Nora Aunor on fellow celebrities: "Na-feel ko yung importansiya ko sa mga kabataan, lalo ngayon."

Nora Aunor on receiving recognition from Star Awards for her contribution in the music industry: "Ngayon lang naman ako binigyan ng ganito. Feeling ko, gano’n. Dahil [din] sa dami ng mas magagaling na mga singers sa atin. So, na-feel ko na hindi masyadong nakita yung [mga] ginawa ko noon... na kumita rin naman yung mga ni-record ko."


Totoong na-overwhelm ang Superstar na si Nora Aunor sa natamo niyang mga parangal sa 3rd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong Linggo, October 16.

Dahil dito, nais pa rin niyang banggitin ang mga pasasalamat na feeling niya’y hindi niya masyadong naisatinig.

"Una, dahil sa mga fans. Mahal ko talaga ang mga ’yon," sabi ni Nora sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinabukasan, October 17, sa taping location ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Taal, Batangas.

Muling dinalaw ng PEP ang superstar sa nasabing taping site dahil sa kakulangan ng panahon para sa panayam, matapos ang awarding ceremonies noong Lunes ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater, ng Ateneo De Manila University (ADMU).

Bagama’t nag-stay si Ate Guy hanggang sa matapos ang seremonyas, kailangan siyang umalis agad para maghanda naman sa maagang call time, para sa kanyang taping ng Sa Ngalan Ng Ina, ng TV5.

The following day, masigla namang nagbahagi si Nora ng kanyang damdamin sa PEP, sanhi ng natamong mga pagkilala.

Bukod sa pinakamataas na karangalang Lifetime Achievement Award, tumanggap din ng pagkilala ang singer-aktres, bilang isa sa mga Music Icons ng OPM (Original Pilipino Music).

Ang iba pang honorees ay sina Freddie Aguilar, maestro Ryan Cayabyab, Pilita Corrales, Jose Mari Chan, Mike Hanopol, Sylvia La Torre, Celeste Legaspi, The Madrigal Singers, Pepe Smith, Basil Valdez, Victor Wood, at ang APO Hiking Society (Boboy Garovillo, Danny Javier at Jim Paredes).

"Talagang masaya ako dahil ang ganda ng [pagkilalang] ibinigay sa akin ng Star Awards.

"Isipin mo, yun ay para sa [pagiging singer ko] mula umpisa hanggang sa kasalukuyan," sabi pa ni Ate Guy.

Nora Aunor was so honored para sa mahigit na apat na dekadang pagiging isang singer at acknowledged multi-media superstar ng local showbiz.

MORE THAN FOUR DECADES. Significant din ang parangal lalo’t sa buwang ito ipinagdiriwang ng superstar ang kanyang 44th anniversary in showbusiness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw ine-equate ni Ate Guy ang parangal dahil lang sa pagiging isa na niyang beteranang mang-aawit.

"Hindi ko iniisip ’yon," nangiti si Nora.

"Unang-una, kasi naman, nung nag-umpisa ako sa pag-awit, marami din naman akong nagawa, o naitulong bilang singer," sambit pa niya, modesty aside.

"At ngayon lang naman ako binigyan ng ganito.

"Feeling ko, gano’n. Dahil [din] sa dami ng mas magagaling na mga singers sa atin.

"So, na-feel ko na hindi masyadong nakita yung [mga] ginawa ko noon... na kumita rin naman ’yung mga ni-record ko."

Ang isa pang ikinatutuwa ni Ate Guy, sa mismong seremonyas ay ang pag-acknowledge sa presence niya ng mga dumalong kapwa celebrities.

Masaya siya sa importansiyang nagmula sa mga kapwa niya celebrity, datihan man, o baguhan; may edad man, o mga kabataang mang-aawit at aktor.

Kabilang dito ang mga kapwa niya Music Icon awardees, like the Apo Hiking Society, Jose Mari Chan, at Ms. Pilita Corrales, na totoo ang sinabi last year na wala nang problema sa pagitan nila ng dati niyang "balae".

Sa mga kabataan, may pagpupugay rin kay Nora Aunor ang mga awardees, as mentioned in an earlier PEP article (by Jocelyn Valle), tulad nina Angeline Quinto, Jed Madela, Toni Gonzaga, Jake Vargas, at ang Sakto members, Rodjun Cruz, Lucky Mercado, at Edgar Allan Guzman na itinuturing ni Ate Guy na kanyang anak-anakan.

Maging ang mga hosts ng affair, like Gian Magdangal ang Krista Kleiner, Christian Bautista and Nikki Gil; mga winner-presenters, like Cesar Montano and Jericho Rosales; at top winner, Siakol band, whose members even blurted out "Walang himala!", in reference to Ate Guy’s classic Ishmael Bernal film, in their acceptance speech, para sa kanilang Siakol Tropa, na nanalong Album of the Year.

"Ay, natutuwa ako sa kanila, dahil nandu’n ’yung respeto nila sa akin, kahit ano pa’ng mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kagabi, halos lahat sila talagang in-acknowledge nila yung pangalan ko, na ngayon ko lang din nalaman.

"Na-feel ko yung importansiya ko sa mga kabataan, lalo ngayon.

"Mas lalo ko ngang in-appreciate dahil kung sino pa yung mga kabataan na singers natin, na nag-uumpisa, yun pa ang nagbibigay ng halaga, sa mga matatagal nang singers na katulad ko.

"Kasi, tulad ng mga iba," sabi rin ni Ate Guy, na hindi naman nagbanggit ng mga pangalan.

"Nandun pa sila sa mga ’labanan nang labanan,’ na mas sikat sila.

"’Oy, ganito kami... oy, ganyan kami...’ di ba? Na never ko [naman] ’yun naramdaman, maski nung nag-uumpisa pa lang ako.

"Na ’yan ang hinahanap ko [sa mga bagong nakikilala].

"Na maski ako, susuportahan ko yung magagaling na singers talaga.

"Pangangalagaan ko sila. Na hindi nangyari sa akin before. Ngayon lang.

"Kaya nakita mo, nag-stay ako nang matagal [hanggang matapos ang proceedings]," seryosong sambit pa ni Nora.


OTHER RECOGNITION. Prior to the 3rd Star Awards for Music rites, Nora attended the Dangal ng OPM ceremonies, last October 11, at the Quezon Memorial Circle, in Quezon City.

Ito ang unang serye ng pagbibigay-pugay ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), na kasalukuyang pinamumunuan ng singer-composer na si Ogie Alcasid.

Isa si Ate Guy sa mga pinarangalan, kabilang din ang pito pang tinaguriang mga haligi ng OPM tulad nina Freddie Aguilar, ang Apo Hiking Society (Buboy Garovillo, Danny Javier, Jim Paredes), Asin, Jose Mari Chan, Pilita Corrales, Juan dela Cruz Band, at ang Hotdog Band.

"First time [as Dangal ng OPM artist], kaya naramdaman ko [rin] nung gabi ang pagkakaroon ko at ng kapwa singers ko, ng [kaukulang] respeto.

"Mula nang pumasok ako sa showbiz, yun naman ang pagkakakilala sa akin, as a singer. Mang-aawit ako!" sabi rin ni Ate Guy.

For the record, ang Star Awards for Music, ng PMPC, bilang pagkilala sa mga natatangi sa larangan ng musika, ay pinasimulan, noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naunang ginawaran ng Lifetime Achievement Award dito ang The Apo Hiking Society (2009) at ang Asia’s Queen of Songs, Pilita Corrales (2010).

Bukod sa dalawa niyang major awards, napili din si Nora Aunor bilang Female Celebrity of the Night, katuwang ang singer-music composer at music icon na si Jose Mari Chan.

Ipapalabas ang kabuuan ng 3rd PMPC Star Awards for Music sa Linggo, Oktubre 23, ganap na ika-9:30 ng gabi, sa Net 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN