Cesar Montano reveals wife Sunshine Cruz is aware of his love scene with Sam Pinto in Hitman

Cesar Montano on wife Sunshine Cruz: "Inspirasyon ko ’to, e. Kaya ko nakukuha ’yong ganito [parangal], e, dahil siya ang lagi kong iniisip. Everytime I paint. Everytime I make a movie. Or even when I sing or compose a song. Siya ’yong motivation ko."


Tinalo ni Cesar Montano si Nyoy Volante bilang Acoustic Artist of the Year sa katatapos na 3rd PMPC Star Awards For Music na ginanap sa Ateneo de Manila University theater kagabi, Sunday, October 16. Dalawa lang silang nominado sa nasabing kategorya.

Kita sa mukha ni Cesar ang sobrang kaligayahan, gayundin ng misis niyang si Sunshine Cruz na kasama niyang dumalo ng nasabing awards night.

"’Yong ma-nominate lang, e, malaking karangalan na sa akin. Pero ’yong manalo pa, e, talagang sobrang grasya na ito," sabi ng actor-singer sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag pa niya, "To God be the glory. Ibinabalik ko ang papuri sa Kanya lahat."

Alay rin daw niya kay Sunshine ang napanalunan niyang award. At pati na rin yung song number niya sa kalagitnaan ng Star Awards For Music.

"Inspirasyon ko ’to, e," sabay sulyap sa katabi lang niyang si Sunshine na tila kinilig naman sa sinabi niyang iyon.

"Kaya ko nakukuha ’yong ganito [parangal], e, dahil siya ang lagi kong iniisip.

"Everytime I paint. Everytime I make a movie. Or even when I sing or compose a song.

"Siya ’yong motivation ko."

Natatawa namang reaksiyon ni Sunshine sa sinabing iyon ng ng kanyang asawa: "Mahabang kulot ang hair ko!"

Sabi pa niya, "Pero of course, I’m very, very flattered.

"The same thing, gano’n din naman ako kay Buboy [palayaw ni Cesar], inspirasyon ko siya.

"Sila ng mga anak ko, buhay ko ang mga ’yan."

STILL BEAUTIFUL & SEXY. Kapansin-pansin na na-maintain ni Sunshine ang kanyang ganda at kaseksihan all these years. Ano ang sikreto niya?

"Wala naman. I don’t diet. I don’t exercise.

"Minsan sumasama lang ako kay Ara Mina mag-yoga. That’s all," sabi niya.

Paano ba ang daily routine niya bilang isang full-time wife and mom?

"Every morning, inaasikaso ang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagpasok na nila ng eskuwela, naglilinis ako ng kuwarto. Nag-a-assist ako sa mga helpers namin sa bahay.

"Nag-aalaga ng asawa. Inaasikaso ang pagkain pati damit na isusuot niya.

"At enjoy ako sa gano’n. Hindi ako nakakaramdam ng pagod basta rin lang pag-aalaga ng pamilya ang pag-uusapan.

"And it makes me feel good na alam kong naa-appreciate ng mga anak ko at ng asawa ko ’yong mga ginagawa ko.

"Ten years old na ’yong panganay namin na si Angelina Ysabel.

"Si Samantha Angeline naman, our second child, is seven.

"And Angel Franchesca, my bunso, is five years old.

"Malapit nang maging dalagita ang panganay namin. Grade four na siya.

"Nakakatuwa kasi minsan, meron na siyang kilos na parang, ’Uy, parang si Sunshine!’ ’Yong gano’n?

"At the same time, kamukhang-kamukha ko pa.

"Sobrang close silang tatlo sa father nila. Pero close din naman sila sa akin.

"Iyon ang ikinatutuwa ko kay Buboy. Matiyaga ’yan kahit binubugbog na siya ng mga anak namin sa paglalaro.

"Walang pakialam ’yan! Gano’n talaga," natatawang kuwento ni Sunshine.

Nami-miss ba niya ang buhay-showbiz?

"Yong mga ganitong affair [awards night], it makes me feel good na kahit papa’no, nakikita ko pa rin ’yong mga artista na kilala ko before.

"Pati kayo from the press na kaibigan ko.

"Pero ’yong mag-puyat, parang hindi muna.

"Nag-e-enjoy naman ako sa mga kids.

"Pero kapag may dumating na offer na okey din sa aking asawa, walang problema."

STRONG MARRIAGE. Marami ang natutuwa at matahimik ang pagsasama nila ngayon ni Sunshine bilang mag-asawa.

Hindi birong mga issue at intriga ang pinagdaanan din ng relasyon nila sa nakalipas na mga panahon.

Malaking factor ba ng matatag nilang relasyon ngayon ’yong tinalikuran ni Sunshine ang showbiz?

"Isa po ’yon," sabi ni Cesar.

"And, of course, we always pray together."

Papayag ba siyang maging active ulit si Sunshine sa pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo. Naku, abangan n’yo, meron siyang gagawin sa ABS-CBN," banggit ni Cesar.

CESAR’S RECORDING CAREER. Si Cesar naman, nasabing tuluy-tuloy na raw ang pagiging recording artist niya.

Right now, he is working on his third album.

Ani Cesar, "May inaayos na kami. May mga composition po akong bago ngayon.

"At pagkatapos naming i-promote nitong second album ko sa Sony, meron na pong kasunod na ikatlo kaagad.

"Kaya nga excited ako. Acoustic pa rin po ang mga songs."

WORKING WITH THE SUPERSTAR. Sa pagkikita nila ni Nora Aunor kagabi sa 3rd Star Awards for Music, pabirong nagpahaging si Cesar na gusto niyang makatrabaho ang aktres.

"Of course! Siya ang nag-iisang Superstar natin dito.

"Isang pangarap po ’yan para sa akin.

"At saka hindi ko pa ito naikukuwento sa kanya... I had a weird dream before when I was nine or ten years old, na wala pa sa guni-guni ko na magiging artista ako.

"Na bakit ako nagkaroon ng panaginip na... nagsu-shooting ako. Gumagawa ako ng pelikula, nasa ibabaw ako ng bus, at maraming tao.

"At ang kasama ko... si Ate Guy.

"Hindi ko pa alam na magiging artista ako no’ng time na ’yon. Ewan ko.

"Dahil siguro, nanay ko, Nora ang bukambibig palagi. Noranian kasi ang nanay ko talaga inside and out.

"Siguro dahil do’n kaya ko napanaginipan iyon.

"Pero weird. Weird talaga."

Kung siya ang tatanungin, ano bang proyekto ang gusto niyang mapagsamahan nila ni Nora?

"Pwedeng historical film. Basta drama.

"Kasi Ate Guy is a very, very good dramatist. Excellent dramatist.

"Kaya maganda if it’s a drama movie with her."

HITMAN. Natapos na raw ang shooting nila para sa bagong pinagbibidahan niyang pelikulang Hitman na siya rin ang nagdirek.

"Nasa editing process na ’yong movie," banggit niya.

"Viva Films ang magdi-distrubute nito. At napagkasunduan naming ilabas ito third week of January next year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kakaibang action naman ang aabangan ninyo sa pelikulang ito. Kakaibang istorya.

"Kasama ko po rito sina Mark Herras, na napakaganda ang role which I designed for him personally, because I’ve written the script also together with Willie Laconsay.

"Kasama ko rin dito si Sam Pinto, one of the sexiest stars that we have today.

"Tapos si Phillip Salvador. At saka sina Ricky Davao, Joko Diaz, and my brother Rommel [Montano]."

SON DIEGO. Kasama rin sa Hitman ang anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga.

"Ako, talagang binabantayan ko ang pag-arte niya," sabi ni Cesar tungkol sa kanyang anak.

"Nakita ko naman na malaki na ’yong development... progress ng kanyang pag-arte.

"Ay naku, mas magaling pa yata sa akin siya. After ng several years, baka mas magaling na sa akin ’yan.

"Lagi kaming nagti-text. Nagbibi-BM [BlackBerry message] kami parati."

SAM PINTO. Kumusta naman ang leading lady niya na si Sam Pinto?

"Naku, napaka-cooperative. Napakatalinong bata... at fast learner.

"Walang arte. Hindi gaya ng sinasabi ng iba na, ’Naku, model ’yan, medyo mahirap makatrabaho.’

"No. Napakadali niyang katrabaho.

"May workshop pa kami. Dalawang araw.

"Talagang gusto niyang maging maayos ang performance niya rito. And she really did well.

"Personal choice ko siya. Bagay na bagay sa kanya talaga ’yong role.

"Actually si Sunshine, si Sam rin ang pinili na maging leading lady ko. Oo."

Normally kapag nagtatambal sa pelikula, nali-link sa isa’t isa.

Pero si Sam, nasabi before sa isang interview when asked na baka magselos si Sunshine, ’yong ganda raw ba at seksing ’yon ni Sunshine magseselos pa sa kanya?

"Ang galing! Ang galing sumagot ni Sam!" natatawang sabi ni Cesar nang hingin namin ang kanyang reaksiyon.

"Well, ako, i-expect na natin kung ano ’yong worst. Sa mga ganyan, parang SOP [standard operating procedure] na yata ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero one thing we should watch out sa movie na ito ay ’yong bagong action na ipapakita namin. At saka bagong kuwento na ngayon lang mapapanood."

Katabi raw niya si Sunshine sa panahong isinusulat pa lang niya ang script. Kaya alam daw nito ang kabuuan ng istorya.

Pati kung ilan ang magiging love scene niya with Sam.

Meron talaga silang mga love scenes ni Sam?

"Naku, isa ’yon sa aabangan n’yo. ’Yong love scene namin.

"Grabe! Kasi, sex and violence ’yong tinatalakay sa istorya ng pelikula, e.

"Sabi lang sa akin ni Sunshine, ’Kailangan maganda lumabas ’yong love scene!’

"Ako pa naman, napaka-lousy magdirek ng love scene!

"Kasi, nahihiya ako. Pagdating do’n sa love scene, ha!

"Kasi kung ikaw ang direktor, tapos ikaw pa rin ang makikipag-love scene... ’yan ang challenge sa akin talaga.

"Dinamihan ko na lang ang coverage ng love scene para maraming pagpipilian.

"Joke lang po!" natatawang bawi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN