Toni Gonzaga says Mariel Rodriguez’s replacement as PBB co-host will be revealed tonight during presscon

"Actually, hindi pa rin naming alam ang kabuuan ng mga pasabog ng PBB. Kasi sa amin, hindi rin naman sinasabi pa. Sinasabi lang a day before," says Toni Gonzaga when asked who replaces Mariel Rodriguez as PBB co-host.


Kabilang si Toni Gonzaga sa mga nagwagi ng awards sa kakatapos na 3rd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University nitong nakaraang Linggo.

Napanalunan ni Toni ang Best Female Pop Artist of the Year at napili rin siyang Face of the Night.

PBB SEASON AGAIN! Kakagaling lang daw ni Toni sa taping ng primer ng bagong season ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, kung saan isa siya sa mga hosts.

"Galing ako ng PBB, naka-gown ako. Nag-start na kasi kami ng primer at short spiels na pang-teaser, preparation ng PBB. So, exciting.

"Kaya ’eto, naka-gown. Sinegue ko na rin. Saka, malapit sa akin ang PMPC dahil napaka-supportive nila sa mga programa namin.

"’Pag may mga presscon kami... ang laki ng tulong nila sa amin talaga," punung-punong paghanga ni Toni sa bumubuo ng award-giving body na nagbigay sa kanya ng award, sa interview na ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Ibinalita na nga ni Toni na nagsimula na sila sa PBB.

"Yes, and eventually as the days go by, mas hahaba ang updates dahil ipakikila na naming isa-isa yung mga sinalang housemates."

BYE MARIEL! Sa pagbubukas ng bagong PBB, wala na si Mariel Rodriguez bilang isa sa mga co-hosts sa show. Lumipat na kasi ang dati nilang co-host sa TV5.

Nakaka-miss ba si Mariel?

"Siyempre, definitely this is going to be a whole lot different from the past seasons na ginawa namin.

"Pero at the same time, we also moved on and we should all move forward sa panibagong season ng PBB," pahayag niya.

Ngayong gabi ng Martes ang presscon ng PBB kaya tumangging magbigay ng impormasyon si Toni kung may kapalit na ba si Mariel.

"So, siguro mas maganda at right time [presscon tonight] ’yun na sila na ang mag-announce ng mga pagbabago sa PBB ngayong year na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka mapagalitan ako ni Direk Lauren [Dyogi, business unit head na may hawak sa PBB].

"Actually, hindi pa rin naming alam ang kabuuan ng mga pasabog ng PBB.

"Kasi sa amin, hindi rin naman sinasabi pa. Sinasabi lang a day before," iwas niyang pagbibigay ng detalye.

NEVER-ENDING ISSUE! Nabanggit namin kay Toni ang panibagong issue sa kanila ni Mariel. Ito ay ang muling pagkakasamaan raw umano ng loob nila sa isa’t isa.

Ito rin daw ang rason kung bakit tuluyan nang umalis sa ABS-CBN si Mariel at lumipat ng TV5.

"Naku, wala naman," mabilis na pagpapasinungaling ni Toni.

"Akala lang ng iba na hindi pa tapos [yung issue]. Pero matagal nang tapos yun.

"Wala na akong isyu, wala na ring isyu lahat," diin ni Toni.

Nasabi pa sa isyu na kaya raw umalis si Mariel sa Kapamilya Network particular na sa noontime program nilang Happy, Yipee, Yehey ay dahil hindi na raw nito makayanan ang kaplastikan ni Toni.

"Oo, e, ganun naman na talaga na maraming masasabing masasakit na salita sa atin ang mga ibang tao.

"Alam naman natin ang totoo. Bakit ko pa sasagutin yun, masasayang lang ang oras ko.

"Alam ko naman kung ano ang totoo at alam ko naman ang nangyayari sa totoong buhay.

"Parang hindi na maganda na sagutin ko ’yan. Kung sasagutin ko ’yan, hahaba at hahaba pa ’yan.

"Hindi titigil ang mga writeup na masasama. So, wala. Wala. Para sa akin, wala naman talaga," diin niya.

Pero okey ba talaga sila ni Mariel?

"Oo, naku! Ano ba ’yan?!" nangingiting bulalas ni Toni.

Hindi na nagtataka si Toni kung bakit hindi na mamatay-matay ang isyu sa kanila ni Mariel.

"I guess, siguro sa kakapa-interview na kakapa-interview na, ’Okey ba kayo? Okey kayo?’

"’Yun siguro kaya humahaba. Nagkakaroon ng maraming speculations. Kaya siguro nagiging ganu’n," paniniwala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nagagamit ka para mapag-usapan ang paglipat ni Mariel ng ibang istasyon, o ’di kaya nagagamit kayong dalawa?

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. Hindi ko na masasagot ’yan.

"Mahirap na. Mahirap magsasagot sa mga ganyan. Basta, ang importante na lang, e, huwag na lang natin patulan ang issue.

"Hayaan na lang natin. Lilipas rin yan," saad ni Toni.

Nalulungkot daw si Toni sa pagkawala sa poder nila si Mariel.

"Mixed emotions kaming lahat. But like I said, kahit ano p’ang nararamdaman namin, wala kaming magagawa kundi ang mag-move on."

CONCERT TOUR? Samantala, nagpapasalamat si Toni sa mga sumuporta at nanood ng kanyang anniversary concert sa Araneta Coliseum. Ayon sa kanya, hindi raw magtatapos sa Araneta ang concert niya.

"May mga pinag-uusapang, tour, tour. Tingnan natin sa schedule, kasi may PBB na everyday na.

"Mahirap din naman... mas maganda na mag-focus muna tayo sa isa-isa para hindi ma-sacrifice yung ibang show.

"Alam ko lang may mga schedules ng tour, depende lang yan kung paano nila ilalakad yan na hindi masasagasaan yung ibang mga commitments ko dito," paliwanag niya.

Tungkol naman sa recording, hindi raw nakakalimutan ni Toni ang pagre-record ng album.

Katunayan, naka-schedule na siyang maglabas ng bagong album sa susunod na taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN