong mga tampuhan, nawala na.

"Ang ganda-ganda ng aming samahan sa kasalukuyan.

"Madalas kaming nagkikita. Okey kaming lahat," sabi ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN