Aljur Abrenica has no time for love; indulges in new sport

"Wala akong nililigawan sa ngayon, kasi marami tayong ginagawa sa ngayon. Mahirap pagsabayin. Gusto ko, pag may nakarelasyon ako, naibibigay ko sa kanya yung time para sa kanya. Yung tamang responsibilidad. Hindi [ko] kaya talagang pagsabayin, e. Kasi, nahihirapan ako sa schedule ko," says Aljur Abrenica when asked about his lovelife.

Aljur on his new sport: "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e


Kapansin-pansing medyo pumayat at naging lean ang pangangatawan ni Aljur Abrenica nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, October 15, sa dressing room ng Zirkoh comedy bar sa may Tomas Morato, Quezon City.

Kasalukuyang naghahanda si Aljur that time para sa kanyang performance sa The Yummies special show. Kasama ni Aljur sa show sina Jose Manalo, Wally Bayola, Edgar Allan Guzman, at Markki Stroem.

Habang nag-aayos ang young actor ay humihirit kami ng tanong sa kanya.

Una naming tinanong sa kanya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

"Ngayon, siyempre sa Amaya. ’Yun talaga ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon [at] Party Pilipinas.

"Upcoming movies, wala pa naman masyadong detalye.

"Tapos yung sports ko, nagdyi-gym ako, Muay Thai.

"’Tsaka yung bago kong pinagkakaabalahan, yung target shooting, firing," banggit ni Aljur.

READY, AIM, FIRE! Bago sa pandinig namin ang firing na isa na raw sa pinaglalaanan niya ng oras. Bakit naman kaya ito ang napili niyang sport sa ngayon?

Paliwanag ng Kapuso hunk, "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e.

"Lalo na, naimpluwensiyahan ako ng dad ko. Kasi, magaling din siya sa firing.

"Ngayon lang ako pinayagang humawak ng baril. Ngayon lang."

So, dati na niyang pangarap ito?

"Oo, bata pa lang ako. Pag nakikita ko dad ko, gusto ko na talagang humawak ng baril.

"Pero, hindi pa ako pinayagan [noon] kasi nga bata pa ako.

"Ngayong 21 na ako, pinayagan na ako na pumasok at sumabak sa sports na ito."

Pangarap din ba niya noong bata siya ang maging sundalo, o pulis?

"Hindi naman, for fun sports lang talaga.

"Kung bakit ko naman siya pinag-aralan, dahil gusto ko, pang-self-defense.

"Laro lang din naman talaga. Feeling ko kasi, baka may mga sitwasyong biglaan, ’di naman natin masasabi, ’di ba?

"[Kapag] may mang-hostage, at least alam mo yung gagawin mo. Dahil mero’n kang alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi rin yung aral ka, may alam ka. Kaya gustong gusto ko siyang pag-aralan."

Itinanong din ng PEP kay Aljur ang tungkol sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa kanya, itutuloy niya ito kapag may oras na siya. Limang taon na raw siyang nahinto sa pag-aaral.

Idinagdag pa niyang ayaw niya ng mga home studies. Ang gusto raw niya, siya talaga ang pupunta sa school upang mag-aral.

LOVE CAN WAIT! Sa usaping lovelife, kumusta si Aljur?

"Wala akong nililigawan sa ngayon, kasi marami tayong ginagawa sa ngayon. Mahirap pagsabayin.

"Gusto ko, pag may nakarelasyon ako, naibibigay ko sa kanya yung time para sa kanya.

"Yung tamang responsibilidad.

"Hindi [ko] kaya talagang pagsabayin, e. Kasi, nahihirapan ako sa schedule ko," paliwanag niya.

FUTURE TARGETS. Ang pangarap daw ni Aljur sa ngayon ay ang makapagbukas ng restaurant sa Metro Manila at makapagpatayo ng sariling bahay.

"Marami akong gusto, e. Tulad ng mga business na pagkain dito sa Manila.

"Sa ngayon, ’di ko pa kaya. ’Di pa kaya ng budget, e.

"Sa ngayon, gusto ko kasi mag-ipon para magkabahay. Gusto ko magkabahay ng sarili ko."

MOVIE WITH RHIAN. Pagdating naman sa pelikula, masayang ibinalita ni Aljur sa PEP na may gagawin siya kapareha si Rhian Ramos.

"Well, yeah, ito yung movie namin with Rhian Ramos."

Hindi pa raw niya sigurado kung kumpirmado na ito talaga, pero ito raw ay isang, "Love story na medyo comedy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN