Philippine bet for 2011 Miss International crown Dianne Necio relates sad story behind her beauty pageant dream

"Para sa akin, parang sobrang hirap, na yung ginawa mo ’yun for them, ’yun pala, hindi na nila kaya. Hindi ka na nila kayang samahan," sadly relates 2011 Bb. Pilipinas-International Dianne Necio who lost her father this year to a heart ailment after winning her crown.


Sa kabila ng kasiyahang ipinapakita ni Bb. Pilipinas-International 2011 winner Dianne Necio kaninang tanghali sa official send-off sa kanya ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa Gateway Suites, Araneta Center, may lungkot pa ring nadarama ang 19-year-old na Bicolana.

Hindi na kasi masisilayan ng kanyang ama ang pagsali niya sa taunang Miss International beauty pageant na gaganapin ngayong taon sa Chengdu, China sa November 6.

Pumanaw ang ama ni Dianne na si Edwin Necio nung Abril ng taong ito dahil sa sakit na cardiomyopathy, ang panghihina ng puso dahil sa abnormal na paglaki nito.

Pero bago pumanaw ang ama ni Dianne ay napanood pa nito kung paanong nakoronahan ang dalaga bilang Bb. Pilipinas-International.

"Nanood lang siya sa bahay kasi nga may heart ailment na siya for about four years. So, talagang binabantayan siya ng doctor niya.

"Nasa bahay lang siya. Naka-oxygen nga siya habang nanonood siya," paglalahad pa ni Dianne sa mga umi-interview sa kanyang media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, tuluyan nang naulila sa magulang si Dianne at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Daniel.

Nauna na kasing pumanaw ang kanilang ina noong pitong taon pa lang si Dianne.

Sakit din sa puso at multiple organ failure ang ikinamatay naman ng kanilang ina.

DREAM STARTED WITH HER MOTHER. Kuwento ng dalagang tubong-Albay, dahil sa kanyang ina kaya siya sumali sa Binibining Pilipinas.

Ipinagpatuloy niya lang daw ang pangarap na ito ng kanyang ina nung sumali na nga siya nung nakaraang taon at manalo bilang Binibining Pilipinas 2010 1st Runner Up.

"’Yun yung nagbigay sa akin ng idea: ’Why not join again and try if I can compete internationally?’

"’Tapos yun. Inalay ko yun for my dad. Kasi sabi niya sa akin, lalakasan niya daw [ang katawan] kasi gusto niyang makita akong lumaban pa uli. Gusto niya makita akong manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nag-pursue ako na hindi na ako makakapaghintay. Ididiretso ko na ’to. Kailangan, sali agad."

Matapos nga niyang manalo bilang runner-up nung nakaraang taon ay nag-resign siya kaagad para lang makasaling muli sa taunang beauty pageant ni Stella Marquez-Araneta.

Siyempre pa’y tuwang-tuwa ang kanyang ama nung manalo siyang Bb. Pilipinas-International. Nakita niya pa nga raw ito nung homecoming parade para sa kanya sa Albay.

"Nandu’n pa siya, nakita ko siya habang nagpa-parade kami.

"Kinakabahan talaga ako, sabi ko, ’Baka naman atakihin si Papa sa sobrang saya,’" pagbabalik-tanaw pa ni Dianne.

Sobrang saya nila noon, ngunit agad ding pinawi ito ng lungkot nang unti-unting namamaalam na sa kanya ang ama.

"Nung mag-visit ako sa kanya after ilang days sa hospital, sabi niya sa akin, ’Na-achieve mo na yung dream mo.’ Sabi niya, happy daw siya, puwede na raw siyang magpahinga."

Pagkasabi nito’y pinangiliran na ng luha ang mga mata ng beauty queen.

"So, sobrang sakit!

"Sabi ko, ’Hindi. Manonood ka pa sa China.’ Sabi niya, ’Hindi ko na kaya. Si Kuya mo na ang bahala sa iyo.

"Para sa akin, parang sobrang hirap, na yung ginawa mo ’yun for them, ’yun pala, hindi na nila kaya. Hindi ka na nila kayang samahan," humihikbing paglalahad ni Dianne.

Pero kahit na wala na ang mga magulang niya, kailangan daw niyang lakasan ang kanyang loob.

"So, I still stayed strong. ’Cause I believe na kahit wala na sila dito, I know na they will always guide me."

Bukod sa kanyang mga magulang at mga mahal sa buhay, para rin daw sa bayan ang pagpunta niya sa China at pag-represent sa Pilipinas sa 2011 Miss International beauty pageant.

SUPPORT FROM OTHER BEAUTY QUEENS. Sa October 20 na ang pag-alis ni Dianne patungong China kunsaan magpa-participate siya sa mga activities ng Miss International doon bago ang mismong pageant night sa November 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga nagbigay suporta at bilin kay Dianne sa send-off ay ang 2011 Miss Universe 3rd Runner Up na si Shamcey Supsup, 2010 Miss Universe 4th runner up Venus Raj, 2008 Bb. Pilipinas-International Patricia Fernandez, 2011 Bb. Pilipinas-Tourism Isabella Manjon, at ang 2011 Bb. Pilipinas runners up na sina Janine Tugonon (1st runner up) at Mary Jean Lastimosa (2nd Runner up).

Tinanong ng PEP si Dianne kung may nakahanda na ba siyang gagawin na mag-iiwan ng impact o tatak sa mga Filipino beauty pageant enthusiasts.

Nakigawa kasi ng ingay ang "major, major" ni Venus, habang may "tsunami walk" naman si Shamcey.

Ano naman ang kay Dianne?

"I will compete in Miss International not for the purpose of making eksena or something like that.

"My purpose of joining there is to show the other countries how beautiful our country is. And I think we cannot plan what we’re going to show them," sagot ni Dianne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN