Julie Anne San Jose reacts to rumor Elmo Magalona’s mom allegedly dislikes her

Julie Anne San Jose on Elmo Magalona’s mom, Pia Magalona: "...Wala po akong nararamdaman kasi mabait naman po si Miss Pia sa akin. And mataas po talaga ang respeto ko sa kanya and binabalik ko lang din po yung respeto na binibigay niya din po sa amin. Siyempre po, yung trust po na binibigay niya sa akin na ma-partner kay Elmo, siyempre nakaka-flatter din yun.


"Magkaibigan naman po kami!" ang natatawang sagot ng young singer-actress na si Julie Anne San Jose nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya si Elmo Magalona.

Bakit siya natatawa?

"E, kasi po, ilang beses na ring tinanong sa akin ’yan, e," muling natatawang sinabi ni Julie Anne sa panayam namin sa kanya sa presscon ng Daldalita last October 12, sa Studio 6 ng GMA TV Complex.

Nanliligaw ba sa kanya si Elmo?

"Hindi ko po alam, e. Pero ngayon po, parang ano, we’re still getting to know each other pa naman po.

"Basta magkaibigan pa rin naman po kami ni Elmo and we’re still enjoying each other’s company naman," saad niya.

ELMO’S CHANCE. Kung ire-rate niya ang chance na sagutin niya si Elmo kapag nanligaw ito sa kanya, from one to one hundred, ano ito?

"Ay, may ganun?" tawa niya ulit.

"Diretsong tanong talaga ito? Pagka nag-court siya?

"Fifty-fifty! E, kasi po, marami pong reasons kung bakit.

"Siguro, we’re still young and hindi pa po ako open sa kahit anong relationship.

"Pero hindi naman po sa tinatanggihan ko... Well, darating naman po dun sa time na yun na darating talaga yun.

"Ano po, hindi kasi din gusto din po ng parents ko para... huwag po muna sana kasi masyado pa po kaming bata at marami pa kaming priorities na kailangan talagang unahin."

Nasasaktan ba siya kapag may nali-link na ibang babae kay Elmo?

"Hindi naman po kasi ano naman po ’yan, e, wala naman po ako dun sa personal life niya, or sa private life niya.

"As long as masaya po siya, iyon.

"Hindi naman po ako nasasaktan kasi friend ko naman po siya.

"So, kung ano po yung magiging desisyon niya, iyon, ’Susuportahan taka’!"

Hindi siya naaapektuhan?

"No, hindi naman po! Okay lang naman po sa akin talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman... kasi sabi ko nga po, I’m being professional at all times and we work professionally naman.

"Tsaka we always try our best para pakiligin ang mga fans, ganun."

JULIELMO FANS. Possessive pa naman ang mga fans nila.

"Ay, grabe po, sobra!" tawa ni Julie Anne.

"Well, may mga mababait naman po kaming mga fans, ganun.

"Like, I think yung mga Julie-Elmo talaga na solid, ganun.

"Pero siyempre, hindi naman po namin maiiwasan kasi, like yung mga hardcore na ganun, and hindi naman po talaga namin kontrolado yun."

Hindi nila pinagsasabihan yung mga fans nila na nang-aaway ng ibang artista or ibang fans din?

"Hindi po namin sila pinagsasabihan kasi ano, e, hindi naman po namin sila kilala.

"Yung iba, hindi po namin talaga kilala, so parang sa part namin, parang nakakahiya din sa ibang mga tao.

"Kasi parang sobrang addict nila sa amin, sobrang possessed sila sa amin, ganun.

"Parang kung anu-ano na mga sinasabi nila."

Pareho silang wholesome ang image ni Elmo.

"Oo naman po, mini-maintain namin po talaga yung image namin na ganun."

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Hindi pa raw nagkaka-boyfriend si Julie Anne.

"Hindi pa po, hindi pa," sabi niya.

Pero ang totoo ba, gusto ba niya si Elmo?

Or baka may iba siyang crush?"Mas matanda po yung crush ko, e, si ano... si Richard [Gutierrez]!" pag-amin niya.

"Well, kasi si ano naman... Elmo is really a nice guy, he’s composed, he is really, really talented, parang... nakikita ko talaga sa kaya si Francis M.

"E, idol ko po talaga si Francis M, so parang dumating naman po sa point na naa-admire ko siya.

"Kasi magaling siya tapos nakakapag-inspire pa siya ng maraming tao."

Si Elmo ba ang tipong pwedeng maging boyfriend?

Tumawa muna si Julie Ann bago sinabing, "Hindi ko masasabi ’yan, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawal pa ba siyang mag-boyfriend?

"Hindi naman po sa pinagbabawalan... Sa ngayon po, bawal pa, bawal pa, bawal pa."

Sinabi sa kanya ng parents niya?

"Oo, bawal pa."

Kailan daw, kapag 18 na siya?

"Siguro po kapag mga ganun."

Bukod kay Richard ay crush din ni Julie Anne "si Dennis [Trillo] at saka si Dingdong [Dantes]."

Pero aniya, "Mga crush-crush lang naman po yun.

"I just find them attractive, pero not to the point na talagang crush ko talaga sila, ganito-ganyan."

ELMO’S MOM. Totoo ba ang kumalat na tsismis na ayaw sa kanya diumano ni Pia Magalona para sa anak nitong si Elmo?

"Ay, may ganun po? Hindi ko po alam, e. Tanungin na lang ninyo si Miss Pia," ang natatawang sagot ni Julie Ann.

Wala naman daw ipinapakitang hindi maganda sa kanya si Pia.

"Hindi naman po, wala po akong nararamdaman kasi mabait naman po si Miss Pia sa akin.

"And mataas po talaga ang respeto ko sa kanya and binabalik ko lang din po yung respeto na binibigay niya din po sa amin.

"Siyempre po, yung trust po na binibigay niya sa akin na ma-partner kay Elmo, siyempre nakaka-flatter din yun.

"And siyempre, may mga compliments din siya na sinasabi sa akin, so parang hindi ko rin po alam na kung may something po ba na ano, alam mo na, parang may negative feeling, parang wala po siguro."

Naisama na ba siya ni Elmo sa isang family gathering ng mga Magalona?

"Actually, hind siya family gathering, parang it’s a benefit concert yun para sa dad niya."

E, yung gathering talaga ng family?

"A, yung gathering, hindi pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN