Jinkee Pacquiao on Kat Ordoñez issue: "Suwerte ko I’m the original, not the other woman."

Jinkee Pacquiao: "I love my husband very much. I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore after Krista [Ranillo]."


Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang mga larawan ng diumano’y binyag ng sinasabing anak ni Manny Pacquiao sa isang 22-year-old Culinary Arts student na nagngangalang Kat Ordoñez.

Pero kaagad na binigyang-linaw ito ni Kat sa phone-patch interview sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, Oktubre 16.

Aniya, ninong lamang ng kanyang anak si Manny at ang dalawa pang kaibigan nitong sina Lito Camo at Phillip Salvador. (CLICK HERE to read related article.)

Matapos lumabas ng balitang ito’y umugong naman ang usap-usapan na hindi na raw lilipad patungong Las Vegas, Nevada ang asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao para manood ng kanyang laban kay Juan Manuel Marquez.

Pero ngayong araw, Oktubre 21, lumabas sa artikulo ni Robbie Pangilinan sa philboxing.com, na panonoorin daw ni Jinkee ang laban ng Pambansang Kamao sa Nobyembre 12.

Gayunman, hindi lang ang laban ng kanyang asawa ang aasikasuhin ni Jinkee sa Amerika.

Sa Nobyembre 4 ang alis ni Jinkee papuntang Los Angeles, California, at saka lamang siya tutungo sa Las Vegas ng Nobyembre 5.

Kakausapin pa raw kasi ni Jinkee ang hotel heiress na si Paris Hilton kaugnay ng ilang business partnerships na binabalak nila.

"I’M THE ORIGINAL." Bagamat sinabi niyang manonood siya ng laban ng kanyang asawa, hindi pa rin nakaiwas si Jinkee sa intriga tungkol sa diumano’y anak ng asawa niya sa ibang babae.

Naging matapang naman ang sagot ni Jinkee sa issue.

"Suwerte ko I’m the original, not the other woman," tahasang pahayag ni Jinkee.

Dagdag pa niya, "This rumor is a distraction and a destruction.

"It will only slow [down] and hurt Manny. I don’t want him to worry."

Giit pa niya, "I love my husband very much.

"I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore after Krista [Ranillo]."

Pero natatawang pahabol ni Jinkee, "I will deal with him after the fight."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naugnay si Manny kay Krista sa kasagsagan ng training noon ng boxing champ para sa laban nila ni Miguel Cotto noong 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN