Anne Curtis is on a roll: after a blockbuster movie, her debut album turns gold

Anne Curtis on her blockbuster movie and hit record: "I feel really, really blessed. I feel so grateful, thankful sa lahat ng mga blessings na natatangap ko. Ayoko nang humiling pa, sobrang masaya na ako."


Certified gold na ang debut album ni Anne Curtis sa Viva Records na AnneBisyosa.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne ay hindi mapagsidlan ang kanyang kasiyahan—lalo na’t hindi niya inasahan na ganun kainit ang magiging pagtanggap ng mga tao sa kanyang debut album.

"Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Ito talaga yung wow, wow talaga!

"I’m just very happy kasi hindi ko siya ine-expect. Naiyak ako.

"Iniisip ko in three years pa siguro bago siya mag-gold, but in three weeks, nag-gold siya!

"I’m just very happy, maraming salamat talaga.

"Nakikita ko yung mga pumipila pag nagmu-mall show ako.

"I really make it sure to have time na pirmahan lahat ng mga bumibili.

"Sa akin, maraming salamat talaga sa Viva kasi pinagbigyan nila ako after fourteen years," sabi ni Anne.

FOR AND AGAINST. Sa kabila ng tagumpay na ito ni Anne, meron pa ring nagtataas ng kilay at kumukuwesityon sa kakayahan niya bilang singer.

Ayon kay Anne, "No naman, in all fairness, parang wala naman kasing masyadong nagtaas ng kilay.

"Parang everyone knew na for fun lang naman ito talaga.

"They were cheering me on, ’Go Anne, go Anne!’

"So, wala namang kumokontra that I knew of, na kilala ko.

"Siyempre, alam naman ng lahat na hindi ko siya sineseryoso, it’s not my career path na maging singer.

"I just do this for fun," diin niya.

Sa kabilang banda, may mga ilan ang nagsasabing inspirasyon nila si Anne dahil patunay lang ito na wala talagang imposible pag ginusto mong mangyari ang isang bagay.

Sabi ni Anne, "Dun naman sa mga nagsasabi na na-inspire ko sila, I’m happy na nagiging ganun ako for them.

"If you keep on dreaming and you fight for what you believe in, confidence lang ’yan at matutupad din yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIT RECORD, BLOCKBUSTER MOVIE. Bukod sa nagkaroon na ng Gold Record Award si Anne, kumpirmadong na-break na ng pelikula niyang No Other Woman ang lahat ng box-office records dahil sa kinita nitong 240 million sa takilya. Balita ring patuloy pa rin itong pinipilahan sa mga sinehan.

Handa na ba si Anne na maging Box-Office Queen, along with her co-star Cristine Reyes, for 2011?

"Thank you, yun talaga, sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng mga nanood.

"It’s really word of mouth na it’s gotten to the people, kasi halos wala na nga kaming time na mag-promote nun, e.

"Walang premiere night, so we’re really, really nervous.

"It’s really nice to know na naging ganito siya ka-successful, na maraming naka-appreciate.

"Siyempre masaya pag nangyari, but you don’t expect.

"Be happy for what is given to you."

Sa laki ng kinita ng No Other Woman, may pressure ba kay Anne na pumili ng mga pelikulang alam niyang hindi lang dapat kumita kundi kikilala talaga sa husay niya bilang isang aktress?

"I never had that kind of feeling," sabi niya.

"For me kasi, whenever I do a movie, I make sure na magagawa ko nang maayos kung ano ang hinihingi sa akin.

"I’m not pressured na kailangan na I’ll beat ano...

"For me kasi, as an actor, it’s your responsibility to begin with na every role na gagawin mo, you should give your 100 percent."

LUCKY YEAR. Sa ganda ng nangyayri sa career niya ngayon at sa tahimik na relasyon nila ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff, talagang masasabing "lucky year" ni Anne ang 2011.

"I feel really, really blessed.

"I feel so grateful, thankful sa lahat ng mga blessings na natatangap ko.

"Ayoko nang humiling pa, sobrang masaya na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN