PART 2: Meet the male and group contenders of Protégé

Protégé male and group contenders: (Clockwise) Nomer Limatog, Jr., Kenneth Monico, and So What—composed of Janina Franchesca Gonzales, Sander Sigurdson, Ermund Regacion, and Kyrsty Arabelle Alde.


Narito naman ang dalawang male contenders at nag-iisang group finalist sa Protégé:


NOMER LIMATOG. At 10 years old, pinakabatang contender sa Protégé si Nomer Limatog, Jr.

Sa palagay ba niya ay lugi siya o lamang siya dahil siya ang pinakabata?

"Lamang po!" ang mabilis na sagot ni Nomer na pambato ng Cebu.

"Dahil ano po, e, bata pa po ako, e.

"Kung matalo ako or manalo ako dito, may iba pa pong contest na masasalihan ko."

Hindi raw siya natatakot na mas matanda sa kanya ang lahat ng mga kalaban niya.

Alam daw niyang kaya niyang tapatan ang boses ng iba niyang katunggali.

Gusto niya talagang maging singer at ang paborito ni Nomer ay ang Journey band vocalit na si Arnel Pineda.

Saan niya namana ang mataas niyang boses?

"Baka binigay po sa akin ito ng Panginoong Diyos," sagot ng protégé ni Rachelle Ann Go.

Walang magaling na singer sa pamilya nila?

"Ano po, dati yung mama ko ’tsaka papa ko, kumakanta po sila dati."

Tatlong magkakaptid sina Nomer at siya ang bunso.

Sa palagay niya, sa mga kalaban niya, sino ang pinakamagaling?

"Pinakamagaling po? si Ate Sam [Samantha Felisco], dahil naiiba po yung boses niya sa mga iba pong protégés po."

May crush na ba si Nomer?

"Opo, si Ate Denise [Barbacena] po," pag-amin niya.

Alam ni Denise na crush niya ito?

"Opo, alam po niya. Ano lang po, itinuturing ko po siyang ate."

Natutuwa raw si Nomer na siya ang "baby" ng grupo.

KENNETH MONICO. Napabalita naman ang tungkol sa pagsama ng loob ng Protégé contestant na si Keneth Dominic Monico sa kanyang mentor na si Jay-R dahil sa pagpapabaya raw nito sa kanya.

Pero wala na raw tampo si Kenneth.

"A, hindi naman na po.

"Nag-usap na po kami kasi in-explain niya po sa akin na masyado lang siyang busy, ’tsaka ipinakita niya po sa akin kung gaano siya ka-busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In-invite niya ako sa isang concert, tapos inabot kami ng madaling-araw. Talagang naintindihan ko po siya.

"Ngayon, wala na, okay na po," paglilinaw ng 20-year-old protégé from Cabanatuan.

Yung isyu nila ni Jay-R, inisip ng iba na gimik lang. Pero itinanggi ito ni Kenneth.

"A, hindi po!

"Talaga pong noong una kasi, napapansin ko nagdadatingan yung mga mentors sa bahay, talagang ako, nakatanga lang ako sa kanilang ganyan, nanonood ako, nakikita ko sila.

"Kaya naisip ko, ’Bakit yung mentor ko, wala pa?’

"Siyempre, kahit ikaw nasa isang contest, dito nakasalalay yung future mo, lalo na napakalaking contest nitong Protégé.

"Tapos, wala pa akong experience, so yung emotion ko gumana. Kumbaga, nag-isip ako, ’Paano ako?’

"E, ang labanan dito, mentor tsaka protégé, ’Nasaan yung mentor ko?’

"Kaya nung nagkita kami, iyon naman po pala, in-explain niya sa akin na ganito."

Ilang beses bang wala si Jay-R sa Protégé house?

"Actually, ilang beses lang po siyang dumadalaw sa amin.

"Yung iba pong mentors, halos araw-araw po pumupunta.

"Siya po, minsan po. Kasi po nagpunta siya ng Amerika, isang linggo wala po siya.

"Minsan isang beses sa isang linggo, minsan wala po."

So, ano ang ginagawa niya kapag wala ang mentor niya?

"Nung time po na nag-meet kami nung una, ang ginawa ko po... tinuruan niya po ako kung paanong tumayo sa sarili kong paa.

"Sinabi niya sa akin, ’Kahit wala ako, matuto kang tumayo sa sarili mong paa. Hindi dapat laging nakaasa ka.’

"Sabi niya, ’Sa mundo ng showbiz, ikaw lang mag-isa diyan.’"

Nakikita ba niya ang sarili niya as the winner?

"Of course. Opo, nakikita ko yung sarili ko bilang winner," sagot ni Kenneth.

Kanino siya threatened? Na bukod sa sarili niya, sino sa tingin niya ang dapat manalo?

"Actually, pagdating po sa professionalism talaga ng pagkanta, ang nakikita ko pong may chance din, palinawan po ng boses, si Nomer, may pag asa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bata, e, cute tingnan sa TV. Malinis din po yung boses."

Dagdag pa niya, "Si Denise tsaka si Jensen."

Ano ang ayaw niya sa contest?

"Wala naman po.

"Siyempre, gusto ko talagang masubukan kung gaano kahirap, kung ano yung hirap.

"Kasi wala naman napagtatagumpayan kung hindi ka dumadaan sa hirap."

Ano ang masarap na parte ng pagiging bahagi ng Protégé?

"Siyempre po yung makikilala ka ng mga tao. Minsan pag maglalakad ka, binabati ka nila, ’Ayun yung protégé!’

"Tapos, magpapa-picture sa iyo. Magpe-perform ka in front ng pamilya mo, na iaalay mo sa kanila bawat kantang kinakanta mo."

Magaling kumanta si Kenneth, pero ang nape-play up agad ay yung crush siya ng ibang protégés dahil guwapo siya. Advantage ba niya iyon?

"Siyempre po, sa mundo ng showbiz, hindi ka naman gaanong papansinin kung wala kang itsura, e.

"Talaga pong siyempre po, advantage iyon," sabi niya.

Iniintrigang bading diumano si Kenneth dahil masyado raw siyang malinis sa katawan.

Ano ang reaksiyon niya sa intrigang bading siya?

"A, wala po! Sa akin, wala namang epekto.

"Bakit ako magpapa-apekto, hindi naman po totoo," sabi ni Kenneth.

Hindi raw siya bading.

"Hindi po, hindi po.

"Ako, lagi akong napagkakamalang bading dahil pag lumalabas ako, dahil nakakulong kami sa aircon, paglabas ko po sa bahay, namumula na ang pisngi ko."

Maganda ang balat niya. Paano siya mag-alaga ng balat?

"Ako, kumbaga, proper sleep lang po. Talagang ingat lang po sa katawan."

Wala raw siyang regimen na ginagawa sa katawan.

Ano ang plano niya kapag hindi siya nanalo sa Protégé?

"Ipagpapatuloy ko pa rin po yung pangarap ko.

"Maybe stop muna ako [sa pagkanta], itutuloy ko muna yung pag-aaral ko, kasi iyon ang pundasyon ko, ang pag-aaral ko po.

"Dapat po graduate na ako ngayon sa Nursing, e, nag-stop po ako, [pero] hindi po because of this [Protégé].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ilang years din po akong nag-stop, two years, kasi po labas-pasok po ako ng ospital.

"Nagha-hypokalemia po ako. Potassium po, bumabagsak po bigla yung potassium ko.

"So, kaya rin po maingat ako sa katawan ko, dahil hindi po ako pwedeng gaanong pagpawisan.

"Bawal po ang sobrang stress dahil babagsak po ako, hinihimatay po ako palagi.

"’Tsaka high blood po ako."

Paano pag kumakanta siya?

"Sila po, inaalagaan naman po nila ako sa Gatorade, binibigyan po nila ako."

Paano kapag sinumpong siya habang nagpe-perform sa Protégé?

"Actually, sometimes po psychological ’yun.

"Kailangan huwag mong iisipin, huwag mong iisipin.

"Think positive ka lagi, lakasan mo ang loob mo.

"Meron po ako nito since I was in fourth year high school."

Hindi siya gumagaling?

"Iniingatan ko lang po, maintenance lang po."

SO WHAT. Ang grupong So What ang nag-iisang grupo na contender sa Protégé. Ito ay binubuo nina Ermund Regacion, Sander Sigurdson, Janina Franchesca Gonzales, at Kyrsty Arabelle Alde.

Dahil si Rey Valera ang mentor nila, naitanong namin kung paano maging mentor ang music icon.

May pressure ba?

Ayon sa 22-year old na si Ermund Regacion, "Oo, kasi siyempre legendary sa music industry kaya medyo nakakakaba rin po.

"Pero ayos naman, napakagaling, napakabait, napaka-humble na tao."

Ano ang pinakamagandang sinabi sa kanya ni Rey?

"Sabi niya, ’Stay humble, focus sa work; kung work, work.’

"Kasi time is gold. Ang oras, napakahalaga... kaya dapat hindi sayangin.

"Dapat kung magwo-work ka, dapat talaga ibuhos yung buong talino for that work."

Aside from Rey, sino ang mga ang idol niyang singer o gusto niyang maging?

"It’s either Martin Nievera or Gary Valenciano," sagot ni Ermund.

Kung papipiliin siya ng isa lang?

"Siguro depende, kasi ang ano ’ko, genre[ko] talaga is yung medyo slow rock.

"So, siguro kung talagang kung sa music talaga ano, as a whole, si David Cook, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Pampanga nag-audition si Ermund, pero originally ay taga-Davao talaga siya.

Hindi ba disadvantage na nag-audition siya as a solo contestant, pero ginawa silang grupo?


"As group naman, ginagawa naman namin ang best namin para mabuo kami at magka-exchange-an ng thoughts, kung paanong ang isang kanta gagawin.

"Kasi, although mahirap talaga from soloist to biglang pinagsama, talagang magka-clash ang mga ideas, iba-iba genre, may ibang gusto, so talagang kailangan ang patience, kailangan ang work ethics.

"Under pressure, kailangan alam mag-handle ng pressure."

Buti pumayag sila na maging group?

"Kasi parang nakikita siguro ni Sir Rey na medyo okay kami as a group kaya iyon ang pinili niya."

Solo ring nag-auditon sa Pampanga si Sander Sigurdson.

Hindi ba siya tumutol na gawin silang grupo?

Ayon kay Sander, "Kasi po, in the first place kasi, si Sir Rey, mas may alam siya kumpara sa amin, mas alam niya yung gagawin po.

"So, of course, masaya po nung narinig namin na as a group niya kami gagawin."

Aminado si Sander na mahirap din as a group.

"In a way, mahirap po talaga.

"Siguro kung solo akong nakapunta, kunyari if for example lang po na solo ako na mine-mentor ni Sir Rey, mas easier.

"Kaya lang, kinu-consider na lang namin na siguro ganun talaga, challenge iyon, e.

"Iyon ang gusto ni Sir Rey and maganda po yung idea niya, napansin ko rin po.

"Although medyo hindi ganun kadali kapag nagre-rehearse kami sa mga bagay na gagawin namin, sa pagdedesisyon, kasi kailangan mong pakisamahan yung mga kasama mo.

"Pero so far, okay naman po kami."

First na sinalihang contest ni Sander ang Protégé.

"Nag-try ako ng Pilpinas Got Talent sa Subic, kaya lang nung kumuha ako ng number, e, ang haba ng pila, umuwi din ako, hindi ko na nabalikan."

Amerikano raw ang ama ni Sander.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, wala yung father ko.

"Pero nung dumating naman po yung time na 18 years old ako, I think, nagkaroon ulit kami ng communication.

"Hanggang sa nag-try siya na kunin ako, kaya lang na-deny po ako ng US Embassy, kasi marami pong hinahanap. Ganun daw talaga dun.

"So, hopefully, maayos ko pa rin yung citizenship ko."

Legally, apelyido ng ama niya ang dinadala niya at alam ito ng ama niya.

"Fifty percent Bisaya po ako, ang nanay ko, Bisaya," banggit pa ni Sander.

Hindi raw nagsusustento sa kanya ang American father niya, pero okay lang iyon kay Sander.

"Kasi nung naaano [nagkaroon ng communication] namin siya, may edad na naman ako.

"Kaya ko namang magtrabaho, so magtatrabaho na lang ako," sabi ng 23-year-old aspirant.

Inamin ni Sander na may dalawa siyang anak, pero hindi siya kasal sa ina ng mga bata.

"Kaya lang, wala na po kami nung nanay. Nasa Pampanga po, na-meet ko po nung nagtrabaho ako dati doon."

Magkaibigan naman daw sila ngayon ng ina ng kanyang mga anak.

Sino ang maituturing niyang pinakamahigpit nilang kalaban?

"Si Kenneth [Monico] para sa amin. Voice quality, magaling siya."

Taga-Parañaque naman si Janina Franchesca Gonzales, pero sa Pampanga rin siya nag-audition.

"Kasi po, actually, sa MOA po ako dapat mag-a-audition.

"E, aalis po ang parents ko, mag-a-out of the country po.

"So, sabi po nila, unahin na namin sa Pampanga. Mas ahead po kasi yung audition date sa Pampanga."

Okay lang ba sa kanya na isinali siya sa grupo nilang So What?

"Nung una po, medyo hesitant kasi po siyempre soloista ako, e.

"Pero nung nakita ko naman na medyo okay naman, pwede naman pong mag-compromise, iyon po, okay naman po.

"Okay naman po siya, although minsan lang po nakaka-hassle pag may pumalya, ulit-ulit.

"Pero pag na-perfect, worth it naman po yung feeling, parang, ’Yes! Tapos na!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nung unang-una pa lang po, sobrang malas na po talaga namin.

"Actually, hindi po talaga dapat apat kami.

"Umalis po kami ni Kyrsty, kasi po ayaw po akong payagan ng dad ko na sumali kasi nga po sa education.

"Hindi po namin alam na ibabahay, kaya po, ’Sige, audition tayo.’

"Nung ganun na po, ayun, nalaman po namin [na titira sa Protégé house], tapos sabi po namin, ’Uy, baka mag-backout na lang kami.’

"E, nung nakita po namin yung dalawa [Sander and Ermund], nakakaawa po!

"Tsaka gusto ko rin naman po, so sabi ko, ’Papa, sige na.’

"Naka-backout na po ako, tapos tinawag po nila ako, ’Janina, pwede isang interview pa?’

"Tapos nung nakita namin na kawawa talaga yung dalawang boys, ’Tara na!’

"Tapos, pumayag naman po yung dad ko."

First year na sa kursong International Studies major in European Studies sa De La Salle University si Janina.

Hindi ito ang first contest niya.

"Sumali po ako sa Pop Star Kids po, pero hanggang yung sa studio, pero hindi po ako nakalaban dun sa championship."

Gusto raw niyang sundan ang yapak ni Lea Salonga.

"Mga Broadway po, gusto ko po ganun."

At 17, bawal pa kay Janina na magkaroon ng boyfriend.

Nagkataon namang dalawang boys ang lagi niyang kasama at ka-bonding sa grupo nila.

"Kaya nga po sabi po ni Sir Rey, ’Paano ’yan, alam ko ang mga magulang mo, ayaw na ayaw na may kasama kang mga lalaki?’

"Okay naman po, hindi naman po problema, harmless po sila."

What if nanalo sila, pero gusto pa rin niyang magsolo?

"Ay, siguro po mag-stick na muna po ako sa grupo.

"Siyempre po, yung gratitude na kasama ko po sila, siyempre nakakahiya naman po kung bigla akong aalis."

Kumusta si Rey Valera bilang mentor?

"Napakabait po, as in! Iba po siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag kami po ang magkakasama, talaga pong parang kaibigan lang po, ganun po si Mr Rey," sabi ni Janina.

Sa simula ay hindi rin sigurado si Kyrsty Arabelle Alde na mapapasali siya sa So What.

"Nung una kasi, hindi ako sure na kung group, anong mangyayari, yung ganun po.

"Pero na-open ko na sa sarili ko na ita-try ko po.

"Pero sa ngayon, okay naman po yung pakikisama namin kaya okay na okay naman na po sa akin."

Hindi ba mahirap na mapasama sa isang grupo imbes na bilang isang solo contestant?

"Opo! Marami pong iisipin.

"Mahirap po talaga siya lalo na from back-to-scratch po kami.

"Maraming iisipin, mas mahirap... parang iniisip ko nga din po yung iba na may mga bala na sila, ang sarili nila.

"Pero pag kami, parang challenging, sobrang nakaka-challenge.

"Pero okay naman po iyon sa akin kasi iyon nga, may bagong experience, na magiging isa sa isang grupo.

"First time ko din po iyon."

At 20, first time din ni Kyrsty na sumali sa isang major talent contest.

Bakit wala siyang sinalihan before?

"Hindi ko po masyadong gustong sumali ng mga ganun-ganun, pero sa ngayon po, parang open naman na ako.

"Na walang ginagawa, why not try?"

Nang sumali sa Protege ay nag-aaral si Kyrsty ng Fine Arts major in Visual Communications sa UP Diliman.

Si Lea Salonga rin ang idol niya; pati na sina Barbra Streisand at Ella Fitzgerald.

"Kasi po, yung type of music ko pong kinakanta, mga Broadway, jazz, kaya sila po yung inspirasyon ko sa mga kinakanta ko po."

Panno kapag hindi sila palaring manalo sa Protégé?

"Siguro po ipagpapatuloy ko po yung pag-aaral ko, or imi-meet ko pa rin sila, yung mga ka-group ko. Gagawa kami ng mga songs at mga album."

Itutuloy nila ang So What?

"Opo, kung okay po sa kanila, e, ’di okay din po sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First live elimination ng Protégé sa darating na Linggo, October 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN