Annabelle Rama claims Nadia Montenegro herself signed the contracts of all five kids, they were not falsified

Noong Biyernes, October 21, dumulog sa Quezon City Prosecutor’s Office ang dating aktres na si Nadia Montenegro (inset) upang sampahan ng kasong falsification and use of falsified documents si Annabelle Rama (main photo). Pineke daw ni Annabelle ang pirma ni Nadia sa kontrata ng kanyang dalawang anak na may edad anim at limang taong gulang.

Ang sabi naman ni Annabelle sa StarTalk TX nuong Sabado: "Ang pirma ng kontrata ng dalawan


May panibagong kasong kinakaharap ang talent manager na si Annabelle Rama.

Noong Biyernes, October 21, dumulog sa Quezon City Prosecutor’s Office ang dating aktres na si Nadia Montenegro upang sampahan ng kasong falsification and use of falsified documents si Rama.

At ayon sa sinumpaang salaysay ni Nadia noong Martes October 18, napag-alaman niyang nagsumite ng dalawang talent management contract sa GMA Films si Rama.

Nakasaad umano sa mga kontrata na talents niya ang dalawang anak ni Nadia na may edad anim at limang taong gulang.

Pirmado ng aktres ang mga dokumento na may petsang April 16, 2010.

Ibig sabihin, kinukuha niya ang serbisyo ni Rama bilang manager ng dalawang bata.

Nguni’t ayon kay Nadia (in a taped interview), peke ang kanyang lagda sa naturang mga kontrata.

"Kasi ang talagang mina-manage niya, yung tatlong dalaga ko, biglang naging lima na yung inaalaagan niya ngayon, pati yung dalawang maliit ko. Nagpaaano siya ng kontrata na hindi ko signature.

"Inaalis ko nga yung dalawang anak ko sa kanya e, bakit pa ako pipirma?

"Nung nalaman niyang may magiging taping yung isa, at may fashion show yung isa, bigla na lang sumulpot itong mga kontratang hindi ko alam kung saan nanggaling."

Ang pamemeke ng dokumento ang pangalawang demandang isinampa ni Montenegro laban kay Rama, in less that three weeks. Last September 30, kinasuhan din niya ito ng child abuse at oral defamation. Pinag-aaralan pa ng piskalya ang nasabing kaso.

ANNABELLE LIVE. At kahapon sa StarTalk TX, ang panig ng talent manager na nahaharap na naman sa pabinagong asunto... Annabelle Live!

Ang unang itinanong kay Rama ng StarTalk host na si Joey de Leon ay kung totoo bang may kontrata sa kanya ang five at six-year-old daughters ni Nadia?

"Lahat ng mga sinungaling nangamatay na, lahat ng mga swindler nangamatay na, lahat ng palautang nangamatay na, isa lang natitira... Nadia Montenegro!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinungaling ka day, okay? Bakit ko pepekein ang signature mo?

"Hindi ko naman sila kinukuha, day? Sikat ba ang mga anak mo? At paano ko ipe-fake ang kontrata? Hindi ko alam ang pangalan ng mga anak mo, ang hahaba!

"Paano ko mame-memorize ang pangalan ng mga anak mo, day?

"At tsaka ikaw Nadia, ikaw ang pumirma ng kontrata, lima sila.

"Inaapura mo pa ako na ipa-audition sa kabilang studio yung maliit mo, yung four years old. Sabi ko ’Nads, maawa ka naman, pag-aralin mo muna ang mga anak mo.’

"Remember sinasabihan kita? Yung mataba mong anak, yung pangalawa, sabi mo cute na cute, i-audition ko na kamo sa GMA-7. Sabi ko ’Nads sa TV5, sa kabilang istasyon hindi nakapasa sa audition, hindi marunong umarte, huwag mo nang pilitin yung bata.’

"Ngayon, sabihin mo, nagpe-fake ako ng kontrata? Bakit, ano ba’ng makukuha ko sa iyo, day? Ni piso wala ka namang pera, anak mo hindi naman sikat, bakit ako magpe-fake ng kontrata?

"At hindi kita in-offer-an day, ikaw ang nagpipilit sa akin, kunin ko ang mga anak mo. Ako panay ang tanggi, naawa ako nung araw na pinalayas ka sa bahay ninyo sa Blue Ridge.

"Ipa-padlock ang bahay mo dahil hindi ka nakakabayad ng isang taon, doon ako naawa, Nadia.

"Tinanggap ko lahat ng anak mo para pumirma sa akin. Yung dalawang bata, hindi ka naman siguro ulyanin day no, pinirmahan mo.

SAME SIGNATURE. "Ang pirma ng kontrata ng dalawang bata at tsaka itong mga advance na kinuha mo sa opisina, mga suweldo ng mga anak mo, hindi pa nga dumadating sa opisina ang suweldo nag-a-advance ka na kaagad. Eto ang pirma, pareho lahat!

"Pirma ng dalawang bata, pirma ng voucher namin sa opisina, pirma ng dalawang anak mo sa TV5, pareho lahat, day! Kaya huwag mo akong lokohin, Nadia! Laban kung laban. Lalabanan kita!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pambayad ka ba ng lawyer mo, day? Sino ba ang financier mo? Alam ko na kung sino ang financier mo ngayon, ngayon pa lang, kayong dalawa idedemanda ko!"

Mahigit ng isang taon ang kontrata diumano ng dalawang bata; may naibigay bang proyekto si Rama sa dalawang anak ni Nadia?

"Sa totoo lang, wala akong binibigay muna kasi ayaw ko muna silang... kasi parang nakikita ko ang dalawang apo ko, e. Kasi kasing-age ng apo ko, si Venice at tsaka si Lorin, na pahaharapin mo sa kamera, hindi pa nag-aaral. Hindi nag-aaral ang mga bata, kawawa naman.

"Yung dalawang bata na minor sa kabilang istasyon pinull-out niya, may tatlong shows ang mga bata na yun, pinull-out niya kasi paaaralin daw niya. Ako, e, naawa sa mga bata, hindi nag-aaral hanggang ngayon.

"Hindi nag-e-English yun pag ini-interview siguro nga, English para konting susyal sa mga press, noh? Hindi nga marunong mag-spelling, e!

"Kaya [sabi ko], ’Paaralin mo muna Nadia ang mga anak mo.’

"Kaya sabi niya sa akin, i-pull out ko muna yung dalawa, gusto kong mag-aral. Wala pang one minute, ’Okay i-pull out natin!’

"Pero nalaman ko, hindi pala nag-aaral ang dalawang bata, hindi nag-aaral.

"Home study. Iba yung home study at iba yung regular school, di ba?

"Dapat nga siya ang kasuhan ng child abuse! Ang dami kong puwedeng pasabugin doon sa kabila... hindi network ha, sa isang opisina. Kausap ko na, lahat ng ginagawa niya sa mga anak niya, puro child abuse!

"Hindi ako, day! Kasi ang pamilya ko, malinis ang pagpapalaki ko sa mga anak ko, sa mga apo ko, lahat sila. Continuous ang turo ko.

"Sabi mo baduy ako, wala akong pinag-aralan, masama ang bunganga ko, sabi ko, puwes day, ang asawa ko, thirty five years na kami. Alam niya ang ugali ko, na malinis ang aking pagkababae, kaya until now, nandito kaming dalawa at pinakasalan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At taas ang noo ko, Nadia Montenegro, wala akong na-involve sa showbiz. Hindi ako sawsawan ng bayan, tandaan mo yan, day! Eto o, sino’ng taga-showbiz ang magsasabi na nakuha ninyo ako? Wala day, wala!

"Ikaw almost 900 day, lahat ng listahan ko kumpleto. Yung iba namatay na."

THREE MOTHERS. Wala bang nagme-mediate para magkausap sila ni Nadia?

"Lahat ng mga talents ko, yung mga dati kong talents, wala ako ni isang problema. Walang nanay na nakialam, smooth ang takbo ng career nila.

"Itong tatlong baguhan kong nanay, wala kasing pera at walang mga trabaho, akala mga anak nila Superstar na. Nagkaroon lang ng project, sisingit agad ang nanay.

"Nung una pa lang, ’Day puwede ba day, i-manage mo ang anak ko?’

"’Ayokong mag-away tayo, day, kasi mahirap, day, e. Ayokong makialam ka.’

"’Hindi ako makikialam, promise! Ikaw na bahala sa anak ko.’

"Nagkaroon ng career, nagkaroon ng contract, network contract, exclusive, nagkaroon ng maraming project, akala Superstar na.

"Eto pasok isa-isa mga uod, mga ipis, pumasok isa-isa, nakikialam na.

"O isang nanay, nawala na sa akin ang anak mo, o nasaan siya ngayon, day? Sikat pa ba? Good luck sa iyo, day, kung sisikat pa ang anak mo, day! Kasi ang kandila ko, hindi ko yan pinapatay, until now.

"Tatlo kayong nanay, buwisit sa buhay ko. Okay? Tatlo kayong nanay, hindi kayo sisikat!"

Binanggit ni Manay Lolit Solis na ang tatlong nanay ay si Nadia, ang nanay ni Heart (Evangelista na dating alaga rin ni Annabelle); sino pa raw ang isa?

"Coming soon yung isa, coming soon," ang sagot ni Anabelle.

SUBPOENA. Tinanong naman ni Joey kung natanggap na ni Annabelle ang subpoena ng demanda ni Nadia?

"Wala, nauna pa niyang pakuha sa TV, e. Talagang trying hard!

"Gusto niyang mag-comeback. Sorry na lang, day! Nag-comeback ka, ang haba-haba ng role mo, minalas ang pelikula hindi kumita dahil sa yo! Hindi mo alam yun, day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat ako magpo-produce ng pelikula. Ang title, Three Monster Moms! Sila dapat, hindi ako yun."

Kailan sila maghaharap sa piskalya?

"Kukunin ko yung kopya ko next week, sasagutin ko. Next week pa yun. Yung oral defamation ang pagkakaalam ko niyan, libel yan. Para sa sarili ko, ’Nadia Montenegro, oral defamation? Libel?’

"Ano ba ang ni-libel ko? Lahat ng binitiwan kong salita tungkol sa yo, lahat totoo yan, day! Paninindigan ko yan, totoo lahat yan. Gusto mo pa, marami pa akong ibubulgar na totoo, hindi mo ba alam yan? Magkasama tayo araw-araw, dinig ko lahat ng kuwentuhan ninyo, kung sinu-sino kakuwentuhan mo, day.

"Gusto mo isa-isahin ko?

"Sa akin na lang kasi pambato ko yun e, unti-untiin kita day!

"Ako hindi ako nahihiya, maski sabihin mo sa akin ang baho ko I really don’t care. Sabi sa akin nung isang nanay, ’Day, ang dami-daming alam sa iyo ni Nadia na baho mo!’

"Well sabihin niya, sikat ako day, naiintindihan ako ng followers ko, matagal na ako sa showbiz.

"Napakahirap mag-manage sa mga baguhan na may nanay na kontrabida. Talagang masisira ka talaga. Leksyon ko talaga iyon.

"Gusto nilang maging manager sa anak nila. Ako manager ako day, kaya naging successful akong manager day, magaling ang powers ko galing sa Itaas, ibinigay sa aking powers.

"Kapal ng mukha, lakas ng loob, tapos charisma. Meron ba kayo? Wala! Ako lang meron!

"Lahat ng mga naiinggit sa akin, lahat ng mga gusto akong apakan, may you rest in peace! Kayo lahat, okay?"

May pahabol pang pahayag si Rama.

"Itong si Nadia, laging ginagamit ang ’mga anak kong minors.’

"Konting kibot lang, ’mga anak ko, this is for my daughters.’

"That’s wrong!

"Hindi mo inalagaan ang mga anak mo, day! Walo yan, hindi mo inalagaan, alam ko yan! Kasi yung isang anak na kalaban na kalaban mo, lahat kinuwento lahat sa akin ang mga problema ninyo sa bahay. At lahat ng furnitures ko na ginagamit mo sa bahay mo, pati TV pakisauli, Nadia Montenegro, okay? At lahat ng utang mo, bayaran mo sa akin, day!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN