Geoff Eigenmann proud of girlfriend Carla Abellana’s achievements as an actress

"Yes, she knows and we talk about it and she’s supportive. Actually, I’m looking forward to it," says Geoff Eigenmann when asked if it’s okay with Carla Abellana for him to work with then-rumored girlfriend Heart Evangelista.


Pinatotohanan ni Geoff Eigenmann kung gaano kalapit sa kanyang pamilya ang girlfriend na si Carla Abellana.

Noong nakaraang concert kasi ni Janno Gibbs sa Music Museum last Saturday, October 15, katabi ni Carla ang mommy ni Geoff na si Gina Alajar habang nanonood.

Ayon kay Geoff, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after ng concert, "We are all in one row. Actually, sila nga ng mom ko ang magkatabi.

"Okay naman. Carla is very welcome in our family.

"Kita n’yo naman, she’s also very comfortable with everyone."

TRUST FOR CARLA. Nilinaw rin ni Geoff na hindi raw siya kailangang pagpaalaman ni Carla pagdating sa pagtanggap ng mature at daring roles, gaya ng ginampanang papel ng aktres sa My Neighbor’s Wife.

"Wala. Wala rin akong restriction.

"At alam ko rin naman that some scenes maybe delicate on screen, but it’s gentle kapag gagawin na nila ang eksena.

"But the trust is always there at ang communication, hindi nawawala yun.

"Napag-uusapan namin lahat, so no problem."

Very proud din daw si Geoff kay Carla dahil sa nakita nitong malaking improvement pagdating sa pag-arte mula noong gawin nila ang Rosalinda.

Ayon nga kay Geoff, "From what she achieved since she started until now, marami na siyang natutunan.

"The awards have proven what she’s capable of."

Si Carla ang napiling Best Performer ng Young Critics’ Circle para sa pagganap niya sa "Punerarya" episode ng Shake Rattle & Roll XII.

Kung si Carla ay tumatanggap na ng mature at daring roles, si Geoff ba ay wala pang plano to go sexy?

"May gatas pa nga ako sa labi!" natatawa niyang biro.

"I guess, hindi rin naman pwedeng mag-teeny-bopper roles pa rin ako.

"Ang pangit namang tingnan no’n na naka-short shorts pa rin ako.

"Although siyempre, mature roles, mature ka rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOTH READY FOR MATURE ROLES? Kapag magtatambal ulit sila ni Carla, pwede kayang mas mature naman ang tema ng kanilang gagawin?

"Why not?" sagot ni Geoff.

"I’m sure it would be a challenge, not only for our relationship, but for us—as individuals also.

"Kasi, kung maa-achieve ba namin na hindi kami couple, or iba ang relationship na maipapakita namin for that movie, for that show."

Naniniwala si Geoff na nakakatulong daw sa relationship nila na hindi sila magkasama palagi sa mga project dahil nagkakaroon sila ng chance to miss each other.

"Sometimes kasi, it’s good din na nagkakahiwalay rin kayo. Give each other time. Miss one another.

"So, that’s a good thing," sabi niya.

REUNION WITH HEART EVANGELISTA. Isang primetime series ang sisimulang gawin ni Geoff sa GMA-7 na balik-tambalan nila ni Heart Evangelista, ang Legacy.

Pero ayon sa aktor, "We don’t even have the storycon yet. So, naghihintay lang, waiting.

"But we’re gonna start taping this year, pero ang airing, next year na.

"So, so far, wala pa akong idea [kung ano ang kuwento]. Ang alam ko lang, kung sino ang mga makakasama ko and who will direct it."

Balik-tambalan sila ni Heart, napagkukuwentuhan ba nila ni Carla ang tungkol dito?

"Yes, she knows and we talk about it and she’s supportive.

"Actually, I’m looking forward to it. Marami na hindi ko pa nakatrabaho. Si Lovi [Poe], I never got chance to work with her.

"Si Eddie Garcia rin, first time ko silang makakatrabaho.

"Si Heart lang ang sanay akong makatrabaho with that group [cast of Legacy].

"So, I’m looking forward to it. A lot of big names have been announced na that will be part of the cast.

"So, I’m really excited."

DAD’S WEDDING. Kumusta naman ang naging kasal ng ama niyang si Michael de Mesa sa Amerika na pinuntahan nilang tatlong magkakapatid last month?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay naman. It was good. It was [a] small affair. Family, very few friends [attended]. It was a success."

Happy siya for his dad?

"Yes, of course. Why shouldn’t we, or ako? Why shouldn’t I be happy for my dad?

"Kung masaya siya, that’s always a good thing."

Siya na raw ang susunod ikakasal?

Natatawang biro naman ni Geoff, "Ows? Talaga? Sponsor n’yo?"

Sabay sabing, "Inuunahan ninyo kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN