Robi Domingo considers PBB Unlimited as a challenge to his hosting skill

Robi Domingo: "Ito matsa-challenge talaga kung ano ’yong hosting capabilities ko. Para sa akin, malalaman ko kung karapat-dapat nga ba akong maging host o karapat-dapat pala akong maging ganito o mag-usual talk na lang na ginagawa ko. Para sa akin, pag nalampasan ko ’to, alam ko sa sarili ko na I’ve proven myself worthy of, you know, becoming a host."


Tuwang-tuwa ang young TV host na si Robi Domingo dahil kinuha siya ng business unit head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi para maging isa sa mga bagong host ng show.

Naganap ang presscon ng Pinoy Big Brother Unlimited kagabi, Oktubre 18, sa Elements sa Eton Centris, Quezon Avenue, Quezon City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Robi, at naikuwento nito kung paano siya napabilang sa mga bagong host ng show.

"Actually wala, e, walang proseso!" natatawang sinabi ni Robi.

"Hindi ko alam kung ano nangyari, hindi ko po alam kung ano ’yong naganap na pagpili na maging host ng Pinoy Big Brother.

"Actually, hindi ko pa alam no’ng pumunta ako sa meeting.

"Ang sabi sa akin ng manager ko, ’Robi, pumunta ka sa ganitong floor, kakausapin ka daw ni Direk [Lauren Dyogi].’

"Hindi ko alam, no’ng sinabi ni Direk na, ’O, ba’t ka nandito?’ niloloko niya ’ko.

"Sabi ko, ’Direk, pinatawag ninyo daw ako.’

"’Ba’t kita pinatawag?’ Ginagano’n-gano’n niya ako.

"Then, finally sinabi na niya, ’O, kasama ka na [sa mga host].’

"Sobrang tuwa ko, na-surprise ako, and no’ng sinabi niya sa akin, nakangiti na ako buong meeting.

"Siyempre, alam mo ’yon, isa ’to sa mga pinapangarap mong roles o trabaho—nakuha mo na, e.

"So, maraming-maraming salamat kay Direk Lauren at saka sa management sa pagpili sa akin."

Dagdag pa ni Robi, kahit pa kailanganin niyang mag-audition para makuhang host ng show ay gagawin niya, dahil isa raw ito sa mga pangarap niyang project.

"Kasi dati, ’yong mga dream roles ko, e, kasama ’to, pinupuntahan ko, especially ’yong kay JM de Guzman, ’yong Mula sa Puso.

"Ako kasi, sobrang fan ako ni Rico Yan. And to portray his role sa teleseryeng ’yon will be a big, big break for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And pag mga gano’n type na gustung-gusto ko talaga, pupuntahan ko.

"So, kung may audition man para maging host ng PBB Unlimited, definitely ako ’yong pinakauna no’n."

A BIG CHALLENGE. Masaya man sa pagkakapili sa kanya, aminado si Robi na kabado rin siya sa magiging performance niya sa show.

Bagamat may experience na siya sa paghu-host dahil sa segment niya sa MYX sa Studio 23 at sa ASAP Rocks tuwing Linggo, ibang challenge daw ito para sa kanya.

Idagdag mo pa dito na makakasama niya sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales, na pareho nang bihasa sa pagho-host.

"It’s a different kind of ball game," bulalas niya.

"Dati, I’ll do MYX, may cut, okay.

"Ngayon, ibang-iba na. Kasama mo si Toni and Bianca, ibang level na ’to.

"Kailangan taasan mo na din ’yong level mo, ipakita mo na lahat dahil kung hindi ikaw ’yong malalagot.

"Ito, matsa-challenge talaga kung ano ’yong hosting capabilities ko.

"Para sa akin, malalaman ko kung karapat-dapat nga ba akong maging host o karapat-dapat pala akong maging ganito, o mag-usual talk na lang na ginagawa ko.

"Para sa akin, pag nalampasan ko ’to, alam ko sa sarili ko na I’ve proven myself worthy of, you know, becoming a host."

Bukod pa dito, takot din si Robi na, "Mag-buckle in front of millions of people."

Paliwanag niya, "Kinakatakutan ko is pag hindi ako naging at par with Toni and Bianca, ’yon talaga ’yong biggest fear ko, e.

"Sana with this edition and the coming episodes, especially sa kick-off, mapakita ko sa lahat ng tao na kayang-kaya ko.

"Kasi, ayokong masabihan ng mga tao na, ’Uy, si Direk nagkamali sa pagpili niya.’

"Gusto ko masabi ng lahat ng tao na, ’Uy, ang galing ni direk dahil nakuha niya si Robi.’"

Kaya naman, maraming preparasyon ang ginawa ni Robi upang sa ganoon ay hindi siya mapahiya sa kanyang mga co-host at mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kong preparations, like for example last Monday [October 17], nag-camera test kami, then prior to that, nag-meeting kami.

"Sabi sa akin ng mga producers and ’yong head scriptwriter, ’Uy, masyado kang mataas, mag-masa ka naman, mag-masa type.’

"Sobrang ano daw ako, high fallutin’ words, tapos ang sabi niya, ’Ganito gawin mo, kunin mo ’yong high school Filipino book mo, magbasa-basa ka ulit.’

"So, ’yon ang ginagawa ko ngayon.

"Medyo hiyang at matatas na ako ngayon sa Filipino, at hopefully sa mga susunod na araw, nagtataguyod at dalubhasa na ako sa Filipino."

"FRESH AND NEW IDEAS." Bago maging host, si Robi ay naging second placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.

Mula sa pagiging housemate, at ngayo’y pagiging host ng show, tingin ni Robi ay magagamit niya ito para maging mas epektibo ang kaniyang paghu-host.

"I don’t know," sagot niya.

"Actually, being a housemate dati, mas maraming experiences ang maibabahagi ko.

"Unlike Bianca na celebrity edition, e, andoon na, e. So, alam na niya kung anong nangyayari sa showbiz world.

"Ako, coming from... sabihin nating nowhere or from an ordinary life, masasabi ko na dati hindi kami aware sa camera, so ganito ang mangyayari.

"Unlike sa kanila siguro, medyo sanay na sila sa angles, sa camera, so alam nilang, ’Uy, kailangan kong pakita ’yong ganito.’

"So, I think mabibigyan ng bagong perspective ’yong show dahil nanggaling din ako sa show.

"[I have] fresh and new ideas [and] I know the market because I’m part of the market."

THE NEXT RYAN AGONCILLO? Samantala, naikuwento ni Robi na noon ay pinangarap niyang maging katulad ng idolo niyang si Rico Yan.

Ngunit, nang makita niya ang mga pagbabago sa industriya, mas pipiliin na raw niya ngayon ang maging host.

"Updating from what’s happening right now, observing, masyado nang madaming actors, e," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naisip ko, sino kaya ang susunod na host sa generation namin?

"So, why not become from Rico, become the next Ryan [Agoncillo] and Luis Manzano?

"So, ’yon iniisip ko, ’Oo nga ’no, wala pa naman, so bakit hindi na lang ako mag-umpisa?’

"At least, pag medyo nag-graduate na sina Luis, sina Billy [Crawford], and the others, may susunod naman na kukuha naman ng mga hosting jobs na nagre-require ng mga talents and skills na gano’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN