Angeline Quinto wants to be a godmother to Regine Velasquez-Alcasid’s son

Angeline Quinto on her rise to fame: "Sa totoo lang po, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Kung anuman po yung mga nagiging reaksiyon ng mga tao na nagugulat sila, mas doble po yung pagkakagulat ko sa mga nangyayari."


Ang bagong karangalang natanggap ni Angeline Quinto mula sa Star Awards for Music—sa kategoryang Song of the Year para sa awitin niyang "Patuloy Ang Pangarap"—ay isang patunay sa maayos na daloy at pag-akyat ng kanyang career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline, sinabi naming parang inilalatag na lang sa dinadaanan niya sa showbiz ang magagandang oportunidad na tinatamasa niya ngayon, matapos ang pagwawagi niya sa Star Power ng ABS-CBN.

Marami rin ang nagsasabing siya na ang susunod na importanteng talent ng ABS-CBN dahil sa efforts ng istasyong pasikatin siya at gawing malaking pangalan sa showbiz industry.

Kinikilig man sa naririnig na komento, ayaw raw ni Angeline na ipasok sa ulo niya ang sinasabing pagsikat niya.

"Hindi ko po kasi iniisip yun, e. Baka po sabihin ng mga tao lumalaki na ang ulo ko.

"Sa akin po, kung sino ang Angeline Quinto dati, ganun din po hanggang ngayon.

"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga blessings na dumarating sa akin ngayon.

"Sa totoo lang po, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa akin.

"Kung anuman po yung mga nagiging reaksiyon ng mga tao na nagugulat sila, mas doble po yung pagkakagulat ko sa mga nangyayari," pahayag ng singer.

Paano ba nabago ang buhay niya nang magkasunud-sunod ang trabaho niya?

"Marami lang pong schedules.

"Yun lang po, wala namang nagbago sa akin.

"Oras lang po talaga para sa family. Yun po," tugon niya.

SARAH GERONIMO. Bagamat matagal nang sinasabi ni Angeline na walang isyu sa kanila ni Sarah Geronimo, hindi pa rin matapus-tapos ang pang-uurirat sa kanya ng press tungkol dito.

Dahil baguhan, walang magawa ang premyadong newbie singer na sagutin ang tanong kung okey sila ng Popstar Princess.

"Mabuti naman po kami ni Sarah," giit niya.

"Hanggang ngayon, talaga pong... Si Sarah kasi ay isa sa mga taong nilalapitan ko kapag may problema po ako. Tini-text ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko pong pinagdaanan din po lahat ito ng Sarah kaya naiintindihan niya po ako."

Wala naman daw talagang isyu sa kanila ni Sarah, pagpapatunay pa ni Angeline.

"Kahit noon pa naman po. Si Sarah po kasi, sa totoo lang...

"Eto po, hindi alam ng mga tao na si Sarah po ang kauna-unahang taong nag-welcome po sa akin sa ASAP simula po nong nanalo ako sa Star Power."

Inamin naman ni Angeline na nakatikim din siya ng pambabatikos mula sa iba na hindi naman niya matukoy kung kaninong fans ito—kung kay Sarah ba o sa ibang singers.

"May mga naririnig po ako. Pero hindi po ako mahilig mag-ano sa Facebook, kasi wala naman po akong Facebook [account].

"Sa Twitter, meron po. Pero ang tagal na pong hindi nabubuksan yun. Hindi po kasi ako mahilig magbukas.

"Siyempre, ayoko naman pong isipin yung mga ganong bagay dahil baka makaapekto lang po sa akin yun," paliwanag niya.

REGINE VELASQUEZ. Hindi lang kay Sarah ang pinagdaanang isyu ni Angeline kundi ang bansag na "bagong superstar" na ibinigay sa kanya ni Regine Velasquez. Ito ay nagsimula nang mag-guest ang Asia’s Songbird sa unang major concert ni Angeline sa SM Skydome noong July. (CLICK HERE to read related story.)

Nag-react ang ibang mga fans ng Superstar na si Nora Aunor dahil dito.

Paliwanag naman ni Angeline, "E, yun nga po, e. Ang akin lang po, si Ms. Reg po ang nagsabi no’n, ’di ba?

"Baka po tinamad lang si Ms. Reg na sabihin yung buong title na ’Pinoy pop superstar’ kaya ang nasabi lang niya ’pop superstar.’

"Yun na lang po ang isipin nila. Wala naman pong isyu na superstar ako," nakangiti niyang pahayag.

Tungkol naman sa nalalapit na panganganak ni Regine, excited na rin daw si Angeline na makita ang first child ng hinahangaan niyang singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinukumusta raw ni Angeline si Regine sa pamamagitan ng mga text messages niya sa Songbird.

"Hanggang kumusta-kumusta po. Ayaw ko naman pong laging nagti-text dahil baka makulitan naman siya sa akin," sabi ni Angeline.

Umaasa raw si Angeline na maging godmother ng unang anak nina Regine at Ogie Alcasid.

"Iniisip ko nga po sana kunin akong ninang.

"Huwag naman po sanang mapili sa regalo. Kung ano lang yung kaya ko, yun na lang," nangingiti niyang pag-amin.

Dagdag pa ni Angeline, "Gusto ko pong maging ninang, pero kung hindi naman po, okey lang naman."

Gusto raw sanang mag-prisinta ni Angeline na maging ninang sa pamamagitan ng text, pero hindi raw niya itinuloy.

"Nahiya po ako, e. Baka marami na pong ibang ninong at ninang, ’di ba?" sabi niya.

Kung sakali raw na kunin siya, ito raw ang unang pagkakataong mag-aanak siya ng binyag sa isang showbiz couple.

"Marami na po akong inaanak doon sa lugar namin, pero ngayon lang ako magkaka-inaanak na artista ang nanay at tatay, ’di ba?" kinikilig niyang sabi.

TRIBUTE TO NORA. Nong nakaraang Star Awards for Music, isa si Angeline sa nagbigay ng tribute kay Nora Aunor sa pamamagitan ng pag-awit ng mga pinasikat na awitin ng award-winning actress and singer, kasama si Jed Madela.

Nakaramdam daw ng kaba si Angeline.

"E, kasi si Ms. Nora Aunor, bata pa po ako, kilala ko na siya. Hinahangaan po siya ng nanay ko at saka ako po.

"Siyempre, pangarap ko pong maging isang Nora Aunor rin.

"Sana po, pagdating ng araw po," asam niya.

NO SUITORS. Natatanong din si Angeline tungkol sa lovelife niya. Mabilis namang sinasagot ito ng dalaga na walang nanliligaw sa kanya at wala siyang balak mag-entertain ng suitors.

Itinanggi niyang may namumuong special bonding sa kanila ni Sam Milby.

"Wala pong gano’n," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakaka-text ko lang si Sam bilang kaibigan po at kasama po sa ABS-CBN, ’tsaka sa ASAP.

"Nakaka-text ko po rin si Erik [Santos]. Ganun lang po."

Samantala, nakapagsimula na raw ng shooting si Angeline para sa unang pelikula niya na pinamagatang You Light Up My Life, na tinatampukan din ni Coco Martin.

Hindi pa alam ni Angeline kung kailan ito ipalalabas, pero sa pagkakarinig niya, maaaring sa unang mga buwan ng 2012 daw ito ipalabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN