Ervic Vijandre and Rich Asuncion romance nipped in the bud

Inamin ni Ervic Vijandre (right) na maganda ang naging simula ng kanilang pagde-date ni Rich Asuncion (left). Ilang months din raw silang lumalabas at marami silang napagkakasunduan. Pero nauwi na lang sa pagiging friends ang kanilang naudlot na relasyon.


Naudlot ang dapat na papunta na sa totohanang relasyon sa pagitan ng model-turned-actor at Survivor Philippines castaway na si Ervic Vijandre at Starstruck 4 Avenger na si Rich Asuncion.

Inamin ni Ervic na maganda ang naging simula ng kanilang pagde-date ni Rich. Ilang months din raw silang lumalabas at marami silang napagkakasunduan. Pero nauwi na lang sa pagiging friends ang kanilang naudlot na relasyon.

"Siguro nga, hindi talaga kami ang para sa isa’t isa. We are just meant to be good friends. Sayang at hindi nag-workout tulad nang inaasahan naming dalawa," diin ni Ervic.

"Bigla kasing nawalan kami ng time for one another. Naging busy si Rich sa pag-aaral niya. Tapos nagsunud-sunod naman ang work ko. So yung time na meron kami before, biglang nawala."

Maayos naman daw na nakapag-usap sila Ervic at Rich at napagkasunduan nila na maging friends na muna sila.

"We decided nga ni Rich na since wala na kaming oras na lumabas na tulad dati dahil sa mga ginagawa namin, it’s better that we end up as friends na lang. Yung pagkakaibigan naman namin ang importante, e.

"We still text one another at kahit sa Twitter, may communication pa rin kami. Kumustahan na lang kami ngayon. Kapag hindi na siguro kami busy masyado, puwedeng ituloy yung naudlot, ’di ba?" ngiti pa niya.

Pinakilala ni Ervic si Rich sa kanyang pamilya at nakilala rin niya ang family ni Rich.

"Tuwing may dine-date naman ako, pinapakilala ko sa family ko talaga. Okey naman sila kay Rich. Gusto nila siya. Nalungkot din nga sila noong malaman nila na hindi na kami lumalabas masyado.

"Na-meet ko rin ang parents ni Rich. Bago kami lumabas ni Rich pinagpapaalam ko muna siya sa parents niya.

"Mababait naman sila at pinapayagan naman siya. Hindi naman kami solo na lumalabas ni Rich, e. May barkada kami at sila ang madalas na kasama namin. Kaya okey lang sa parents ni Rich na sumama kasi nga group naman kami. Hinahatid ko naman siya pauwi after ng gimik namin," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakasunod ang mga trabaho ni Ervic kaya hindi raw totoong nagrereklamo ito. May nakarating kasi kay Ervic na may sinabi raw siya na hindi siya satisfied sa kanyang showbiz career.

"Sinita nga ako ng manager ko [Jonas Gaffud of Mercator Models] at tinanong ako kung totoong may sinabi ako na hindi ako kuntento sa career ko. Wala akong sinasabing gano’n kasi okey naman lahat.

"Kakatapos lang ng Captain Barbell at nagkaroon ako ng sunud-sunod na guestings. Aside sa showbiz, nandiyan pa rin ang trabaho ko as a model. Kaya hindi ako nababakante.

"Tulad ngayon, aside sa bagong TV series na kasama ako, may three movies akong ginagawa ngayon. So paano ako magrereklamo? Nagpapasalamat nga ako na magkakasunod ang trabahong dumarating," diin niya.

Kasama si Ervic sa cast ng bagong afternoon drama series na Kokak kunsaan bida si Sarah Lahbati.

"Nag-workshop na kami at sa November na ito ipapalabas sa GMA-7. Ang role ko ay ang babaerong kaibigan ni TJ Trinidad na hindi boto na ma-in love siya kay Kara na ginagampanan ni Sarah Lahbati. Medyo may pagka-bad boy ako rito at partner ko rito si Frencheska Farr," kuwento pa ni Ervic.

Tatlong pelikula naman ang tinatapos ngayon ni Ervic. Una ay ang Shake, Rattle & Roll 13 ng Regal Entertainment, kunsaan kasama siya sa episode na "Tamawo" mula sa direksyon ni Richard Somes. Kasama rin dito sila Zanjoe Marudo and Maricar Reyes. Isa ito sa official entries ng 2011 Metro Manila Film Festival sa December 25.

Pangalawa ay ang comedy-thriller na Dead Na Dead Ako Sa ’Yo with Ruffa Gutierrez, Pokwang and Gabby Concepcion. Si Joel Lamangan ang director nito, also for Regal Entertainment.

At pangatlo ay ang independent film na Basted with Maja Salvador at Matteo Guidicelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN