LJ Reyes denies having cosmetic surgery after giving birth

"Nag-breastfeed kasi ako, e. Nakakapayat daw talaga yun. Pero siyempre, hindi rin puwedeng super-lamon ka naman ’pag nag-breastfeed ka," says LJ Reyes when asked how she got her sexiness back after giving birth.


Si LJ Reyes ang guest ni John "Sweet" Lapus sa Don’t Lie To Me Segment ng Showbiz Central last Sunday, October 16.

Ang unang tanong ni Sweet kay LJ ay kung nagselos ba ang karelasyon niyang si Paulo Avelino sa intimate scene nila ni Mark Herras sa Time Of My Life?

No ang sagot ni LJ at "lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Alam naman raw ni Paulo na may ganoon silang eksena ni Mark sa kanilang GMA-7 danserye.

"Nakuwento ko sa kanya," says LJ.

Ano ang sabi, o reaksyon ni Paulo; nagselos ba siya?

"Wala naman. Wala. Walang ganun. Hindi naman. Wala naman talagang dapat pagselosan."

Si LJ ba ay selosa?

"Hindi," sagot nito.

Okay lang din daw kay LJ ang mga intimate scenes nina Paulo at Lovi Poe sa pelikulang Aswang ng Regal Entertainment, Inc.

"Okay lang, pareho naman kaming nasa trabaho natin.

"So siyempre, naiintindihan naman natin kung kailangan talagang gawin, ’di ba?

Iyon daw ang advantage kapag parehong nasa showbiz ang mag-asawa, or magkarelasyong tulad nina LJ at Paulo, mas nagkakaintindihan.

Kaya raw baka ninerbiyos lang si LJ sa tanong kaya "lie" ang lumabas na resulta ng sagot niya.

Sa isang eksensa sa Time Of My Life ay nagsuot si LJ ng very daring at revealing outfit kaya marami ang nagtanong kung may ipinaretoke ba siya sa katawan niya after niyang manganak.

Kasi, kapapanganak lamang niya last year sa anak nila ni Paulo pero, bakit napakaseksi pa rin ni LJ?

"No" ang sagot ni LJ at "truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Ibinahagi ni LJ ang sikreto ng kanyang kaseksihan.

"Nag-breastfeed kasi ako, e. Nakakapayat daw talaga yun.

"Pero siyempre, hindi rin puwedeng super-lamon ka naman ’pag nag- breastfeed ka.

Nasa tamang pagkain daw iyon at exercise na rin daw gaya ng mga dance routines nila sa Time Of My Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At puyat [sa taping], ’di ba si Kris Bernal, ang payat din?"

Bago siya nabuntis ay isa siya sa pinaka-in-demand stars ng Kapuso network.

Looking back, bilang huling tanong kay LJ ay kung nagkaroon ba siya ng kaunting panghihinayang no’ng pansamantalang iwan niya ang showbiz upang harapin ang pagiging isang ina sa anak nila ni Paulo?

Very honest na sinabi ni LJ na, "yes!" at "truth" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

Although ang pagkakaroon daw ng anak ay itinuring ni LJ na isang blessing.

"Pero siyempre, kasi sa mundo natin sa trabaho natin, ’di ba sandali ka lang mawala minsan wala ka na talagang babalikan, e.

"Love ko naman talaga ang pag-arte. Siyempre, nakakakalungkot din na kailangan mo siyang iwan pansamantala.

"At hindi natin alam kung pag bumalik ka ba, e, mero’n pa ba akong babalikan?

"Pero, iyon lang naman yun. Hindi naman ako nagsisisi na naging nanay ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN