Annabelle Rama confirms on Twitter she has received subpoena from Nadia Montenegro’s lawyer on October 17

Muling naging aktibo sa Twitter si Annabelle Rama ngayong linggo dahil sa panibagong update sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montenegro sa kanya. Ayon kay Annabelle, nag-uumpisa pa lamang siya sa kanyang mga "pasabog" tungkol sa mga "baho" ni Nadia.


Naging tahimik ang showbiz patungkol sa isyung Annabelle Rama versus Nadia Montenegro matapos ang huling pahayag ni Nadia sa Startalk TX noong October 8. (CLICK HERE to read related article)

Subalit muling uminit ang usapan ngayong linggo sa social networking site na Twitter dahil sa ilang maaanghang na tweets ni Annabelle patungkol kay Nadia.

Noong October 17 ay nag-post si Annabelle na natanggap na umano niya ang subpoena mula sa lawyer ni Nadia.

"...excited na ako sumagot. Tingnan ko lang kung hindi siya mawindang sa mga isasagot ko..."

Bumuwelta naman si Nadia ng magkakasunod ding tweets:

"See you in COURT, badminton court.!!! Im sure!! Im sure!! Im sure!!! Im sooo ready. Are u??? Lets play ball!!!!!!"

"See you in COURT!! Tennis court! Cant wait to score an ace."

"Blah...blah..blah...blah...blah...blah...!! Blah...blahhh..blahhh blahhh...blah!!! Daming satsat!"

Nang sumunod na araw, October 18, ay muling nagpasaring si Annabelle kay Nadia:

"Sabi mo puro ako satsat? Bakit nasasaktan ka ba sa mga pasabog ko? Kulang pa yan, nag-uumpisa pa lang ako.

"Unti-untiin ko ang mga hawak hawak kong mga baho mo! Kasing baho ka ng baboy. Hahahaha naiinis ka na?"

"Hoy tabaching ching sabi mo sa twitter i’ll see u in court. ito sagot ko. Halika magkita tayo sa badminton court ngayon para gawin kitang bola.

"Hampas-hampasin ko yung ball at may kasamang sipa pak pak pak! Stupid!"

Sunud-sunod din ang tweets ni Nadia noong araw na iyon, na nataong araw din ng 23rd wedding anniversary nila ni Boy Asistio.

Bagamat walang direktang pagbabanggit sa pangalan ni Annabelle, tila sumasalamin sa kanyang saloobin tungkol sa naturang isyu ang kanyang mga mensahe.

"Kaawaan ka ng diyos!!! Sana kaawaan mo din sarili mo."

"Not as hard as a diamond but strong enough to win the FIGHT."

"I wil overcome any opposition I face. I am strong in d Lord nd in d power of Ur might"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He wil give u all d strength u need to fight d gud fight of faith! He is my witness!"

Hanggang kahapon, October 19, ay tuloy pa rin sa pag-post ng tweets si Annabelle tungkol kay Nadia.

"Ang kapal talaga ng mukha mo PIG!! U denied signing d managerial contracts of ur e kids 6yrs old and 4yrs old."

"Ibig mong sabihin finorge ko signature mo? Hoy abnormal di ko pinangarap gayahin ko signiture mo walang value! Pwe! Kadiri ka taba!"

"Reminder piggy baka nakalimutan mo, nagpunta ka sa old office ko sa edsa, minamadali mo secretary ko iprepare ang contracts sa mga anak mo"

"Dumating ka sa office 4pm dala mo lahat ng biik mo umorder ka ng 4 large pizza hanggang umabot ka ng 6.30pm"

"Lumamon ka na naman ng buffet sa salt and pepper before ka mag sign ng contract di ka pa nakuntento nagorder ka pa ng take out dahil ipakain mo sa asawa mo."

"Kung di mo pa maalala pls contact mental hospital magcheck in kana para ayusin maluluwag mong turnilyo! Idiot!"

Muli, walang naging direktang sagot si Nadia sa kanyang Twitter maliban sa pag-post ng ilang inspirational quotes.

"sometimes when you are mad, you have the right to be mad. you dont have the right to be cruel."

"RUDENESS is the weak person’s imitation of strength -eric hoffer"

"Rumors are carried by HATERS, spread by FOOLS and accepted by IDIOTS."

Ngayong araw ay direktang binanggit ni Annabelle ang pangalan ni Nadia sa kanyang mga tweets.

"Nadia Montenegro, magbayad ka ng utang mo sa akin, kunin mo itong hikaw mong sinangla sa akin ng 150K 3years ago...

"D ko kailangan itong bato kasing laki ng muta mo. Pati yung inutang mo sa akin pangbayad ng catering sa debut ng anak mo...

"Nag advance kpa sakin sa sweldo ng anak mo pambayad ng ilaw mo dahil mapuputulan ka na. Yun pera inutang mo sweldo ng mga employees ko Utang na loob mag bayad ka na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa mga akusasyong ibinabato ng kampo ni Annabelle laban kay Nadia, tila malayo pa ang itatakbo ng iringang ito.

Sundan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang updates tungkol sa kontrobersiyang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN