Kean Cipriano refuses to react on Ruffa Gutierrez’s comment about him and Liz Uy

Kean Cipriano on Ruffa Gutierrez’s remark that Liz Uy and him are not "bagay": "Wala. Wala akong comment sa nasabi ni Ruffa na hindi kami bagay ni Liz."


Dahil bagong salta sa showbiz ang rock singer turned actor na si Kean Cipriano, ’di maiwasang ma-link siya sa kung kani-kanino.

Sa ngayon, sa stylist na si Liz Uy nali-link si Kean, pero ang acoustic singer na si Sabrina ang kasama niya sa 3rd PMPC Star Awards for Music na ginanap nitong Linggo (October 16) sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University.

"Nagkita lang kami ni Sabrina dito kanina," paglilinaw kaagad ni Kean sa simula pa lang ng pakikipagkuwentuhan niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

TOO "LITTLE" FOR LIZ? Nabalitaan din nga raw niyang nali-link siya kay Liz Uy ngayon. Pati yung reaksiyong nasabi ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi na hindi raw sila bagay ng ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz na na-link din kay President Noynoy Aquino.

"Kasi maliit ako, e," aniya na ang ibig sabihin ay mas matangkad nga sa kanya si Liz.

"Wala. Wala akong comment sa nasabi ni Ruffa na hindi kami bagay ni Liz."

Hindi siya nairita dahil do’n?

"Bakit naman ako maiirita? Hindi naman dapat ikairita ’yong gano’n."

Pero, bakit nga ba siya nali-link kay Liz lately?

"Kasi, lagi kaming magkasama ni Liz. Kami nina Vice [Ganda]. Kami-kami."

Hindi nga ba sila na ni Liz?

"Ay, hindi po. Hindi totoo ’yon."

Si Liz ba ang nag-i-style sa kanya?

"No. I hope," mabilis niyang sagot.

O, baka naman binibigyan siya ni Liz ng tips sa fashion, o kung ano ’yong mga mas bagay na isuot niya?

"Hindi naman kami masyadong... minsan nagkukuwentuhan kami about it.

"Pero, alam mo ’yon? If I need help, I think naman she would be very generous to help me and magsabi ng kung anumang bagay."

Dati ay hindi naman sila close ni Liz. Ni hindi nga sila magkakilala. Pagkatapos ngayon ay madalas silang magkasamang lumalabas.

"Siyempre, normal lang na may nakikilala tayong mga bagong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkakilala kami ni Liz months ago, through Vice. Magbabarkada kaming lahat."

During their first meeting, may attraction ba siyang naramdaman towards Liz?

"Uhm... Liz Uy is very gorgeous. She’s very smart. Iyon siya.

"Pero, mahirap sagutin ’yong tanong mo kung may attraction akong naramdaman sa unang pagkikilala namin.

"Dahil ang unang kita ng tao, hindi mo mai-explain iyon, e.

"Laging itinatanong iyan sa akin sa bawat babaeng nali-link with me."

Kung pagbabasehan ay ’yong pagkaka-link niya sa kung sinu-sinong girls, parang lumalabas na ang dami na niyang nakarelasyon, na napaka-babaero niya.

"Iyon kasi ang madalas nilang sinasabi. Pero, sa akin naman, naniniwala ako na... ang sarap ng pakiramdam na mero’n kang sobrang sarap na kausap na tao," patungkol niya kay Liz.

"Na... kung bibiyan ng ibang kahulugan ’yon, ewan ko na lang.

"Pero sa akin lang, iba ’yong may nakikilala kang bagong tao. At may mga bagay kang natututunan sa kanila."

TO ALL THE GIRLS... For the record, gaano katagal na siyang loveless?

Natawa ulit at pabirong nakapagmura pa si Kean. Sandaling inisip kung ano ang isasagot.

"Ano, e... ayoko na ring magsalita. Pati tungkol sa sinumang babae na nakasama ko sa buhay ko. Ayoko nang magka-hassle-an pa.

"Ako naman, masasabi ko, lahat naman ng mga babaeng minahal ko, e, minahal ko talaga sila. Nagmahalan kami.

"Ang sa akin lang, masaya ako na nakasama ko sila. Ang dami kong natutunan. Kung ano ako ngayon, dahil sa kanila iyon."

ABORTED LOVE? Silang dalawa ni Alex Gonzaga, during the time na nagkasama sila sa isang Sunday afternoon series ng TV5 dati, inakala ng maraming magtutuloy sa totoong buhay yung nabuong romance on screen between them.

Bakit nga ba naudlot?

"A... gano’n naman siguro talaga iyon, e. Noong una, pinu-push kami.

"No’ng medyo nagiging close kami, do’n naman kami pinaghihiwalay. Magulo!" natawa ulit si Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero feeling ko, gano’n naman ang nangyayari sa lahat, ’di ba? At nagkataon na gano’n ’di ang nangyari sa amin.

"Pero, may gagawin kaming bagong project ngayon. ’Yong TV remake ng P.S. I Love You. Magkasama ulit kami ni Alex dito."

Manumbalik kaya ulit ang naudlot na tuluyan sanang pagkakagustuhan na nila?

"Mahirap sagutin ’yan, e."

CLOSEST GIRL? Sino ang pinaka-close na babae sa puso niya ngayon na hindi niya kaanak?

"Close kami ni Liz. Marami akong mga close na babae. Hindi ko sinasabing si Liz lang.

"Ako... fan ako ni Liz. Idol ko si Liz pagdating sa propesyon niya at kung gaano siya kagaling sa ginagawa niya. At kung gaano siya kaayos na tao.

"Napakaayos na tao ni Liz. Napakabait."

GAY ADMIRER? Pilit din siyang inli-link kay Vice Ganda na obviously ay magkaibigan lang naman sila.

"Hindi. Kami talaga. Kami na talaga!" biro ni Kean.

Sinasabi rin niya na wala pa siyang naka-affair na gay. Pero, may ibang hindi naniniwala.

"E ’di huwag silang maniwala. Ang sinasabi ko lang naman ay kung ano ’yong totoo. Do’n tayo.

"Pero ako, inirerespeto ko lahat ng gays. Kami ni Vice, sobrang close nga kami. True friend sa akin siya, e."

But before, may nag-attempt bang gay na manligaw sa kanya?

"Wala naman."

What if merong nagtangka one of these days?

"If in case man, I’ll appreciate the admiration. I’ll really appreciate it. Thank you very much.

"I cannot entertain ’yong mga gano’n talaga. But I can be friends with them," patungkol pa ni Kean sa mga gays na nag-a-admire sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN