Bianca Gonzalez on Mariel Rodriguez and Toni Gonzaga: "Pagod na pagod na ako, hearing na may away sila... Okay sila, okay talaga sila."

Magkakasama si Bianca Gonzalez (above), Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez bilang mga host sa Pinoy Big Brother, ang reality show sa ABS-CBN. Ngayong lumipat na sa Kapamilya network si Mariel, natira na lang sila Bianca at Toni bilang mga original hosts ng PBB.



Sa tampuhan na namagitan sa mga kaibigang sila Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez at sa mga isyung patuloy na kumukuwestiyon sa pagkakaibigan ng dalawa, hindi maiiwasang madamay si Bianca Gonzalez na malapit ding kaibigan nila Toni at Mariel.

Magkakasama ang tatlo bilang mga host sa Pinoy Big Brother, ang reality show sa ABS-CBN. Ngayong lumipat na sa bakuran ng Kapamilya network si Mariel, natira na lang sila Bianca at Toni bilang mga original hosts ng PBB.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bianca sa nakaraang presscon ng PBB Unlimited Edition na magsisimula na sa Oct. 29, inamin naman ng TV host na ikinalungkot niya ang pagkawala ni Mariel sa PBB pero isa itong desisyon na nirerespeto niya at sinusuportahan.

"I remember during the pictorial, may dumating na mga press and kami na lang dalawa ni Toni yung humarap...

"Actually pag humarap kami sa presscon, si Mariel ang nasa pinaka-left, ako ang pinaka nasa right and si Toni sa gitna, so definitely emotional experience siya.

"We all grow in our individual lives, mayroon at mayroong desisyon sa buhay ng isa’t-isa na kailangan naming i-handle at suportahan," ang sabi ni Bianca.

Lumikha ng kontrobersiya ang nabitawang salita ni Robin Padilla sa unang araw ni Mariel sa Wil Time, Big Time na masaya na siya dahil hindi na uuwi ang asawa na umiiyak, nagkukulong sa kuwarto at naghahanap ng psychiatrist pagkatapos ng show na Happy, Yipee, Yehey! Bagay na nagpabuhay uli sa isyung di pa talaga okay ang magkaibigang Toni at Mariel.

"People think that naman but people also know that Mariel is a very emotional girl and there’s something about her na pag masaya siya o nata-touch siya, may time talaga na iiyak siya.

"Sinabi naman niya na wala talagang malice si Robin nung sinabi niya yun and he said that as a husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagod na pagod na ako, hearing na may away sila Mariel at Toni. Okay sila, okay talaga sila, everything is okay talaga. Dahil di kami magkakatrabaho, di sila nakikitang magkakasama, nabibigyan ng ibang kahulugan even if we’re really okay," ani Bianca.

Dumalaw pala si Mariel last Sunday sa taping ng PBB Unlimited.

"Yes, last Sunday. She came from her guesting in TV5 and heto kasama si Jamie. Nagulat na lang ako na nandun na siya, Tapos dinala ko siya sa buong camp and everybody was so happy to see her.

"Like I’ve said kanina sa presscon, just because di kami magkasama sa programang ito, hindi ibig sabihin di na kami magkakaibigan. Even the staff of PBB, mahal na mahal nila si Mariel. We’re still a family."

Makakasama ni Bianca at Toni sila Robi Domingo at Martin Concio sa bagong PBB. Para kay Bianca, maganda ang nangyari dahil may bago silang ihahandog sa publiko.

"Well, yung pictorial was really the first time na nagkatrabaho kaming lahat.

"All in all, excited ako kasi iba naman. Dati, yung inaasahan ng mga tao, yung mga chikahan namin, yung sharing namin bilang tatlong babae, ngayon may ibang point of view na papasok.

"Younger, a male point of view which is very refreshing para sa amin. Hopefully, di pa sila nagsasawa sa amin ni Toni pero may bagong element na silang aabangan."

"I think the title speaks for itself —unlimited. Unlimited sa lahat ng may responsiblidad sa show na ito. Yung pinakakonsepto niya talaga, never pang nagagawa sa kahit na anong Big Brother franchise.

"Talagang mahirap intindihin, talagang shock na shock ako kasi di ko ma-imagine na posible pala yun. I’m very, very excited and I’m sure yung mga PBB fans, sobrang na-e-excite din and even yung ibang tao na paminsan-minsan mapapanood ang PBB, mas manonood sila ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN