Anne Curtis says Walk of Fame star tops all her achievements

Anne Curtis has lots to be thankful for: Her movie, No Other Woman is a box-office hit, her Annebisyosa album has achieved gold status, and this past week, she won the competition of Showtime hosts.

"And to top it all, binigyan pa ’ko ni Kuya Germs [German Moreno] ng star sa Walk of Fame," she says.


Matapos kumanta ng limang cuts mula sa album niyang Annebisyosa, nagpaunlak ng maikling interview si Anne Curtis bago lumabas muli ng stage para naman sa album signing at picture-taking kasama ang kanyang fans, kaninang hapon sa SM Megamall Activity Center.

Binati muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Fil-Australian na dalaga, dahil bukod sa box-office hit ang pelikula niyang No Other Woman, nag-gold record (7,500 units sold) na kamakailan ang kanyang album.

At kanina lang sa Showtime, dineklara pa siyang panalo sa labanan ng production numbers ng hosts na ginanap sa loob ng isang buong linggo.

Ano pa nga ba ang kulang kay Anne?

"Sobra lang akong masaya. As in sabi ko nga, wala na akong puwedeng hingin pa. Sobra na akong happy sa mga nakukuha ko," pahayag muna ng 26-year-old na aktres-TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa beteranong showbiz reporter na si Nora Calderon na naimbitahan ding makapanayam ang dalaga.

Isa nga si Anne sa mangilan-ngilang celebrities na na-e-enjoy ang successful na career at successful na love life.

Ano naman ang nasasabi ng kanyang businessman at part-time model na boyfriend na si Erwan Heussaff sa mga nangyayaring ito sa kanya?

"Sobrang proud siya. Happy din siya for me.

"And to top it all, binigyan pa ’ko ni Kuya Germs [German Moreno] ng star sa Walk of Fame," tuwang-tuwang balita pa ni Anne.

Sa December 4 nga ay magaganap ang paglagay ng star ni Anne sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood City na siyempre pa’y pupuntahan niya.

Habang kinakausap si Anne ay ibinulong ng isang Viva insider na, as of yesterday ay malapit na sa P270 million ang kinikita ng No Other Woman.

Biro ng PEP kay Anne, lalo yatang ma-i-insecure ang Showtime co-host niyang si Vice Ganda sa kanya dahil malapit na ring ipalabas ang pelikula nitong Praybeyt Benjamin na sinasabing magiging malakas din daw sa box office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course not. When you’re family, hindi nagkakaroon ng inggitan. Full support lang yun.

"Di ba yung prod niya nga sa Showtime, ’No Other Horse?’" natatawa pang sabi ni Anne.

May nakahanda na bang susunod na proyekto si Anne?

"Meron pa lang pong ipini-pitch na pelikula, at meron ding ipini-pitch na teleserye.

Magiging mapili na ba siya sa proyekto dahil sa pinatunayang lakas niya sa box office?



"Hindi naman po ako namimili. Basta if I think kaya ko naman, [at] maganda yung project, [and] if I have faith in it, I’ll do it. Hindi na ’ko choosy," sagot ni Anne.

Dahil sa tagumpay ng sales ng album niya, nai-inspire ba siyang gumawa ng second album?

"Hindi na. Happy na ’ko sa isang album. Masaya na ’ko dun," pagtatapos ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN