Former male teen star fulfills wish to become a woman; marries a guy and joins beauty pageant for transgenders

"Feeling ko kasi, pag sumasali ako sa ganitong pageant, mas naging ganap na babae ako," says Zyrene Verano, formerly known as teen star Akiro Verano, about joining Miss Amazing Philippine Beauties 2011.


Biglang naging instant favorite ng mga taong dumalo sa press presentation ng mga kandidata for Miss Amazing Philippine Beauties 2011 kahapon, October 19, ang Candidate No. 7 na si Zyrene Verano.

Ang Miss Amazing Philippine Beauties ay beauty pageant ng mga transgender, o mga dating lalaki na nagpalit ng kasarian.

Nang ipakilala ni Zyrene ang kanyang sarili ay inamin niyang naging co-host siya noon ni German Moreno sa late-night weekend show nitong Walang Tulugan With The Master Showman.

Akiro Verano ang gamit nitong pangalan noon, at nakasabayan niya ang sikat na ngayong tween star na si Jhake Vargas.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zyrene sa Sofitel Hotel during the press presentation, sinabi niyang bata pa siya ay alam na niyang bading siya.

Pero pangarap daw niyang mag-artista kaya naman pinili niya nung una na maging lalaki.

Kuwento ni Zyrene, "Bata pa po ako, alam ko na, na bading ako.

"Kaya lang, natakot ako noon na baka hindi ako tanggapin ng magulang ko, kamag-anak, kaibigan, at bagong mga kakilala na bakla ako.

"Kaya naman itinago ko yun hanggang 16 years old ako.

"Kaya kahit nahihirapan ako, mas pinili ko noon na maging lalaki kaysa mag-come out at aminin sa lahat na bading ako.

"Alam naman kasi natin na ang mga katulad ko ay hindi naman ganun kabilis tanggapin ng marami.

"Tsaka kasi noon," patuloy niya, "gusto ko talaga mag-artista.

"Inisip ko na kapag inamin ko na bading ako, baka walang kumuha sa akin kahit na marami ang nagsasabi na pwede akong maging artista."

WALANG TULUGAN CO-HOST. Pano siya napasok sa show ni Kuya Germs at naging artista?

"Bata pa kasi ako, marami ang nagsasabi na guwapo daw ako at puwede mag-artista.

"Kaya nung 15 years old na ako, nag-apply ako sa Walang Tulugan With The Master Showman ni Kuya Germs at masuwerte namang natanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasabayan ko noon si Jhake Vargas at yung iba pang teen stars ni Kuya Germs.

"Pero hindi ako every Saturday nandun. Minsan nandun ako, minsan naman wala.

"Bale siguro mga one year lang ang itinagal ko sa show.

"Kumakanta-kanta ako doon at sumasayaw-sayaw katulad ng mga ginagawa ng mga teen stars ngayon sa show ni Kuya Germs."

Noong nasa show pa ba siya ni Kuya Germs ay hindi nila napansin na bading siya?

"Siguro hindi," sagot ni Zyrene.

"Tahimik lang kasi ako noon.

"Siguro may nakakapansin na mahinhin ako, pero hindi buko."

COMING OUT. Bakit niya naisipang magladlad at iwan ang pag-aartista?

"Feeling ko kasi nang mag-17 years old ako, mas masaya ako na maging bading.

"Kaya naman umalis na ako sa show ni Kuya Germs at mas pinili na ang ganitong klase ng buhay dahil alam kong dito ako sasaya.

"At kung ano man yung hitsura ko ngayon, masayang-masaya ako at walang halong pagsisisi.

"Kasi ito talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko."

Ano ang mga ipinabago niya sa kanyang katawan?

"Halos buong katawan ko po pinabago ko," pag-amin ni Zyrene.

"Buong face ko... I have a silicone and breast implant.

"Nagpa-testical removal din ako. At next time po, magpapa-opera na ako sa Thailand para maging ganap ng babae.

FAMILY SUPPORT. Paano tinanggap ng pamilya ni Zyrene ang desisyon niyang magparetoke upang maging mukhang babae?

"Noong una po, nakita po nila yung love story ko na hindi ako tinanggap nung guy dahil hindi naman ako ganun ka-feminine nung araw.

"Hanggang naawa sila sa akin at sila ang tumulong sa akin na mag-undergo ng enhancement sa katawan.

"Very thankful ako sa family ko dahil sinuportahan nila ako.

"Sabi nga nila, kung saan ako happy, happy na rin sila."

THE MAN WHO LOVED. After niyang bang magparetoke ay may mga pagkakataon ba na napagkakamalan na siyang tunay na babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi po," sagot niya.

"Minsan nga um-attend ako ng party ng kaibigan ko, tapos may isang straight guy yung nagkagusto sa akin.

"Kasi akala niya babae ako, kasi during that time, hindi ako nagsasalita.

"Kaya nung nagsalita ako, natawa siya kasi nalaman niya na bading ako.

"Hindi ko nga alam kung natawa siya dahil nagagandahan siya sa akin, o baka naman kinukutya na niya ako!" tawa niya.

"Pero hindi ko na lang pinansin.

"Then, nang tumagal-tagal, pumupunta na siya sa bahay ko.

"Akala ko barka-barkada lang, pero kalaunan, nanligaw na siya at sinabi niya na gusto niya ako.

"At hindi bading ang tingin niya sa akin, kundi babae.

"After nun, nag-decide kaming pakasal at ngayon nga ay kasal na kami," kuwento niya.

Ilang taon yung guy?

"Pareho kaming 21 at nagpu-pulis siya."

Paano tinanggap ng magulang ng lalaki na bading yung napangasawa ng anak nila?

"Noong una, mahirap. Halos isumpa yata siya ng pamilya niya.

"Pero ipinaglaban niya ako, hindi niya ako iniwan kahit yun yung gusto ng family niya.

"Nanatili kaming magkasama.

"Pero nung mas nakilala ako ng pamilya niya, at nalaman nila kung gaano ko kamahal yung anak nila, unti-unting natanggap na rin nila ako."

GAY BEAUTY PAGEANT. Kung ang tingin sa kanya ng husband niya ay babaeng-babae na, hindi ba siya pinigilan nito na sumali ng Miss Amazing Philippine Beauties 2011 na isang gay beauty pageant?

"Noong una po, ayaw niya akong sumasali sa mga pageant.

"Pero naiintindihan niya na po ako kung bakit ginagawa ko ang ganitong klaseng bagay, kasi dito ako masaya.

"Feeling ko kasi, pag sumasali ako sa ganitong pageant, mas naging ganap na babae ako," saad ni Zyrene.

Dahil sa pagsali niya sa isang gay beauty pageant pageant ay paulit-ulit lang na iisipin ng mga tao na bading siya. Ayaw niya bang tigilan na ang pagsali sa mga ganitong contest at mabuhay bilang babaeng-babae na at talikuran ang pagiging bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad ng sinabi ko po kanina, na hindi ko po tatalikuran ang pagiging bading dahil yun naman talaga ang totoo.

"Kaya naman po kasi ako sumasali sa ganitong pageant ay dahil para ipakita ang kakayanan ng ikatlong lahi. Na sana naman ay tanggapin kami nang buong-buo ng lahat.

"At sa ganitong klaseng pageant, naipapakita namin kung ano pa ang pwede naming gawin. Para mabigyan naman ng puwang ang ikatlong lahi sa ating bansa."

Ano sa palagay niya ang edge niya para manalo sa Miss Amazing Philippine Beauties 2011?

"Siguro yung pagiging natural, kung ano ako, ’yun ako.

"Yung dami ng experiences na dinaan ko sa buhay—masaya man ito o malungkot na parte ng buhay ko.

"Kung saan maraming times na rin namang nadadapa ako, pero patuloy na bumabangon at lumalaban sa buhay.

"Lahat naman po kami umaasang mananalo, pero isa lang naman ang magwawagi.

"Ayokong mag-expect na mananalo ako, pero ayoko namang itago sa lahat na gusto kong manalo.

"Sana manalo po ako," sambit niya.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Amazing Philippine Beauties 2011 sa November 12 sa Manila Film Center, CCP Complex, Pasay City.

BACK TO SHOWBIZ? Given a chance, gusto niya pa bang bumalik sa showbiz?

"Oo naman po. Bakit naman hindi kung mabibigyan ng pagkakataon?" sagot niya.

If ever na mabigyan siya ng pagkakataon, sino ang gusto niyang makapareha sa hanay ng mga aktor?

"Si Dingdong Dantes!’ mabilis na sagot ni Zyrene.

Bakit si Dingdong?

"Kasi crush ko siya. Kahit noong hindi pa ako nagka-come out, crush ko na siya.

"Kaya if ever na papipiliin ako ng makakapareha, gusto ko, siya.

"Guwapo kasi siya at macho."

Sino sa palagay niya ang kamukha niyang artistang babae?

"Marami po ang nagsasabing kamukha ko si Iza Calzado.

"May nagsasabi namang si Jackie Rice, pero mas marami pa ring Iza."

Ipinagaya niya ba yung mukha ni Iza?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po, pero yun yung naging outcome.

"Kaya happy ako kasi isa si Iza sa may pinakamagandang mukha sa industriya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN