Joyce Ching considers Ikaw Lang Ang Mamahalin a big break in her showbiz career

Joyce Ching: "Kasi, kadalasan po kasi, tulad ni Barbie, nasimulan siya na mabait, inaapi, palagi na lang gano’n ’yong role na napupunta sa kanya. Tsaka, gusto ko din makita nila na pwede bida, pwede kontrabida para hindi na lang nakatatak sa utak ng tao na, ’Joyce Ching, kontrabida,’ yung gano’n."


Sa presscon ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, inamin ng tween star na si Joyce Ching na hindi niya inasahan na ibibigay sa kanya ng GMA-7 ang proyektong ito. (CLICK HERE for related article.)

Kung tutuusin ay big break niya ang Ikaw Lang Ang Mamahalin, matapos gumanap ng supporting roles sa Endless Love, Koreana, at Munting Heredera.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce kahapon, Oktubre 19, sa opisina ng Viva sa Tektite Building, Mandaluyong City.

Sinabi niya sa amin na malaki ang pasasalamat niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA-7.

"Tuwang-tuwa po ako!" bulalas niya.

"Kasi po una, siyempre ang laking role nang ginampanan ni Ms. Sunshine [Dizon].

"Siyempre, natutuwa po ako kasi ’yong GMA-7 heads po, nagtiwala sila sa akin na kaya ko ’yong ginawa ni Ms. Sunshine Dizon noon.

"’Tsaka, kaka-sign ko pa lang naman po sa Artist Center ng co-managed [with Viva Talent Agency], tapos binigyan na po nila ako agad ng big break."

THE BIDA-KONTRABIDA. Exciting para kay Joyce ang kanyang karakter sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, dahil sa pagiging bida na kontrabida ng kanyang role.

Kung siya ang papipiliin, ganito raw talaga ang mga karakter na gusto niyang gampanan.

"Sa akin po, gusto ko bida-kontrabida," pag-amin niya.

"Kasi, hindi rin po ako masyadong sanay na... Hindi ako magaling magtaray nang sobra.

"Kasi, ’yong iba pong kontrabida, kahit wala pang ginagawa, nakatayo pa lang, takot ka na, e.

"So, do’n po kasi medyo hirap pa ako."

Dagdag pa niya, "Ako po, kinakaya ko naman po.

"Kaya lang, parang pag gano’n kasi ’yong role mo na kontrabida ka lang talaga buong show, ang hirap din kasi hindi makakapagpahinga ’yong gano’n side mo.

"So, gusto ko sana papalit-palit para hindi ako masyadong ma-stress."

Isa pang dahilan ni Joyce ay ayaw niyang malinya lang sa pagiging kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Kasi, kadalasan po kasi, tulad ni Barbie [Forteza], nasimulan siya na mabait, inaapi.

"Palagi na lang gano’n ’yong role na napupunta sa kanya.

"’Tsaka, gusto ko din makita nila na pwede bida, pwede kontrabida para hindi na lang nakatatak sa utak ng tao na, ’Joyce Ching, kontrabida,’ yung gano’n."

CLOSE FRIENDS. Samantala, kinumusta na rin namin kay Joyce ang relasyon nila ni Kristoffer Martin.

Nagsimulang mapansin ang closeness ng dalawa nang maging love team sila sa Tween Hearts.

Gayunman, patuloy na itinatanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila.

Depensa ni Joyce, "Kasi bata pa naman po kami.

"Lagi po kaming magkausap, e, kasi lagi kaming magkasama sa taping.

"Tapos, pagdating pa sa taping kami lagi magka-eksena."

Giit pa niya, magaan lang talaga ang loob niya kay Kristoffer, kaya naging malapit siya dito.

"Hindi naman po siguro nahuhulog ’yong loob," maingat na sagot ni Joyce.

"Siguro po nagkakapalagayan, parang ’yong nagiging at ease na ’yong pagkukuwentuhan, parang nagiging open ka na.

"Kasi, kami po, parang kami lang po laging magkakasama kaya parang sa showbiz, nakahanap ka na ng mapagsasabihan mo ng kahit ano."

Kaya ang sagot ni Joyce sa estado nila ni Kristoffer: "Mas nagiging close [kami]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN