Governor Vilma Santos on proposed signage on Taal Volcano: "To attract [tourists]—iyon ang intensyon. But again, na-misinterpret."

"Ang enhancement kasi ng tourism program namin, gusto naming i-focus sa Taal [Volcano]. Alam n’yo ang ibig ko sabihin? Kayamanan namin ang Taal, di ba?" says Batangas Governor Vilma Santos.

"So ang intensiyon niyan is for Taal na kapag pupunta ang mga turista, alam nilang nasa Batangas tayo. Tama? Ni hindi pa nga alam kung letra ng [pangalan] na ’Batangas’ o ’Ala, eh!’ [ang ilalagay] e. It was just napag-u


Aware si Governor Vilma Santos sa maingay na kontrobersiya ngayon tungkol sa napabalitang plano niyang paglagay ng ga-higanteng signage na "Batangas" sa isang parte ng Taal Volcano na kasing-laki ng signage na "Hollywood" sa Los Angeles, California.

Umani ito ng iba’t-ibang reaksiyon sa publiko partikular sa Internet. May mga pabor, meron ding bumabatikos sa kanya. Mayroong nagsabing maglagay na lang siya ng "Darna" signage sa bolkan.

Lumabas na Darna sa pelikula si Vilma Santos nuong 1970s.

Tungkol nga rito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon nang muli siyang bisitahin sa kapitolyo ng Batangas, kasama ang ilan pang movie press.

Paliwanag kaagad niya, "Ganito yan... hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng interview [sa ilang tao niya sa provincial government ng Batangas] in the first place.

"Hindi ako ang in-interview diyan.

"Pero talagang isa ’yan sa napag-usapan na magiging plano to enhance the tourism program ng Batangas.

"Ang enhancement kasi ng tourism program namin, gusto naming i-focus sa Taal [Volcano]. Alam n’yo ang ibig ko sabihin? Kayamanan namin ang Taal, di ba?

"So ang intensiyon niyan is for Taal na kapag pupunta ang mga turista, alam nilang nasa Batangas tayo. Tama?

"Ni hindi pa nga alam kung letra ng [pangalan] na ’Batangas’ o ’Ala, eh!’ [ang ilalagay] e."

"It was just napag-usapan and for study.

"Ni hindi pa nga namin alam... puwede bang mag-construct diyan? E, bulkan ’yan?

"Wala pa ngang pondo. It was just one of those na plano to enhance the tourism program. Meron din plano na floating restaurant.

"Kasi later on mawawala ang mga fish cages diyan [sa Taal Lake surrounding the Taal Volcano]."

RESOLUTION. Pero sa napabalita, may resolusyon na raw kaugnay ang planong iyon?

"Pero again, this is very important... I truly appreciate my Sanggunian. They’ve been very, very supportive which I’m proud of.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From my Vice Governor [Mark Leviste] to my board members [kung saan kabilang ang aktor na si Christopher de Leon].

"But ang point is... itong particular na issue na ito, coming from the executive, wala pa akong hiniling na mabigyan ito ng resolusyon in support of this program.

"How can we put it in the papers at i-news natin when nothing is concrete yet. Tama?

"Kailangan kapag inilabas natin ’yan, kaya na nating i-defend. E, for study pa lang.

"But in fairness naman sa Sanggunian, sa idea na ’yon, gusto nilang ipakita na suportado nila ako.

"You know... but it was an idea pa lang. For study pa lang.

"Nothing is final.

"Kukonsultahin pa namin ang PHIVOLCS [Philippine Institute of Vulcanology and Seismology]. Kukunsultahin ang DENR [Department of Environment and Natural Resources].

"At saka ’yong historical ano diyan na... kung puwede bang magtayo.

"Bakit naging malaking issue? Na tinira na ako. Maglagay na lang daw ng ’Darna.’"

TAGAYTAY CITY. Balita rin na ang unang umaangal daw tungkol sa planong iyon ay ang city government ng Tagaytay? Parang ang dating... Tagaytay City cannot claim anymore na tourist attraction nila ang Taal Volcano.

"Pero hindi ako makikipag-away kasi kaibigan ko rin ang mayor ng Tagaytay, e.

"Huwag namang idulot ng Diyos, kung may pagputok na mangyari sa Taal, Tagaytay din ang tutulong sa amin for evacuation, e. Para safe ang tao.

"So walang bad blood. So... pinaglaruan na.

"Tapos sa Internet sinasabi lagyan na lang daw ng ’Darna.’

"Sabi ko... you know, these are destructive... pinalaki na lang nila. But again, my intentions are good. Pero masyadong nag-over-react.

"Na sinasabi ko naman... for study pa lang.

CONVERSATION PIECE. "Pero gusto ko. Sana. Isa sa plano iyon.

"Na hindi nga Batangas ang ilalagay. Na sana, ’Ala, eh!’

"Maganda sana iyon para overlooking ’yong sa Taal [Volcano] makikita mo ’yong, ’Ala, eh!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s a conversation piece [na naging tatak ng mga Batangueno].

"To attract [tourists]—iyon ang intensyon. But again, na-misinterpret. Kung anu-ano na ang idinikit.

"Pero sabi ko nga... my intentions are good. Pinalaki na ng kanya-kanyang opinyon."

Does Governor Vi still get hurt kapag may mga ganitong negatibong nasasabi against her?

"Sometimes. Tao rin ako.

"Hindi sa lahat ng panahon ay nabibigyan ka ng pagkakataon na ma-interview. And yet, nahusgahan ka na!

"You know... but that’s life. Gano’n.

"Nakakainis. But what can you do?

"Ang ilalagay ko na lang sa isip ko... as long as wala akong masamang intensiyon, hindi ako nagi-guilty sa ano pa man.

"So... ’yon lang. Iyon na lang ang panlaban ko. Iyon lang.

"But then, I’m not guilty of anything. My intentions are good.

"Ang akin lang, is just to enhance the province and to help tourism. Because mas maraming turista, mas karagdagang pamumuhay sa mga Batangueño."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN