Superstar Nora Aunor set to receive two more lifetime-achievement awards

The Cinemanila International Filmfest will honor Nora Aunor with a Lifetime Achievement Award at its opening ceremonies on November 11, 2011, along with Italian producer, screenwriter and director, Dario Argento. Also, the Superstar will be awarded, with Mario O’Hara, the Honorary Originals of Philippine Cinema Awards, at the 7th CinemaOne Originals Independent Film Festival.


Ugnay sa panibagong natamong pagkilala ni Nora Aunor mula sa mga lehitimong press people/media representatives, labis na natuwa at nagbigay ng taos-pusong mensahe ng pagbati ang matalik na kaibigan ni Ate Guy na si Glenda Tongko (now Glenda Kennedy) at ang personal manager-schedule master ni Ate Guy na si Boy Palma.

Sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina nung Lunes ay naroon si "Manay" Glenda (na siyang tawag ni Nora sa kanya) upang lumabas sa ilang eksena.

Dito ay tinanong si Manay Glenda ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang personal na damdamin para sa kaibigang superstar.

TEARFUL SUPERSTAR. Nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa sina Nora at Ms. Glenda noong nasa Amerika ang Superstar, na siyang bansag kay Nora Aunor.

Si Glenda ang co-producer ng indie movie ni Ate Guy, ang Care Home, noong 2006, na dinirek ni Suzette Ranillo.

"Sobra!" naibulalas ni Ms. Glenda, sa nakita niyang pagtanggap at pagpaparangal sa kanyang kaibigan at aktres nang makasama niya si Ate Guy sa unang pagkakataon sa isang awards ceremony.

"It’s like... it’s a big realization [about] how Nora Aunor affected millions of lives of ordinary people; of her co-actors and actresses and singers... grabe!

"Lahat, sumasaludo sa kanya before they went up the stage and after they came down from the stage!

"Sobrang na-touch si Nora," sabi pa ni "Manay" Glenda, na katabi ang Superstar sa gabing iyon.

"I mean, all-night long, may luha yung mata niya [Nora].

"Pigil na pigil niya, kasi ayaw niyang lumabas na sobrang pagka-dramatic," pagri-reveal pa ng close friend ni Ate Guy na nagkakilala sa San Francisco.

"Pero, touched na touched siya. Parang hindi niya maiwasan, lumuluha siya."

Naging maganda ang turingan nina Nora at Glenda, lalo sa panahong ’ika nga’y ’dapang-dapa’ at walang matakbuhan sa States ang superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang pasasalamat na rin ni Nora, kasa-kasama nito ngayon ang kaibigan, na nabigyan ng role sa seryeng Sa Ngalan Ng Ina, bilang isang madre.

Ginagampanan ni Ms. Glenda si Sor Theresa, na sumbungan ng mga problema ni Gov. Elene Deogracias, ang character ni Nora sa TV5 mini-series.

"Totoo itong role ko (sa SNNI), kaya medyo natural din [ang ugnayan ng characters].

"This is the real thing between Nora and me.

"Sa States, ako ang ’Sor Theresa’ niya," sabi pa ng dating si Glenda Tongko, who has since adopted the surname "Kennedy," na pinayagan daw ng U.S. nang maging US citizen siya.

Bilang kaibigan, Glenda feels, "Hindi niya [Nora] maibuhos nang buung-buo na kagaya nang pagbuhos niya sa akin.

"Hindi na kasi ako ibang tao [sa kanya]. Talagang ’big sister’ [ako sa kanya].

"Kaya dala-dala [niya] ako hanggang dito sa Pilipinas. Hindi ko akalaing mapupunta ako dito.

"Wala akong plano!" natawa uli si Glenda.

"I mean... nananahimik ang buhay ko doon. Akala ko nga, binibiro lang niya ako..."

Sabi raw kasi sa kanya ni Ate Guy, bago sila umuwing Pilipinas, "’Manay Glenda, isasali kita...’ [sa mini-serye]...’ ’Paano mo ako isasali?’ sabi ko sa kanya. Sabihin naman, ’Sino ’yun? Hindi naman kilala!’ Makakayanan ba ’yun ng powers niya?"

Pero ngayon, natupad nga ang sinabi sa kanya ni Nora, na hindi naman plinano.

"Ang gaan-gaan ng kalooban [namin sa isa’t isa], kaya saludo ako diyan," sabi pa ng bagong kaibigan ni Ate Guy.

"Saludo ako diyan. Once na nakakita siya ng true friend, kini-keep niya, to make sure. Ayaw na niyang pakawalan."

Among Guy’s other "showbiz" friends, all these years, nananatiling matapat sa kanilang pakikipagkaibigan ang mga tulad ng mag-inang Gloria Sevilla at Suzette Ranillo at ang pamilya nito.

Ang mag-inang Mrs. Celia Diaz-Laurel and son, Cocoy Laurel ay gano’n din. Pati ang veteran actress na si Ms. Caridad Sanchez, among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga nabanggit ay nagpahayag ng pagnanais na makausap at muling makasama ang superstar bago siya bumalik sa Amerika para mag-undergo ng throat operation, early next year.

RESPECT EARNED. Para naman kay Boy Palma, personal manager at schedule master ni Nora Aunor, ang mga matataas na parangal at pagkilalang natatamo ngayon ni Nora Aunor ay sadyang nauukol para sa kanya.

"She has earned it. She deserves it. Let’s give it to her," ani Boy Palma.

"Ngayon, kung mayroon pang naninira [at maninira], wala tayong magagawa... pero, hindi mo na siya puwedeng ibaba."

Dagdag ni Glenda, "Hindi mo na siya puwedeng mai-pull down. Wala nang makakahilang pababa sa kanya."

"Tama nga yung sinabi ni Gov. ER (Ejercito)," pag-ulit ni Palma."She should be considered a National Artist.

"O, maski hindi pa nga. Sabi ni Direk Mario, ’she’s already a national treasure’," pagbanggit din ni Boy Palma.

Next month, dalawang special lifetime achievement awards pa ang nakatakdang ipagkaloob kay Nora Aunor.

The Cinemanila International Filmfest, will honor her with a Lifetime Achievement Award, sa opening rites, on November 11, 2011, along with Italian producer, screenwriter and director, Dario Argento.

On November 13, 2011, pararangalan din si Nora Aunor, kasama ang direktor na si Mario O’Hara ng Honorary Originals of Philippine Cinema Awards, sa 7th CinemaOne Originals Independent Film Festival.

Ang Cinemanila International Filmfest award ay bilang pagkilala sa mga naging kontribusyon ni Nora bilang natatanging aktres ng pelikulang Pilipino at mga parangal na natamo sa iba’t ibang international film festivals.

Ang parangal naman ng CinemaOne Originals, with Ronald Arguelles, as festival director, ay para kina Nora at Direk Mario, bilang mga pangunahing tagapagsulong ng malayang sining pampelikula (independent cinema pioneers), simula pa noong mga unang taon ng dekada sitenta (1970’s).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN