Iza Calzado enjoying her downtime from acting; set to attend world-class acting workshop in November

Bagamat halos araw-araw na napapanood si Iza Calzado sa Eat Bulaga!, maituturing na mas maluwag ang schedule ng aktres ngayon. Wala pa kasi siyang gagawing soap opera o pelikula hanggang matapos ang taon. Kaya naman sinusulit ng aktres ang kanyang oras upang gawin ang mga hilig niya tulad ng pagwo-workout, dance at voice lessons, at iba pa.


Kasalukuyang ine-enjoy ni Iza Calzado ang kawalan niya ng soap opera at movie projects sa ngayon.

"My last was I Heart You, Pare, technically. So, okay lang kasi I’m really enjoying this time," saad ng mahusay na aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Showbiz Exclusives noong October 19 sa GMA compound.

"Although, siyempre, the bank account says, ’Hey, do a soap,’ but it’s refreshing to have consistently good hours of sleep, to have a routine."

Inilarawan ni Iza sa PEP ang kanyang pang-araw-araw na schedule:

"I get up around 6:30 or maybe 7, 8 in the morning. And then, I do my workouts, then I’ll do Bulaga, then I’ll do everything else I need to do.

"Sometimes, I take voice lessons, sometimes I take dance lessons.

"Parang lahat ng gusto kong gawin nung dati—Encantadia, Atlantika days—I’m doing them now.

"And I feel very good about it, and it’s enriching."

ACTING WORKSHOP. Maliban sa pagwo-workout at ilang classes, sasabak din si Iza sa Stella Adler Workshop ngayong Nobyembre.

Ang Stella Adler Workshop ay isang acting workshop na pangungunahan ng dalawang sikat na international acting directors na sina Don Williams at Andrew Wade.

Tinanong si Iza ng press kung bakit magwo-workshop pa siya gayong napakahusay na niyang umarte.

"Is that the way to go about it?" balik-tanong ni Iza.

"Of course not. You always have to keep learning.

"At saka, these [directors] are theater people. One of them is from the Royal Shakespeare Academy, so [mahusay talaga]."

Balak din bang pasukin ni Iza ang teatro kaya siya magwo-workshop?

"You’ll never know. I want to do theater din at some point," sagot niya.

MERYL STREEP. Very vocal si Iza sa paghanga niya sa two-time Oscar winner na si Meryl Streep, na minsan na ring sumabak sa teatro at nagbida sa musical film na Mamma Mia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang layo-layo ko kay Meryl Streep. Kailangan kong paghirapan para lalo akong mapalapit nang mapalapit sa kanya.

"At saka, parang ang progress mo naman, kung hindi ka natututo, parang kung wala kang inaalam na bagong skill, na bagong knowledge, parang hanggang dun ka lang.

"Ayoko naman no’n. I mean, it’s one thing also to learn by doing. It’s good and that’s how I’ve learned over the years."

MOVIE WITH STAR CINEMA. Bagamat wala pang naka-linyang acting project kay Iza sa ngayon, handa naman itong tumanggap ng movie offers mula sa iba’t ibang producers.

Napapabalitang magiging bahagi raw siya ng third movie team-up nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo under Star Cinema.

Subalit ayon mismo sa aktres, wala pang konkretong desisyon ukol dito.

"Kung kailan po sila handa at kung talagang totoo na ba ’to. Naku, pangarap ko ’yang makapag-Star Cinema ulit!" pahayag ni Iza.

Ang Star Cinema ang film arm ng ABS-CBN, kunsaan ginawa ni Iza ang kanyang unang pelikula—Milan (2004).

Bago pa man makapagtanong ang press kung ayaw na niyang magtrabaho for GMA Films, agad nang nilinaw ni Iza ang nauna niyang statement.

"I’ve been wanting—and I am very vocal about this naman—I like working with other people.

"It’s not that I’m ungrateful to the network that I belong to. It’s just that, I want to work with other people. Period.

"I like to work with everybody, if possible. Parang it’s just a different feel, different vibe.

"And it’s very exciting because John Lloyd, I knew him before I was even an artista. And I’ve seen him grow so much over the years as an actor.

"And Sarah, also, I knew her when she was here [in GMA], but we weren’t close naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I’m not tied up with GMA Films. Pero, of course, with much respect naman to GMA Films, since you are under GMA, you just always have to ask them.

"Courtesy talaga. Due respect lang."

Willing din naman tumanggap si Iza ng indie projects.

"I hope at some point I’ll get to make something that will showcase [my prowess].

"Wala pa kasing offer ngayon talaga. Sa akin naman, walang problema kung sino ang producer, sino yung...

"Materyal kasi, e, wala pang materyal na gano’n kaganda.

"I hope nga, but wala pa, e. We haven’t been offered anything.

"I was offered other things before, but it wasn’t good enough for me to take it on. Parang it wasn’t tempting enough.

"Not that it wasn’t good enough, but maybe, at that time, busy rin ako so, siguro binibigay talaga ni God itong time na ’to na, you know, ’Sige lang. Maiba ka lang diyan.’"

TENTH ANNIVERSARY. Tila ninanamnam nang husto ni Iza ang panahong ito dahil halos ten straight years na rin siyang nasa showbiz.

And speaking of ten years, next year ay ipagdiriwang na ni Iza ang ika-sampu niyang anibersaryo sa entertainment business. May balak ba siyang mag-celebrate kung sakali?

"Tingnan na lang natin. Concert? Alam n’yo na... Araneta! O yung ano, MOA concert grounds!" biro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN