Mariel Rodriguez joins Willie Revillame in Wil Time Bigtime; insists there’s no rift between her and Toni Gonzaga

Mariel Rodriguez on her transfer to TV5: "I’m excited na maraming opportunities na pwedeng mangyari sa akin dito. And actually, because the offer really came from Kuya Willie. You can say everything about him na he’s like this, he’s like that. But Kuya Willie has really a good show."


Isang masiglang Mariel Rodriguez ang bumungad sa studio ng TV5 kahapon, Sunday, October 16, para sa kanyang live interview sa Paparazzi Showbiz Exposed.

Kasama niya ang kanyang bagong manager na si Jay Montelibano, na business unit head din ng Wil Productions ni Willie Revillame.

Sumang-ayon agad si Jay nang lapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para makapanayam ang TV host-actress na bagong lipat sa Kapatid network.

Pero tinawag na si Mariel para umupo sa live interview sa kanya nina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Mo Twister, at Zoren Legaspi.

"Totoo ang tsismis! Matrapik pala talaga papunta rito [sa Novaliches]," natatawang sabi ng misis ni Robin Padilla.

Ayon pa kay Mariel, "Natutuwa ako na nagkita kami ulit ni Ate Ruffa.

"Kilala ko na siya [Ruffa], hindi pa ako artista.

"Barkada ko sina Raymond at Richard [Gutierrez], hindi pa ako artista."

LEAVING ABS-CBN. Nang i-welcome siya sa Wil Time Bigtime last Saturday, October 15, marami ang naintriga sa sinabi ni Robin Padilla kay Willie Revillame nang i-surprise call-in ang action star for Mariel.

Ayon kay Robin, "Siguro ka, Willie, uuwi na ngayon ang asawa ko na hindi na umiiyak, hindi na nagkukulong sa kuwarto, at nagpapahanap na ng psychiatrist."

At tungkol do’n ang sunod na binigyang-linaw ni Mariel—kung bakit nga ba nagpapahanap siya ng psychiatrist.

"Hindi naman po yata secret sa lahat na luka-luka talaga ako!" natawang sabi niya.

"Luka-luka naman talaga ako.

"Uhm... Robin was just being a husband when he said that.

"Siyempre tayong lahat, sa mga ginagawa natin, siyempre meron tayong mga pinagdadaanan.

"But I really don’t want to dwell on that right now because what’s important is... I left ABS-CBN, we were in very good terms.

"I respect them so much. Napakalaki po ng utang na loob ko sa ABS.

"At sa lahat... dapat naman gano’n, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag meron kayong pinagsamahan, hindi yata maganda na magsabi ka ng kahit na anong masama tungkol sa kanila dahil may pinagsamahan kayo, e.

"At higit sa lahat, wala naman talaga akong masasabi.

"They [ABS-CBN] gave me the breaks that... I will not be here right now if it weren’t for them.

"They made me who I am.

"So, I’m really grateful for that."

Dagdag pa ni Mariel, "No’ng time na dapat lilipat ako, hindi naman nagkulang ang ABS sa pagpapa-feel nila sa akin na gusto nila akong manatiling Kapamilya, na I’m really grateful for.

"Thank you so much.

"And, ’di ba, we run in circles?

"Huwag puputulin ang tulay.

"And si Tito Boy [Abunda, her former manager], gusto ko siyang pasalamatan kasi siya talaga from the very start, naniwala siya sa akin.

"At talagang he was always there for me.

"Six... seven years ako sa ABS.

"Pati mga marshal at janitor, kilala ko. Na kaya kong pumasok nang naka-tsinelas."

NEW HOME. Pagpapatuloy ni Mariel, "Ang mahirap sa akin, ’yong bago na naman.

"E, siyempre ’yong personality ko, hindi naman lahat nakakaintindi, ’di ba?

"So... ’Naku, marami na naman akong pakikisamahan! Mami-misinterpret na naman ako ng mga tao,’ sabi ko.

"Pero I’m excited for this [paglipat sa TV5].

"I’m excited na maraming opportunities na pwedeng mangyari sa akin dito.

"And actually, because the offer really came from Kuya Willie.

"You can say everything about him na he’s like this, he’s like that.

"But Kuya Willie has really a good show," banggit pa niya sa Wil Time Bigtime.

"May puso ang show niya. ’Yong show niya para sa tao. Mahal na mahal niya ang mga tao.

"So, I wanna be a part of a show like that.

"Ito nga ang maganda dito, ang daming possibilities. Lahat pwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am ready to embrace whatever TV5 has to offer."

Ngayong nasa TV5 na siya, open din daw siya na gumawa ng drama shows.

"That’s my dream," sambit ni Mariel.

SHALANI SOLEDAD. Puring-puri naman ni Mariel si Valenzuela Councilor Shalani Soledad, na isa sa mga co-host niya sa Wil Time Bigtime.

"Ang cute-cute niya!

"Sabi niya, ’Mariel, pupunta ba si Robin mamaya?’

"Hindi ko lang masabi na, ’Hindi nga ako kinakausap, e! Hindi nga umuwi...’ Hindi ko lang masabi iyon."

Hindi raw kasi umuwi ng kanilang bahay si Robin noong gabi bago siya i-welcome sa Wil Time Bigtime the next day.

"So, sabi ko na lang, ’Hindi ko alam, e. May show siya sa Sofitel, gano’n-gano’n.’

"Tapos sabi niya, ’Kung pupunta siya, magpapa-picture ako, ha!’

"Ang cute-cute talaga. Gosh, she’s so cute!

"She’s ano pala... kasi I thought, ’Paano kaya ito? Baka maloka siya sa akin!’

"In person, she’s so funny pala!

"Very light ang personality niya... yeah! Kaya siguro we get along."

RUMORED FEUD WITH TONI GONZAGA. Nakalipat na sa Kapatid network si Mariel, pero ang isyung may hidwaan na naman daw sila ni Toni Gonzaga ay parang hinahabol pa rin siya.

Biniro nga siya ni Zoren tungkol dito.

Pero diin ni Mariel, "My longest showbiz friend is Toni Gonzaga. She is my longest friend.

"Kahit na ano po ang mangyari, laging mananalo pa rin ang pagiging magkaibigan naming dalawa.

"Malalim ang pinagsamahan namin."

Pero kahit ilang beses nang binigyang-linaw ni Mariel na wala silang hidwaan ni Toni, hindi nga nawawala ang dudang baka nagpaplastikan lang daw sila.

"Wala kaming gano’n ni Toni. Magkaibigan kami.

"’Yong level of friendship namin is like Bianca Gonzales. Magkakapatid. We’re sisters," sabi niya.

At gaya ng magkakapatid, nagkakaroon din daw sila ng miscommunication.

"Yes. Pero the thing about it is we talk about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are very open now. Kasi our friendship also mature," saad ni Mariel.

MARRIED LIFE. It’s been a year and two months na raw nagsasama sina Mariel at Robin bilang mag-asawa.

Kuwento ni Mariel, "Mas marami pa kaming nadi-discover sa isa’t isa.

"And now, alam ko na kung ano talaga ’yong marriage.

"Hindi porke’t minsan hindi kayo naggi-get along, o hindi porke’t naggi-get along kayo lagi, ’yong mga times na nagkakaroon kayo ng mga struggle...

"Alam n’yo naman na may matinding stuggles din kaming pinagdaanan, iyon ang mas nagpapatibay sa marriage.

"Tapos, katulad no’ng hindi siya umuwi, ano ’yon... hindi ako nakatulog!

"Sabi ko lang kay Jay [Montelibano] na hindi ako nakatulog, kasi I’m so excited.

"Pero every hour, gising ako nang gising. ’Ay, hindi talaga umuwi!’ ’Yong gano’n?

"Tapos, nong nakita ko [si Robin]... alam n’yo wala na akong ibang nakita no’n. Siya na lang."

Mas lalo daw minahal ni Mariel si Robin nang nakilala na niya nang husto ang bawat hibla ng totoong pagkatao at ugali nito.

"Ang unang nagustuhan ko sa kanya is kung gaano siya ka-sincere.

"Lahat tayo may purpose sa buhay natin, ’di ba?

"Si Robin, ’yong purpose niya, hindi para sa sarili niya, hindi para sumikat siya, hindi para sa pera.

"Lahat po ng kinikita ni Robin, napupunta sa ibang mga tao. Tagapagtanggol siya ng maliliit.

"Turuan ko siyang mag-save? Ayoko naman.

"Kasi ’yon siya, e. You have to love him for who he is.

"Naging magandang example sa akin si Robin.

"Sa Wowowee noon, ang daming nagpapa-picture. Tapos mag-i-smile ka, pu-pose ka. Tapos aalis ka na.

"Busy ka, e. Tao ka rin. Iyon ang iniisip ko.

"Pero ang Robin Padilla, two hours, mag-i-stay pa ’yon.

"Lahat ng tao sa studio, makikipag-picture pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ako ngayon, kapag may nagpa-picture, ’Sige, picture!’"

GOODBYE & HELLO. Matapos ang live interview kay Mariel, masigla pa rin ito nang humarap para sandaling makipagkuwentuhan din sa PEP.

Nabigyang-linaw niya na hanggang sa pag-alis niya sa Kapamilya network ay in good terms siya sa lahat ng mga tao roon.

Pero bakit nga ba may issue na may mga hindi siya kasundo sa inalisang network? Tapos may intriga pang madalas daw siyang mura nang mura kapag nasa loob siya ng dressing room?

"E, siguro... gano’n lang po talaga," sabi ni Mariel.

May naninira sa kanya?

"Siguro, it’s just part of it. Gano’n lang po siguro.

"At saka sanay na ako. Wala na po sa akin ’yong mga gano’n.

"Siguro mahe-hurt ako kung nanggaling iyon sa mga nando’n. Sa mga kasama ko.

"Pero kung sa mga tao lang na... hearsay-hearsay lang... ’Di ba?"

’Yong kontratang pinirmahan ni Mariel ay para sa Wil Productions lang. May possibility ba na pumirma rin siya ng contract sa TV5?

"I don’t know with Jay Montelibano. Pero, yes, of course!" sagot niya.

Gusto niyang magkaroon ng iba pang shows bukod sa Wil Time Bigtime?

"Of course!" mabilis niyang sagot.

"Dream kong magkaroon ng parang talk show. Parang ’Late Night With Mariel Rodriguez.’ ’Yong mala-David Letterman, mga talk show na gano’n.

"Tapos mga drama... kahit na ano.

"Actually, kahit na ano. Basta masaya."

SOON TO FOLLOW? Si Robin, may tendency ba na sumunod sa kanyang lumipat na rin?

"I don’t know, e," sagot niya.

"Hindi ko naman ma-ano kasi meron siyang kontrata sa ABS.

"At saka, hindi naman ako ang manager niya, ’di ba?"

What about ’yong planong pagkakaroon nila ng baby?

"Ay, wala pa po. No. No.

"Not anytime soon."

Talagang ie-enjoy muna nila ang pagiging mag-asawa nila?

"Yes!" nangiting sagot ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang housewife, ano ’yong obligasyong gustung-gusto niyang ginagawa for Robin?

"I love packing for him.

"Cooking? No. I don’t know how!" tawa niya.

Wala siyang planong mag-aral magluto?

"Maraming plano. Hindi pa lang nagagawa.

"Pero ’yong packing... iyon, kaya ko ’yon.

"But ’yong cooking, hindi pa talaga.

"And lahat naman ng gawin ko for him, natutuwa siya.

"Alam mo, para sa kanya, kapag kunwari sinabi ko sa kanila [mga kasambahay] na i-prepare na ang food, tapos ako ang nagdala sa kanya, dahil ako ang nagpa-prepare, and in fairness, ako naman ang nag-grocery no’n, para sa kanya, ako na rin ang gumawa no’n."

In return, ano naman ang mga nagagawa ni Robin for her na talagang ikinasisiya rin niya?

"Lahat. ’Yong suporta niya sa akin, ibang klase."

So, perfect husband para sa kanya si Robin?

"Yes!" nakangiting sabi ni Mariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN