Robin Padilla backs out from MMFF 2011; asks Gov. ER Ejercito to give back seed money

Robin Padilla on his decision to back out from MMFF this year and his "plea" to get back his seed money: "E, Governor, personal kong pera yun. Sana, personal mo ring pera ang ibalik mo sa akin. Ako’y maggi-give in para sa ’yo dahil kaibigan kita pare. At alam mo yun na sabay tayong nag-umpisa. Sabay tayong nasa ilalim ni Elizabeth Vidanes [his manager]."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin Padilla kaninang tanghali [October 20], sa dressing room ng pinagsasamahang sitcom nila ni Vhong Navarro na Todo Max, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Ayon sa action star, sa November daw magsisimulang umere ang kanilang sitcom.

Hindi na kami nagpaliguy-ligoy pa at direkta nang tinumbok ang isyung ’di na nga matutuloy ang entry ni Robin na Mr. Wong sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2011.

Una kasi rito ay nagpahayag dito sa PEP si Gov. ER Ejercito na ang slot ng movie ni Robin ay mapupunta na pelikula niyang Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga. (CLICK HERE to read related story)

Ayon pa rin kay ER, nakatanggap na sila ng tawag mula sa committee ng taunang MMFF na hinihintay na lamang daw nila ang formal letter from Robin’s camp na ’di na sila sasali sa filmfest.

ROBIN’S DECISION! Umano ay hindi pa nakakapagsimulang mag-shooting sina Robin kaya malabo nang umabot sila sa deadline ng pagsumite ng kanilang entry sa MMFF.

"Sa parte namin, wala kaming naging problema. Smooth lahat kami.

"Unang-una, gusto ko munang pasalamatan ang Regal [Films], si Mother Lily [Monteverde], si Roselle [Monteverde-Teo]," simula ni Robin.

"Ang pagpupugay ng RP Productions sa kanila, e, sobra-sobra ho.

"Sa lahat po ng staff namin, sa director namin, humihingi ako ng paumanhin kung nagdesisyon ako na, ’huwag na lang tayong sumali.’

"Ako yung taong... ayoko ng gulo, e. Kasi, nagsawa na ’ko sa gulo. Kung ako mismo pag-uumpisahan ng gulo, ’wag na lang," pahayag niya.

THE REASON. Ano ba ang rason sa likod ng desisyon niyang ito? Schedules ba ng mga artista, moral, o financial support kaya?

"Ang Regal, ’di siguro magiging problema ni Mother ang pera. Oo, at ang RP Productions [named after his brother Rommel Padilla], hindi magiging problema ang shooting kasi kumpleto kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mula sa camera hanggang sa online, off-line, editing, coloring. Lahat ’yan, mero’n kami niyan. Wala kaming problema.

"Sa scheduling ng mga artista, ayaw naman nating maghulog [o, manlaglag] ng mga kaibigan natin.

"Wala rin naman akong nakitang... smooth lahat, e.

"Nagkaroon lang ng palitan ng mga salita na para sa ’kin, bad vibes yun. Christmas pa naman," tawa pa niya na ang alam naming tinutukoy niya ay ang diskusyong namagitan sa kanyang manager na si Betchay Vidanes at ni Gov. ER Ejercito.

"Kasi ang katotohanan niyan, bago lumabas yung isyu sa PEP, nagmi-meeting kami no’n.

"Sa katunayan kausap naming yung Makati para do’n sa... Nagpapasalamat po pala ako sa local government ng Makati sapagkat pumayag po sila na ipasara yung Ayala [Avenue] para do’n sa aming [eksenang] car chase.

"Yun yung umaga. Oo, at no’ng hapon, ready na kami mag-first day shooting. At no’ng gabi, naiba na lahat.

"Oo, kasi nagkaro’n ng mga pagtatalo ng mga kaibigan. Medyo nagkaroon na ng mga gano’n.

"Sabi ko, ’ayaw ko ng ganito. Ayaw ko na yung mga dating magkakaibigan nagkakaroon ng [’di pagkakaunawaan].’ Ayoko no’n.

"Ako na mismo no’ng gabing yun, dumiretso na ’ko kay Mother.

"Pumunta ko sa Imperial [Palace], sinabi ko kay Mother, ’Mother, itong pelikulang ’to gagawin ko, una para sa anak ko.

"Para kay Kylie ’to, kasi gustung-gusto ko na siyang mai-launch bilang isang action star. Pangalawa, ayoko ng kaaway.’

GENTLEMAN TO GENTLEMAN. Si Governor ER ba, nagkausap na rin ba sila?

"Oo, kagyat yun. Tinawagan ko siya, tinanong ko siya, ’pare ko, ano ba yung announcement na yun? Na parang ang sabi mo, e, hindi kami aabot [sa deadline of entries].’

"Sabi niya, ’hindi. Hindi ko sinabi yun. Ang sabi ko, mero’n pang mga hindi nagsu-shooting,’ sabi nga niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kami nga yun [binabanggit]. Tapos, sabi ko sa kanya, ’e, hindi naman ibig sabihin na, ’di ka nagsu-shooting, e, hindi ka aabot [sa deadline].

"Kami kampante. Kampante kami, na kami aabot.

"At ang aming pelikula, e... naniniwala kasi ako sa mahabang pre-production. Sa akin, importante sa akin ang kumpleto ang script.

"Kumpleto ang requirement. Pagdating ng shooting hindi tayo magtatalo sa shooting. Yun ang number one sa ’kin.

"Ngayon ang nangyari, lumaki. Nagtalo naman silang dalawa [his manager and ER] no’ng aming kaibigan.

"No’ng mangyari yun, sabi ko, ’di ako pupuwedeng kailan man’... ang babaw para magkaro’n ng ano... para magkaroon ng ’di pagkakaintindihan para lang diyan. Naku...

Ayon pa rin sa artikulong lumabas dito sa PEP, ang sinabi naman ni Gov. ER Ejercito, ay baka kapusin na ang kampo ni Robin ng panahon para mas pagandahin ang kanilang pelikula.

Sa tingin din ni Gov. Ejercito ay ’di naman papayag si Robin na minadali at hindi "quality film" ang kanilang entry sa MMFF.

"Oo, lahat naman ng artista ’yan ang gusto. Lalo na una yan, e. Una ’yan ni Rommel [utol niya].

"Kasi sa kanya yung RP Production, e. Sa utol ko. ’Di siya papayag. Pero siyempre, pag inumpisahan kasi ng mga gano’n, ayaw ko na, e.

"Hindi naman ako naniniwala sa pamahiin ano. Pero, bilang tao, e, napakapangit mag-umpisa na may nagtatalo."


ALJUR’S SCHEDULE? May mga balita rin na malamang na ang pagpasok ni Aljur Abrenica sa Amaya ang isang rason.

Mas magiging mahirap para sa binatang nali-link sa kanyang anak na si Kylie na magkaroon ng panahon para sa shooting nila ng Mr. Wong kasi nasa isang daily epicserye ito.

Si Aljur kasi ang katambal ng dalaga niyang si Kylie sa pelikula nila.

"A, hindi naman. Ano, ’wag naman nating sisihin si Aljur. Ang katotohanan niyan, e, noong sinabi sa akin na may problema kay Aljur, sinabi ko kaagad kay Mother Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mother Lily tinawagan agad si Annette[Gozon-Abrogar of GMA-7]. Nakakatuwa naman ang reaction ng Channel 7.

"Bibigyan nila kami ng araw [na ilalaan ni Aljur para sa shooting ng Mr. Wong]. Hindi usapin ang... hindi problema si Aljur.

EARLY NEXT YEAR’S OFFERING? Pero, nagdesisyon man si Robin na huwag nang isali ang Mr. Wong sa MMFF ngayong taon, may aabangan naman ang kanyang fans dahil itutuloy pa rin daw ang paggawa ng nasabing movie.

"Yun na lang ang naging desisyon namin ni Mother Lily. Ang sabi ko sa kanya, ’Mother, mas maganda yung wala tayong kaaway, tapos napaganda pa.’

"Sabi ni Mother, ’sige, sige. Mero’n akong playdate ng Araw ng Mga Puso.’ Sabi ko, ’mas maganda tayo diyan, Mother. Oo, Mas gusto ko ’yan.’

"’Ngayon, tulungan mo na lang akong maningil,’ kako. ’Kasi baka ma-forfeit yung pera ko diyan [sa MMFF committee],’ na ang tinutukoy ni Robin ay ang depositong 500 thousand pesos na idinedeposito ng bawat kalahok na pelikula sa MMFF committee.

Ito rin bale ang gagamitin sa pagpo-produce ng entry film. Since hindi na matutuloy ang pagsali ng Mr. Wong at pelikula na ni Gov. Ejercito ang papasok, nais ni Robin na sa kanya na ibigay ng gobernador ang pera.

I WANT MY MONEY BACK! Kung iisipin kasi, magbabayad din naman ang Asiong Salonga film ng seed money.

"E, Governor, personal kong pera yun. Sana, personal mo ring pera ang ibalik mo sa akin.

"Ako’y maggi-give in para sa ’yo dahil kaibigan kita pare. At alam mo yun na sabay tayong nag-umpisa. Sabay tayong nasa ilalim ni Elizabeth Vidanes [his manager].

"Sana, mahal kong governor, isoli mo pera ko. Personal kong pera yun," napapatawa niyang sabi.

Wala namang katotohanang napolitika siya kaya ’di na siya sasali sa MMFF?

"Ay hindi po. Wala namang politika. Wala. Wala. E, di rin naman ako papayag. Ako ang unang-unang... Ako’y ’di po papayag na naaapi. Sa pagkakataong ito’y wala pong inapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa usapin po ng pagiging magkaibigan, ’di baleng ako ang magsakripisyo. ’Wag lang pagtalunan yung ganitong bagay," nakangiti niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN