PART 1: Meet the female contenders of Protégé

Protégé female contenders: (first row) Lovely Embuscado, Lirah Bermudez, Krizza Neri, and Rosalyn Navarro; (second row) Samantha Felisco, Denise Barbacena, and Jensen Teñoso.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sampung contenders ng Protégé, ang singing talent search ng GMA-7, sa first gala performance nila noong Linggo, October 16, sa SM Mall Of Asia Centerstage.

Sila ay sina Lovely Embuscado (protégé ni Jaya), Samantha Felisco (protégé ni Joey Generoso), Rosalyn Navarro (protégé ni Imelda Papin), Jensen Teñoso (protégé ni Claire dela Fuente), Lirah Bermudez (protégé ni Janno Gibbs), Krizza Neri (protégé ni Aiza Seguerra), Denise Barbacena (protégé ni Gloc-9), Nomer Limatog, Jr. (protégé ni Rachelle Ann Go), Kenneth Monico (protégé ni Jay-R), at ang So What (protégé ni Rey Valera).

LOVELY EMBUSCADO. Pinag-usapan agad si Lovely dahil sa alaga niyang baboy na kinakantahan niya.

Ayon kay Lovely, 13, binili raw nila ang baboy sa palengke sa Tagum, Davao del Norte kung saan sila nakatira noon sina bago sumali sa Protégé.

"Basta binili lang po namin kasi naaawa po ako, at saka parang gusto ko pong mag-alaga ng baboy, e," sabi niya sa PEP.

Lilitsunin ba nila ang baboy paglaki nito?

"Hindi po! Mahal ko po iyon," ang mabilis na reaksiyon ni Lovely.

Ilang taon na ang baboy niya?

"Hindi ko po alam, hindi ko po binibilang, e."

Gaano katagal na niya itong inaalagaan?

"Parang simula po nung umalis kami... parang limang buwan pa lang po."

Nami-miss na nga raw ni Lovely ang baboy na si Lovely. Mahigit isang buwan na raw kasi niya itong hindi nakikita.

At kahit ano raw ang mangyari ay never niyang hahayaan na lutuin ng kahit sino ang alaga niyang baboy.

"Hindi po talaga!" bulalas niya.

"Pero ewan ko po kung nandoon pa siya... si Lola po kasi ang nag-aalaga ngayon, e."

Paano kung halimbawang ibinenta pala si Lovely?

"Ewan ko po, hindi ko po alam ang magiging reaksiyon ko po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sigurado raw na iiyak siya. At ibinilin naman niya na alagaang mabuti si Lovely.

Ano naman ang masasabi niya sa mentor niyang si Jaya?

"Mabait po siya tapos maalaga na mentor. Tapos, maalalahanin po siyang mentor.

"Kasi siya po talaga yung mabait na mentor, kasi palagi po siyang nagtatanong kung ano na ang nangyayari sa amin, kung okay lang ba ako.

"Kaya iyon po, mabait po talaga siya," paglalarawan ni Lovely sa kanyang mentor.

Gusto rin daw niyang sundan ang mga yapak ng Queen of Soul.

"Kasi siya po yung idol ko talaga.

"Binibigyan niya rin po ako ng damit at sandals rin po."

Sino ang sa palagay niya ang pinakamahigpit niyang kalaban sa Protégé?

"Tingin ko naman po, lahat naman po kami magaling, pero... hindi po ako nag-iisip ng ganyan po.

"Kasi ang alam ko naman po, si Lord talaga ang may alam nu’n kung sino po talaga ang magaling.

"Tapos, pinapaubaya ko na po iyon kay Lord kasi po, alam ko po na mapagkakatiwalaan po talaga si Lord.

"At alam ko po na kaya po kami nasali dito kasi lahat kami magagaling."

Paano kapag hindi siya ang nanalo?

"Hindi ko pa po alam ang mangyayari kasi ang alam ko lang po talaga, pag hindi ako nanalo dito, wala po talaga kaming magagawa.

"Kasi po yung bahay po na tinitirhan po namin ngayon, hindi po iyon ang bahay namin.

"Pinapatira lang po kami, tapos nalaman po namin na ide-demolish na raw po iyon."

Paano iyon?

"Ewan ko po.

"Si Lord na po talaga ang bahala, ipinapaubaya ko na po ang lahat sa Kanya," sabi ni Lovely.

SAMANTHA FELIZO. Si Joey Generoso naman ng bandang Side A ang mentor ng 15 years old na si Samantha Felizco ng Dagupan.

Ano ang feeling na maging mentor si Joey?

"Sobrang suwerte kasi pinagpilian kaming tatlo, e. Lahat naman kaming tatlo, may kanya-kanyang galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nung napili po ako, tuwang-tuwa po ako," sinabi ni Samantha.

Sino sa palagay niya ang mahigpit niyang kalaban sa Protégé?

"Si Lovely po," sagot niya.

"Kasi pag naglalakad po kami sa mall, marami po agad sa kanya nakakapansin—’Di ba, ikaw yung kumakanta sa baboy?’

"Kaya sa text votes, siya po yung kilala dahil nga po doon sa baboy niya."

Bata pa raw siya ay sumasali na si Sam sa mga singing contest.

"Huling sali ko po, ten years old, mga maliliit na contest po. Tapos itinuloy ko na po ang pag-aaral ko."

Ang paborito raw niyang singer ay si Christina Aguilera.

Ano sa palagay niya ang advantage niya sa ibang protégés?

"Kaya ko pong kumanta ng iba’t ibang genre ng music," sagot ni Samantha.

Hindi ba siya natatakot o nate-threaten na ang isa sa mga kalaban nila ay grupo—ang So What?

"Mas maganda nga po pag isa lang, e.

"Kasi pag grupo, baka po mag-away.

"Parang imbes na isang desisyon mo lang, kailangan mo pang iisipin yung iba."

Paano kung hindi siya suwertihin sa Protégé?

"E, ’di tuloy po. Alangan namang maglaslas po ako!" ang natatawang sabi ng 4th year high school student.

Tuloy ang pag-aaral niya o ang showbiz career?

"Kung may magbibigay po sa akin ng singing career, e, ’di tuloy po," sagot niya.

Mahirap bang maging protégé?

"Mahirap din po kasi busy lagi."

Ano ang masarap na parte?

"Ano, sa bahay [Protégé house], kain nang kain, tapos matutulog pag walang ginagawa, tapos praktis."

Ano ang advice sa kanya ni Joey?

"Maniwala lang daw po sa sarili. ’Tsaka kasi mahiyain po ako, e. Dagdagan ko daw po yung parang angas ko sa stage."

May sob story ba siya? Karamihan kasi sa mga sumali sa mga reality or talent shows ay may malungkot na kuwento ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "Lahat naman po kami may lungkot naman po ang buhay. Hindi ko lang po pinapapansin na."

Pero ano ang kuwento ng buhay ni Samantha?

"Ate ko, magkaaway kami, one year na," banggit niya.

Nang tanungin ng PEP kung ano ang pinag-awayan nila ng kapatid niya ay tumanggi na siyang magsalita.

"Huwag na po nating pag-usapan," pakiusap niya.

Sino ang may kasalanan?

"Pareho naman po kaming may kasalanan."

Hindi sila pinagbabati ng parents nila?

"Pinagbabati po. Naiilang po kami, parang hindi pa kami ready."

Pinapanood naman daw siya ng ate niya sa Protégé.

Baka hinihintay lang ng kapatid niya na siya naman ang gumawa ng move?

"Ano po, pinagbati po kami ng magulang namin, pero feeling ko, parang pilit, parang hindi pa po siya totoong pagbabati.

"Gusto ko po yung pagbabati na talaga."

ROSALYN NAVARRO. Para kay Rosalyn Navarro, si Lovely rin ang pinakamahigpit nilang kalaban sa mga protégé.

"Kasi po si Lovely, mahilig po kasing magpatawa. Naaano niya yung mga tao.

"And ano po, base po sa pagkakarinig ko sa boses niya, e.

"Pareho po kaming ano, malaki rin po ang boses niya.

"And siguro po, siya talaga yung ano ko... although friends po kami kaya iyon po."

Kumusta si Imelda Papin as mentor?

"Okay na okay po si Miss Imelda po, the best po siyang mentor.

"Kasi po, hindi lang siya basta mentor. Parang pangalawang ina ko na rin po siya.

"Kasi po pag may kailangan po ako, nandiyan po kaagad siya.

"Tapos pag nagkakasakit po ako, ibinibili niya po ako ng gamot," sabi ni Rosalyn.

At kahit daw noong umalis si Imelda, dahil naaksidente sa Amerika ang anak, manugang, at apo nito, ay hindi siya pinabayaan ng Jukebox Queen.

"Habang wala po siya, e, pinapunta niya po doon yung kapatid niya, si Ate Aileen. ’Yun po ang nag-assist sa akin," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig daw talagang sumali sa mga singing contest si Rosalyn.

"Pag may mga singing contest, hindi na po ako nagdadalawang-isip, sali po ako nang sali.

"Kasi po, gusto ko talagang makatulong sa family ko, lalung-lalo na yung mga bayarin.

"Tapos pag nagkakasakit po ang mga kapatid ko, kailangan po talaga kasi walang-wala po.

"Kaya kahit po malayo, dinadayo namin."

Ano ang pinakamalaking premyo na napanalunan na niya?

"Thirty thousand po."

Kuwento pa ni Rosalyn, "May sinalihan po ako dati sa CamSur [Camarines Sur], pinoprotesta na nga po ako, e.

"Kasi po yung mga sumali na daw po last year, hindi na daw po pwede.

"Pero wala naman po sa rules na hindi na pwedeng sumali.

"Tapos, nakiusap po kami kasi naputulan po kami noon ng kuryente, mag-iisang buwan na po.

"Paos na paos ako, pero thank God po hindi naman Niya ako pinabayaan.

"Nag-first runner-up po ako, kaya nakabayad po kami ng kuryente"

JENSEN TEñOSO. Kinumusta naman namin kay Jensen Kyra Teñoso kung paanong maging mentor si Claire dela Fuente.

"Yung mentor ko po, para pong mother and daughter ang relationship po namin.

"Open po kami sa isa’t isa, nagbibiruan po kami, ganyan.

"Hindi po kami nagkaka-ilangan na sabihin po yung opinyon ko. Tapos, sasabihin po niya ang gusto niyang sabihin.

"Para po talaga po kaming mag-ina," sabi ng 18-year old protégé from Batangas.

Na-meet na ba niya ang governor ng kanilang probinsiya na si Vilma Santos?

"Hindi pa po."

Kilala ang mga Batangueño na all-out sumuporta sa kanilang kababayan kapag sumasali sa isang contest—gaya ni Jovit Baldivino na nanalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN.

Ayon kay Jensen, "Hopefully po na maging all-out din po sila sa mga text votes, kasi alam ko naman po na yung mga Batangueño po, supportive po sila kasi po solid po sila kapag sumuporta."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ilalarawan ni Jensen ang kanyang boses?

"Ano po, wide range din po yung voice kaya nakakaabot po...mataas po boses.

"Pero hindi ganung kataas na nakakabirit ng todo-todo. Mala-Christina Aguilera po.

"Hindi ko po kaya yung mga Regine [Velasquez] na masyadong bumibirit na songs, o mga mala-Charice na masyado pong yung from the start pa lang, na super strong na po siya na pambirit po talaga."

Ang Protégé ang unang major contest na sinalihan ni Jense.

Bakit naisipan niyang sumali sa Protégé?

"Kasi po, parang actually po, sobrang nasa right age na po ako, tapos naging ready na po ako.

"Parang feeling ko po na kaya ko na po na mag-survive sa ganitong contest.

"Na prepared na po ako, yung mga songs ko po, yung boses ko, inaalagaan ko ang sarili ko, ready na po."

Ano ang best advice sa kanya ni Claire?

"Sabi lang po niya sa akin, lagi lang po akong mag-e-enjoy tsaka po ibigay ko po lahat ng makakaya ko para sa Diyos po."

LIRAH BERMUDEZ. Inamin naman ni Lirah Lin Paz Bermudez na damit ng anak ng mentor niyang si Janno Gibbs ang suot niya sa isa nilang performance sa Protégé.

"Very thankful po ako sa kanila dahil sobra po ang suporta nilang buong mag-anak," sambit niya.

Nagulat naman si Lirah nang banggitin namin na may isyung nagtampo raw ang mga anak ni Janno dahil napapabayaan na sila ng kanilang ama dahil sa pag-aasikaso sa kanya.

"Hindi po totoo ’yan. Nagulat po ako, nagulat po ako," sabi niya.

Na-meet na raw niya ang mga anak ni Janno na sina Alyssa at Gabby, maging ang misis ng King of Soul na si Bing Loyzaga.

Balang-araw, gusto raw ni Lirah na maging tulad ni Regine Velasquez.

Unang major contest na sinalihan niya ang Protégé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino sa tingin niya ang mahigpit nilang kalaban?

"Si Lovely po, yung kay Miss Jaya po," sagot niya.

Paano kung hindi siya palaring manalo sa Protégé?

"Kung hindi man po ako manalo, ipagpapatuloy ko pa rin po yung pagkanta ko.

"Pati studies ko, first year high school po ako," sabi niya.

DENISE BARBACENA. Si Denise Ysabel Barbacena ang representative ng Mega Manila sa Protégé.

Alam ni Denise na may pressure iyon sa kanya.

"Actually, ngayon lang po parang nag-sink in sa akin na, ’Ay, ire- represent ko pala ang Manila!’

"Kasi, nagpo-focus lang po ako sa kung ano ang dapat kong gawin.

"Hindi ko na po iniisip yung mga pressures sa labas, para pong ganun."

Kaninong singer niya nais gumaya?

"Pwede po bang si Miss Sharon Cuneta?" sabi ng dalagita na taga-Santolan, Pasig City.

Pero ang mentor niya ay si Gloc-9 na isang rapper. Hindi ba mahirap yun?

"Hindi po, masaya nga po kasi si Sir Gloc, sobrang artistic po ng kanyang approach pagdating po sa ganito.

"Na hindi porke’t rapper po siya... sobrang partikular din po siya sa music, pagdating sa notes sa dynamics... lahat.

"Kaya blessed po ako na siya ang aking mentor," saad ni Denise.

Dagdag pa niya, "Kasi ako, iyon din ang gusto ko, kaya ako sumali sa contest, na ma-develop po yung sarili ko as an artist.

"Kung hanggang dito lang ba ako, kung hanggang saan po ako.

"Iyon po yung goal ko talaga.

"Hindi ko po unang inisip na kailangan ko pong matalo yung iba.

"Personally, yung goal ko po sa akin, na kailangan after nito, merong nagbago sa akin, hindi na po ako yung dating ’eto lang, singer.

"Gusto ko pong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko pala."

Totoo bang crush ni Denise ang mentor niya?

Aniya, "Kasi po ang definition ko ng crush, inspiration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, siyempre po, mentor ko po siya, pag nakikita ko po siya, gusto ko ring maging artist gaya niya na ganun, nai-inspire po ako na magsumikap."

Baka awayin siya ng asawa ni Gloc-9?

"Hindi naman po! Mabait po si Ma’m Thea po," natatawang sagot ni Denise.

Si Denise ay wala raw boyfriend.

Sino sa ibang protégés ang sa palagay niya ay matinding kalaban niya?

"Mahirap pong magbigay ng isang tao, kasi at this point, lahat po kami may iba’t ibang bitbit, alam ninyo po?

"Parang variety po, e—merong belter, merong suave lang, so mahirap po.

"Pero sa ngayon po, nakita ko po kasing mag-practice si Krizza. Lagi po kaming nagkakasama sa labas, sa rehearsal.

"So, nakita ko po kung paano niya pinaghahandaan.

"Pero lahat naman po, lahat po, para sa akin, if kung threat para po dun sa spot."

Ano ang hirap ng pagiging protégé?

"Mahirap po kasi isa ka nang public property, parang ganun.

"Hindi lang ikaw at yung pamilya mo ang magkakasama, lahat na po, napakaraming tao.

"So, kailangang matatag ka. Kasi pag hindi ka matatag, madali kang babagsak.

"Na kapag pinanghinaan ka agad ng loob, e... Sabi nga po, ’di ba, hindi nagtatagumpay ang nagku-quit?

"So, para sa akin, iyon po yung pressure.

"Kaya kailangan po matibay ang loob mo."

Matibay na ba ang loob ni Denise?

"Opo, I’m working on it," sagot niya.

Umiyak na ba siya sa kanyang journey sa Protégé?

"Maraming beses na," pag-amin ni Denise.

"Pagdating po sa family, yung pag napag-uusapan po yung buhay po namin. May mga times po na malungkot.

"Iyong time po na... kasi po panganay po ako, tatlo po kaming magkakapatid.

"Ang papa ko po, simpleng tricycle driver lang po; ang mama ko, housewife.

"So, pag po may problema sa pamilya, parang ako po yung shock absorber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, alam n’yo po yung feeling na minsan, walang-wala po kami, tapos ako, parang, ’Anong magagawa ko? Anong kaya kong gawin?’

"Tapos iyon din po yung will ko para mag-strive para maging successful.

"Kasi nakikita ko kung paano nahihirapan yung mama ko, yung papa ko, paano ang mga kapatid ko pag wala kami?

"Kasi ako, matanda ako, kaya kong tiisin, e."

Ano sa palagay niya ang chances niya para manalo?

"Meron naman po.

"Lahat naman po may chance para manalo po, and yung chance na po iyon ay nakadepende po sa amin.

"Kung paano po namin bibigyan ng katuparan na kami ang manalo.

"Sa ngayon po, ang iniisip ko lang, sabi ni Mama, ng mentor ko [Gloc-9], focus lang ako sa gagawin ko po ngayon.

"Kasi, marami pa naman pong pwedeng mangyari, so kailangan ko lang pong magawa nang maayos."

Ano ang gagawin niya sa kanyang mapapanalunan, if ever?

"Pang-aaral ko po sa kapatid ko, kasi iyon po yung gusto kong mangyari sa kanila.

"Ayoko pong maranasan nila yung nararanasan ko. Na ang hirap pong mag-aral, parang kailangan mo pang hugutin kung saan mo kukunin ang pang-aral mo.

"Ayoko pong maiparamdam iyon sa mga kapatid ko.

"Gusto ko pong maibigay iyon sa kanila."

Sa kasalukuyan ay huminto muna sa pag-aaral si Denise para mag-focus sa Protégé.

KRIZZA NERI. Naging usap-usapan naman ang pagbibigay kay Krizza Nikka Neri ng Ipod at gitara ng mentor niyang si Aiza Seguerra.

Ano ang masasabi ni Krizza rito?

"Talaga po?" nagulat naman niyang sabi.

Pero paliwanag niya, "Ano po, kasi iniwan niya po yung Ipod, nagbigay po siya para po maging wide yung idea ko sa genre, hindi lang sa R&B.

"Tsaka po para may mapag-aralan ako.

"Tsaka yung iniwan niya pong guitar, hindi niya po iyon ibinigay sa akin, parang ipinahiram lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung hindi na bawiin ni Aiza?

"Pwede rin po!" tawa niya.

"Hindi po, hindi ko po alam."

Kumusta naman si Aiza as a mentor?

"Napakabait po, hindi po siya nampe-pressure.

"Super-supportive po at ayaw niya na lalaki ang ulo ko.

"Hindi niya po sinasabi na, ’O Krizza, ang galing-galing mo talaga! Ikaw ang pinakamagaling sa lahat!’

"Hindi po niya ako ginaganun, kasi po ayaw niyang lumaki ang ulo ko.

"Kasi po yung treatment niya sa akin, parang anak niya po ako."

Sixteen pa lang si Krizza, pero ang ibang mga kalaban niya ay mas bata sa kanya—gaya nina Lovely (13) at Nomer Limatog Jr. (10).

Ano ang masasabi niya rito?

"Okay lang naman po, pero hindi ko na po iyon iniisip na kailangan kong mas galingan pa kasi nga mas matanda ako sa kanila.

"Pero ano naman po, kasi hinahangaan ko rin yung mga tsikiting namin sa bahay.

"Kasi natutuwa rin po ako sa kanila kaya may learnings din naman po ako galing sa kanila.

"Na parang ganito dapat, hindi maging mahiyain masyado sa stage.

"Kasi po ako, kahit mas matanda ako sa kanila, parang napaka-limited ko po sa stage.

"Tapos sila, parang bigay-todo."

Kung siya ang judge, bukod sa sarili niya, sino sa palagay niya ang dapat manalo?

"Yung So What po," sagot ni Krizza.

"Ano po kasi, mahirap po yung ginagawa nila. ’Tsaka yung may iba’t iba silang genre, iba’t iba yung mga boses nila.

"May isa na standard, may isa na parang belter po talaga, yung isa rocker, tapos yung isa parang... amazing po na nagkaisa sila."

Tingin ba niya, hindi sila lugi na apat ang kalaban ng bawat isa sa kanilang siyam pang contestants na solo performers?

"Napi-feel ko po iyon, pero hindi ko na iniisip na ganun, na lugi kami," sagot ni Krizza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang singer na gusto niyang tularan?

"Si Sarah Geronimo. Napaka-ambisyosa ko! Idol na idol ko po kasi siya."

PART 2: Meet the male and group contenders.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN