Elmo Magalona corrects rumor mom Pia dislikes Julie Anne San Jose to be his loveteam

Elmo Magalona on issue that his mom Pia dislikes Julie Anne San Jose as his loveteam: "I don’t know. As her son, I think I know better na hindi niya sasabihin yun. Actually, humahanga siya kay Julie bilang magaling na performer. At nakakasama namin si Julie."


Masaya si Elmo Magalona na muling nabigyan ng proyekto ang loveteam nila ni Julie Ann San Jose.

Pagkatapos kasi ng sitcom na Andres de Saya na pinagbidahan nina Cesar Montano at Iza Calzado ay magkakasama ulit sila sa bagong teleserye ng GMA-7 sa Afternoon Prime block.

Ito ay ang Daldalita, na nagsimula ngayong araw, October 17, bago mag-24 Oras.

Ginagampanan ni Elmo ang role ng zoo keeper na si Gino, na magkakagusto naman kay Marga, played by Julie Anne.

May mahalagang role silang gagampanan para sa bidang si Daldalita, na ginagampanan ni Jillian Ward.

Bagamat walang romantic relationship na namamagitan kina Elmo at Julie Anne, parang gusto yata ng kanilang fans na mauwi sa totohanan ang kanilang loveteam.

Hindi ba sila nape-pressure sa fans nila?

"Hindi naman. Wala namang pressure, kasi hindi naman iyon nakararating sa amin.

"Masaya lang kami na sinusuportahan nila kami," sabi ni Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa ngayon daw mabuting magkaibigan lang daw sila. Hindi ba mas lalalim pa sa friendship ang samahan nila?

"Well, maybe as friends muna na mas magiging close pa kami at mas makikilala pa namin ang isa’t isa."

Ano ba ang ina-admire niya kay Julie Anne?

"Yung ano niya, kasipagan. Kasi um-attend siya ng presscon kahit may sakit.

"So, talagang dedicated siya talaga sa trabaho niya."

Ipinagtanggol din ni Elmo si Julie Anne sa intriga na diumano’y ayaw raw ng Mommy Pia niya sa kanyang ka-loveteam.

"I don’t know. As her son, I think I know better na hindi niya sasabihin yun.

"Actually, humahanga siya kay Julie bilang magaling na performer. At nakakasama namin si Julie.

"Actually guest namin siya sa Francis M. Foundation benefit show.

"’Tapos everyone likes Julie, the family, the crowd. Lahat talaga. Nothing negative about it."

LAUNCHING MOVIE. Bukod sa tambalan nila sa TV, binigyan din ng GMA Films ng launching movie sina Elmo at Julie Anne. Just One Summer ang title nito na idinidirek ni Mac Alejandre at scheduled for release next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling na may launching movie na sila?

"Siguro, sa tingin ko, maraming naghihintay para rito lalo na yung mga fans.

"Yung mga fans namin, gusto talagang magkaroon kami ng movie together.

"So, ngayon natupad na yung gusto nila. I’m happy also para sa amin ni Julie kasi may movie na kami agad.

"Magandang buildup ito para sa loveteam namin.

"Ako nga, after ng Tween Academy, may second movie na agad ako, so masaya talaga ako."

Para mas mahasa pa raw ang acting nila ni Julie Anne ay kumukuha sila ngayon ng acting workshop.

"Yes, we’re taking acting workshop now under Ms. Gina Alajar. Parang everyone’s open to criticisms.

"So, nakita ko ’yun as an opportunity to grow, to be a better actor."

IN DEFENSE OF MOMMY PIA. Samantala, sinagot naman ni Elmo ang tungkol sa hate tweets kontra sa kanyang Mommy Pia na inaakusahan ng "child labor" at pinipilit daw na magtrabaho ang kanyang mga anak.

Ayon kay Elmo, "Yung tingin kasi nila, pinipilit kami. Pero ako naman, hindi kami pinilit at saka choice namin ito.

"Yung child labor, masasabi lang nila ’yun sa aming dalawa ni Arkin dahil sina Saab, Maxene at Frank, 18 [years old and] above na lahat.

"So, wala na silang masasabing abuse, or hindi na nila masasabing pinipilit, or child labor.

"Una, hindi na sila child. Pangalawa, hindi nga sila pinipilit.

"Sa aming dalawa naman ni Arkin, hindi rin naman kami pinipilit kasi gusto namin talaga sa showbiz.

"Nagpapasalamat pa nga kami dahil yung nanay namin talaga yung gumagawa ng trabaho para sa amin," paliwanag ni Elmo.

Sa ngayon daw, tatlo na lang silang magkakapatid ang nakatira sa piling ng kanilang mommy.

"Kasama ko pa rin ang mom ko kasi nga underage pa rin ako.

"I’m happy living with my mom, along with my two younger siblings, sina Arkin and Clara. Sina Ate kasi may sari-sarili na silang place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mom ko kasi, pinalaki kami na binibigyan kami ng trust.

"Yung mas matatanda sa akin, pinagtitiwalaan sila ng mom namin na kaya na nila talaga na tumira sa sarili nila.

"Kasi yun ang rules sa bahay namin. Na kailangan, pag 18 and above ka na, kailangan marunong ka na sa buhay."

BIG STAR. Nararamdaman na ba niya ang kasikatan niya ngayon lalo na at madalas pa siyang maging trending topic sa Twitter?

"Siyempre nararamdaman ko na nakikilala na yung name ko.

"But still, parang hindi pa rin yun enough para sabihing sikat ka.

"At saka hindi naman ’yun ang goal ko. Ang goal ko talaga ay maging magaling lang na performer na laging mas ginagalingan lang ang trabaho niya. Ayun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN