Nikki Gil still wears "purity ring" after three-year relationship with Billy Crawford

Nikki Gil on skeptics about her stand to remain a virgin until marriage: "Hindi ko naman trabaho na kumbinsihin silang birhen ako. Kung ayaw nilang maniwala, ’di huwag! Hindi naman sila ang pakakasalan ko, e."


Nakakangiti na ngayon si Nikki Gil sa tuwing matatanong siya tungkol sa kanyang poser, o nagpapanggap na siya sa Twitter.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nikki sa kakatapos na Star Awards for Music, ibinalita nitong tumigil na ang kanyang poser.

"Na-off siya," masaya niyang balita kasunod ng kuwento niya kung bakit siya naimbiyerna sa kanyang poser.

"Kasi nagtu-tweet siya... ginamit niya ang picture ko. Nagtu-tweet siya.. nire-retweet niya yung mga sinasabi ko.

"Hindi naman sana ako... hindi ko sana siya pakikialaman. Kaso nagagalit na yung mga friends ko dahil,’ bakit ba doble-doble kang nagtu-tweet?’ [sabi nila]. Kaya naman pala.

"Wala naman siyang violent moves against me sa Twitter. Yun lang yung sinasabi niyang ako yung nanggagaya sa kanya.

"Pero, maraming nagsasabing naka-close na. E, blinock ko na.

"Hindi ko na pinagtutuunan ng atensiyon," kuwento niya na nagsabing maging ang kanyang boyfriend na si Billy Crawford ay nagkaroon din ng poser.

"Si Billy nagkaroon rin ng gano’n. Yun yata ang uso ngayon. Wala na yung haters, posers naman ngayon.

’Siyempre, may mga ibang nami-mislead. May mga ibang nagkakamali ng follow.

"Pag nagtu-tweet ng maling information at ’pag mero’n rin siyang nire-retweet na komento ng mga haters tungkol sa ibang artista.

"E, paano kung isipin nilang ako yun, ’di ba?" paliwanag niya.

HOW’S BILLY? Pagdating naman sa kanyang kasintahang si Billy Joe. Wala naman daw problema sa relasyon nilang dalawa, ayon kay Nikki.

Kinumpirma nga ni Nikki na aalis nga ang boyfriend patungong France sa darating na January 2012 para ipagpatuloy ang kanyang international career.

Paano na ang magiging set-up ng relasyon nila?

"Buti na lang at may mga internet, Skype. Talagang gano’n.

"Pero, let’s find out when we get there," pahayag ng magandang singer na nagsabi ring apat na buwang mamalagi ang kasintahan sa abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang ina-arrange niya na makauwi siya once in a while. But if ever, sariling gastos niya yun," paliwanag ni Nikki na nagsasabi ring maliit ang tsansang bisitahin niya sa France si Billy.

"Magastos! Pero, yun nga yung pinag-uusapan namin na makauwi siya minsan dito," saad niya.

Sa naiisip ngayon at paniniwala ni Nikki, magiging maayos pa rin ang relasyon nila ni Billy Joe kahit malayo sila sa isa’t isa.

"Ako naman, kahit anong circumstance na ilagay mo ang isang couple, basta gusto nilang parehong [magtagal ang relationship nila], magwu-work at magwu-work naman yun.

"Marami naman tayong kapamilya, na kahit nasa abroad sila, mga OFW, they stay in their family.

"Napapanatili nila yung family life nila," paniniwala ni Nikki.


LONGEST REALATIONSHIP. Tatlong taon na raw ang relasyon nina Nikki at Billy. Pinakamatagal itong relasyon ni Nikki kumpara sa naunang limang buwan lang ang itinagal.

"Siguro, dahil mature na siya. Tapos na siyang maglaro, feeling ko."

So, siya ang nagpatino sa kanya?

"Hindi naman siguro. Dumating na siguro siya sa point na hindi na siya bagets na bagets.

"Parang oras nang magseryoso sa buhay. Nagkataon lang na ako ang nandiyan nong dumating siya sa puntong yun," esplika ni Nikki.

LUCKY GROOM-TO-BE? Hinanap namin ang "purity ring" ni Nikki. Ipinakita naman niya ito sa amin na suut-suot sa kanyang daliri.

Sabi nga niya, hindi raw niya kailanman tinanggal sa daliri ang singsing kahit marami ang nag-react sa kanyang paninindigan.

Ang "purity ring" na ito ni Nikki ay naging kontrobersyal dahil ito ang simbolo ng pagiging virgin pa rin niya hanggang ngayon.

"Hindi ko naman trabaho na kumbinsihin silang birhen ako. Kung ayaw nilang maniwala, ’di huwag!

"Hindi naman sila ang pakakasalan ko, e," nangingiti niyang pahayag.

"Hindi naman kailangan lahat gumaya. Hindi naman ako namimilit ng tao. Yun lang ang akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ring natanggap na kung anu-anong negative comments si Nikki mula sa kung sinu-sino dahil sa kanyang paninindigan.

"Sinasabi nila na nang-e-echos lang raw ako. Yun nga, at the end of the day, kayo ba ang pakakasalan ko?

"Hindi naman, ’di ba? So, wala na akong ano [pakialam] doon."

Wala pang maisagot si Nikki kung kailan siya pakakasal, o kung si Billy na ba lalakeng kanyang makakasama habang buhay?

"Hindi natin alam. ’Di natin masabi," tugon niya na umaming napag-uusapan na rin nila ng boyfriend niya ang tungkol sa kasal.

"Siyempre, napag-uusapan ’yan. Lahat naman ng mga couples na matagal nang nagdi-date napag-uusapan yan. Pero sa ngayon, wala pa."

BORING LOVELIFE? Nag-comment na rin si Nikki sa nagsasabing boring daw ang kanilang relasyon ni Billy.

Nauna nang nagpahayag ng kanyang reaksiyon si Billy tungkol dito. May yamot ang mga pahayag ng international singer tungkol dito.

"Oo nga daw, e. Wala naman akong magagawa. Hindi naman ako lumaki sa industriyang ito.

"Recently na lang. I don’t mind na hindi pinag-uusapan ang relationship namin.

"Feeling ko nga, yun ang rason kung bakit kami nagtagal."

Napikon ba talaga si Billy sa isyu?

"Hindi naman. Very passionate lang yun sa mga bagay-bagay.

"Ma-express lang siya. Hindi naman siguro napikon. Hindi, kasi siyempre, ’pag na-issue ka, ayaw mo.

"Pag walang issue, mali pa rin. Saan nga naman lulugar yung tao, ’di ba?"

"Siguro kung may pikon or yamot factor doon sa reaction niya, baka may pinanggalingan yun.

"Ako naman, sa akin, saan ka lulugar? Minsan pinag-uusapan ka? Minsan hindi," patuloy ni Nikki.

TAMING BILLY. Kahit sinasabi ni Billy na malaki ang ipinagbago niya mula nang maging kasintahan niya si Nikki, ayaw kunin lahat ng magandang singer-VJ ang kredito sa pagbabago ng boyfriend.

"Ako naman, kaya nakita yung change na yun dahil ginawa niya yun for himself, hindi para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko, kahit magkahiwalay kami, huwag naman sanang mangyari, he will still be the same way.

"Na yung mga bago niyang na-acquire na good habit manatili yun sa kanya."

Alam ni Nikki na dadaan sa pagsubok ang relasyon nila ni Billy kapag nasa France na ito.

Hindi naman daw sarado ang utak niya sa kung anuman ang mangyari sa kanila ng international star.

"Well, hindi mo naman maiwasan. Pero ang importante sa akin, yung tiwala.

"Hindi yung lagi mo siyang susubaybayan na, ’o, saan ka? Hanggang anong oras ka diyan? Nasa labas ka ba? Saan ka pupunta?’ Hindi naman ganon.

"Sa tingin ko, kung ikaw ay mabuting tao, wala kang ginagawang masama, wala kang inaapakan, ’etong mga bagay na ito na mero’ng something [kalokohan], basta na lang darating sa iyo pag niloloko ka," paniniwala niya.

OKAY TO DO CONTRAVIDA ROLES. Pagdating naman sa career ni Nikki, wala pa itong maibigay na katiyakan kung kailan siya aarte uli?

"Nasabak ako sa teatro. E, na-enjoy ko. ’Pag teleserye, nakakangarag ng voice, ’di ba [dahil sa puyatan]?

"At saka wala ring suma-swack. Uso kasi ngayon yung mga mature na ano... Yung kontrabida naman, go ako diyan.

"Pero, wala pa kasing puwedeng pumasa sa panlasa ko. ’Pag mero’n malalaman rin naman ninyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN