Christian Bautista says he wants to be as popular as Korean pop singer Rain

Christian Bautista joined the cast of Kitchen Musical without an audition. The producers consider him an Asian superstar because of his popularity in the Philippines and Indonesia.



Mula sa pagiging fourth placer sa ABS-CBN singing contest na Star in a Million noong 2003, masasabing malayo na talaga ang narating ni Christian Bautista.

Ngayon, hindi lang siya sikat na singer sa Pilipinas, kundi sa buong Asya.


Ang pagiging Asian superstar nga ni Christian ang dahilan ng producers ng international TV series na Kitchen Musical, kung saan kabilang sa cast ang singer-actor, kaya’t hindi na niya kailangang mag-audition para sa kanyang role sa show. Siya lang daw sa cast ang hindi sumailalim sa audition process.


Ito ang ibinunyag ni Boy Abunda sa kanyang live interview kay Christian para sa Ikaw Na segment ng late night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 21.
Nagbigay nga ng kanyang komento si Christian kaugnay ng naturang isyu.


"Siguro because of the success ng career ko sa Indonesia and dito sa Philippines. Siguro nag-fit ako dun sa role talaga kaya talagang ipinasok na lang nila ako," sabi ni Christian.


Being popular sa Indonesia, nakakalabas ba siya roon? Ano ang reaksyon ng fans sa kanya?


"Well, I’m known in Indonesia as a singer. I’m not like an actor or a TV personality. Which means they leave me alone kasi naririnig lang nila ako sa radyo, e. Pero pag nag-concert na ako at nag-promote na ako sa TV, nandun na ulit yung nakikilala nila ako."


Totoo bang may isang Japanese singer na lumapit sa kanya para makipag-duet?


"Yes, her name is Baby M. She’s one of the artists of Avex. Avex is one of the biggest labels in Japan. She went to me and we sang a duet. We sang at least two duets."


Sa tingin ba niya ay kaliga na siya ng Korean superstar na si Rain pagdating sa kasikatan sa Asya?


"A, raindrops [ako]," biro ni Christian. "No, I’m not even at the foot of Rain right now. Pero I would want to be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INVESTMENTS AND HIS MOM. Sa tinatamo niyang kasikatan, how much is he worth now?


"I don’t know. Hindi ko po talaga binibilang masyado."


Pero paano niya inaalagaan ang kanyang pera?


"I’m investing. Sa Cavite po ay nag-invest ako in property, yung mga foreclosed property sa bangko. Yun ang binili ko."


Kabilang nga sa investments ni Christian ang mga paupahang bahay na ipinatayo niya.


Noong isang taon na-diagnose ang mommy ni Christian ng pagkakaroon ng breast cancer. Kumusta naman ang kanyang mommy ngayon?


"My mom is good. Nag-one year na siya na nag-celebrate ng cancer-free. Praise God. So, it takes siguro five years to fully recover."



REINVENTION. Sumunod namang napag-usapan ang pagiging sexy ni Christian ngayon. May conscious move ba siya sa pag-reinvent ng sarili niya?


"Well, yes. After eight years of being a thin boy, it’s time to reinvent [myself] to excite the fans a little bit. Kailangan talaga may conscious effort ka to change for the better."


Kung hindi Christian ang pangalan niya, ano ang ipapangalan niya sa sarili niya?


"Something J, kasi yung mga kapatid ay Joshua and Jordan e. So, I’ll probably move Joseph first. So, Joseph Christian."

Ang tunay na pangalan niya ay Christian Joseph Morata Bautista.


May kasabihan na, "You’re only as good as your last performance."

May feeling ba siyang ganito sa tuwing magpe-perform siya abroad o dito sa Pilipinas?


"Ganun po dapat lagi ang iisipin mo kapag singer ka. Kapag nawala yung passion mo... then feeling mo kaya mo na ito, wala na, pabagsak na ang career mo."



LOVELIFE. After Rachelle Ann Go, umibig na ba siya ulit?


"Well, not yet."

Sino si Irish sa buhay niya?


"I really don’t know."


Wala raw babaeng nali-link sa kanya na may pangalan na Irish.

Maging sa Kitchen Musical ay wala siyang kilalang Irish. Maaaring nagkamali lang daw siya sa pangalan, pero desidido si Boy na alamin kung sino ang nali-link ngayon sa singer-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KITCHEN QUESTIONS.
Dahil ang Kitchen Musical nga ay may kinalaman sa pagluluto, sa pagkain at sa kusina, ang mga sumunod na tanong ni Boy ay tungkol dito.


Kung isa siyang kagamitan sa kusina, ano siya at bakit?


"Kutsilyo, dahil pag kumanta ako gusto ko ma-pierce ko ang puso mo."


Kung ulam siya, ano siya?


"A certified organic, grass-fed, grilled rack of lamb."


Sibuyas o bawang?


"Bawang, she’s a friend of mine."


Caviar o bagoong?


"Bagoong, Pinoy po tayo."


Steamed rice o fried rice?


"Steamed rice para mas healthy."


Suka, toyo o patis?


"Toyo, kasi minsan tinotoyo tayo."


Steak, anong luto ka?


"Angus beef medium-rare."


Kung isda ka, fried, paksiw o nilaga?


"Nilaga."


Pinakbet o chopsuey?


"Chopsuey, maraming pwedeng gawin."


Kung siya ay isang kanta, ano siya?


Pakanta ang naging sagot ni Christian ng signature hit song niyang "The Way You Look at Me."

"Why? Because I don’t know why eight years na po ako dito, there’re so many good-looking people, better singers, but still, the fans love me and appreciate me. And I love them for that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN