Former Senator Ramon Revilla, Sr. receives Lifetime Achievement Award from 33rd CMMA

Former Senator Ramon Revilla, Sr. on his CMMA award: "Maraming salamat sa Lifetime Achievement Award na ito. Sa kabila ng aking kalagayan ay binigyan niyo pa rin ako ng ganitong award. Salamat sa mga apo ko na kinantahan ako."


Matagumpay na nairaos ang 33rd Catholic Mass Media Awards Night (CMMA) na ginanap sa San Carlos Seminary Auditorium, EDSA, Guadalupe, Makati City kagabi, Oktobre 19.

Hosts ng nasabing awards night sina Anne Curtis at Vhong Navarro.

Nag-perform ang Good Vibes stars na sina Sam Concepcion, Enrique Gil at ilang PBB teen-ex housemates bilang panimulang dance presentation.

Nagbigay ng mensahe ang guest of honor na si Vice President Jejomar C. Binay na noon pa man ay suportado na daw niya ang CMMA.

Isang surprise award naman ang ibinigay sa honorary chairman ng CMMA na si Cardinal Gaudencio Rosales. Pero, bago iginawad ang parangal ay inawit ni Jed Madela ang "I Believe" bilang alay sa cardinal.

Kinanta ni Angeline Quinto ang kanyang awiting "Patuloy ang Pangarap," na pinarangalan bilang Best Secular Song.

Isa sa mga tampok sa nasabing programa ay ang paggawad kay dating Sen. Ramon Revilla, Sr. ng 33rd CMMA Lifetime Achievement Award.

Si Sen. Bong Revilla, Jr. ang nagtulak ng wheel chair at umalalay sa kanyang ama papuntang stage para tanggapin ang award. Si Ms. Susan Roces naman ang naatasang magbigay parangal para sa dating actor at public servant.

Madamdamin ang tagpong inawitan si dating Sen. Ramon Revilla, Sr. ng kanyang mga apo, sa pangunguna ni Jolo Revilla na pinili ang kantang pinasikat ni Carol Banawa, "Iingatan Ka."

Halos mapuno ang stage ng Revilla Clan para suportahan ang puno ng kanilang pamilya sa pagtanggap ng award.

Bagama’t mahina na at naka-wheelchair na si Sen. Revilla, Sr. ay nagbigay pa rin ito ng mensahe matapos niyang tanggapin ang kanyang award.

Gumagaralgal at lumuluhang sambit nito, "Maraming salamat sa Lifetime Achievement Award na ito. Sa kabila ng aking kalagayan ay binigyan nyo pa rin ako ng ganitong award. Salamat sa mga apo ko na kinantahan ako."

Nagkaroon naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam si Sen. Bong Revilla, Jr. kung ano ang masasabi niya ukol sa parangal na iginawad sa kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo naiiyak ako. Nakakatuwa naman ang pagbibigay nila ng recognition sa aking ama.

"Siya naman ang pinagmulan ng lahat [ng aming narating], as an actor, pagiging isang public servant at yung pagiging tapat namin.

"Siguro, kailangan nating ipagpatuloy ang sinimulan niya. Sa tinagal-tagal niya sa public service, walang bahid na dungis yun," pagmamalaki pa nito.

"Walang kaso ng graft and corruption laban sa aking ama.

"Talagang maipagmamalaki namin siya. Yun ang isang pamana na iiwan nya sa amin na dapat naming ipagpatuloy."

Narito ang mga nagwagi ng parangal sa 33rd Catholic Mass Media Awards.


2011 CMMA Television Winners:


Best News Magazine Show - State of the Nation With Jessica Soho (GMA News TV)
Special Citation for Best News Magazine - Patrol ng Pilipino (ABS-CBN)
Best News Program - 24 Oras (GMA-7)
Special Citation for Best News Radio Program - Super Balita Sa Tanghali Nationwide (DZBB/GMA-7)
Best Special Event Coverage - TV Patrol (ABS-CBN)
Best Special Event Coverage - Tsunami of USI (TV5)
Best Educational Program (TV) - I-Witness Episode, Pasan-Pasan (GMA-7)
Best Educational Program (Radio) - Ikaw Na Ba? Presidential Interview - DZBB (GMA-7)
Special Citation for Best Adult Educational Program - Born To Be Wild (GMA-7)
Best News Commentary (TV) -Tambalang Failon at Webb (ABS-CBN)
Best Public Service Program (TV) - Unang Hirit (GM-7)
Best Children and Youth Program - Wansapanataym (ABS-CBN)
Special Citation for Best Children and Youth Program - Tropang Potchi (GMA-7)
Special Citation for Best Public Service Program - Public Attorni (TV5)
Best TV Production - Mata Mo, Paa Ko (Documentary) of Letran
Best Station ID - Ngayong Pasko, Magniningning ang Pilipino (ABS-CBN)
Best Entertainment Program - Party Pilipinas (GMA7)
Best Entertainment Program - US Girls (Studio 23)
Best Comedy Program - Pepito Manaloto (GMA-7)
Best Talk Show - Mel and Joey (GMA-7)

2011 CMMA Radio Winners:


Special Citation for Special Event Coverage - DZMM
Special Citation for Best News Commentary Program (Radio) - Bangon Na Bayan - DZBB (GMA-7)
Best Radio Drama: Dear Jasmin Tambayan 101.9 (WRR)
Best Radio News Program: Radyo Patrol Balita Alas-Dose ni Julius Babao (ABS-CBN)
Special Citation: Usapang Kapatid (DZMM)
Best Counseling Program: Dr. Love (DZMM)
Best Public Service Program (Radio) - Aksyon Oro Mismo - DZBB (GM-7)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

2011 CMMA Music Winners:


Best Secular Song: "Patuloy ang Pangarap" ni Angeline Quinto (ABS-CBN)
Best Secular Album - "Ngayon at Kailan Man" by Ogie Alcasid (GMA7)
Best Inspirational Song & Best Inspirational Album: "Sa ’Yo Lamang" ni Ms. Jamie Rivera ng Star Records
Best Music Video: "Handog ng Pilipino sa Mundo" (Star Records)

2011 CMMA Film Winner:

Best Picture - Sa ’Yo Lamang (Star Cinema)

CMMA Hall of Fame Awardees:

Best News TV Program - TV Patrol
Best Magazine TV Program - Rated K
Best Radio Drama - Maalaala Mo Kaya sa DZMM
Best News Radio Program - TV Patrol sa DZMM


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN