Mikael Daez and Sarah Lahbati loveteam: It’s over before it started

Bagay si Mikael Daez at ang StarStruck V’s Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati. Kaya lang, si Sarah ay makakatrabaho ng co-Mercator talent na si JC Tiuseco sa Kokak ng GMA-7 along with TJ Trinidad. So naudlot na ang pagiging loveteam nila ni Mikael at Sarah.

"I’m looking forward to working with her [again], kasi friends kami and everything," Mikael says.


May clamor na gawing tambalan sina Mikael Daez at StarStruck V’s Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati; bagay kasi sila.

Kaya lang, si Sarah ay makakatrabaho ng co-Mercator talent ni Mikael na si JC Tiuseco sa Kokak ng GMA along with TJ Trinidad.

So naudlot na ang pagiging love team nila ni Sarah.

At ang reaksyon ni Mikael tungkol dito...

"Narinig ko rin yun, and Sarah is a friend, tapos nakaeksena ko pa siya sa Amaya doon sa flashback [scenes] ko," sinabi ni Mikael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bagay sila ni Sarah.

"Alam mo, people say that, and I’m looking forward to working with her [again], kasi friends kami and everything.

"Pero alam mo, the time will come for everything."

Paano sila naging magkaibigan ni Sarah?

"Yung friend ko na stylist, parang friend niya so nung lumabas kami sa isang party in-introduce ako, tapos iyon, naging friends na kami.

"E, siyempre GMA kami pareho so marami kaming napapag-usapan. Sa Party Pilipinas, nakikita ko siya and iyon doon kami naging friends.

"I’m excited to work with her in the future. I mean, the time will come, there’s a time for everything. Naniniwala ako dun."

CRUSHES. Naitanong naman ng PEP kay Mikael kung sino ang mga showbiz crushes niya...

"Temptation Island girls," mabilis niyang sagot na ang tinutukoy ay sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto.

"Wala na talaga akong masasabi sa kanila. Wala na akong masasabi dun."

Kung ira-rank niya ang lima...

"Hindi puwede, kasi patas-patas silang lahat, e. May morena, may chinita, may tisay, tapos meron yung halo."

Hanggang ngayon, kahit matagal nang napalabas ang pelikula nila, ang limang female co-stars pa rin niya ang crush ni Mikael?

"Oo naman! Malamang... sila kasi yung nakatrabaho ko. Iba talaga when you see them personally, talk to them personally, iba, e. So sila talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang years ang contract niya sa GMA?

"Ah I believe, two."

Ilan na ang nagagamit?

"I’m not sure when it was effective. I know sometime this year, I’m not aware of the specific date."

Walang offer from other channels?

"I don’t think so, I don’t know, I’m not aware. The thing is I signed up with GMA, I’m wholeheartedly with GMA so lahat ng efforts, puso ko, binibigay ko dito, wala ng iba."

ON SHAMCEY. Kapatid rin niya sa Mercator si Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup. Ano ang masasabi niya sa napakalaking achievement ni Shamcey?

"[I’m] very, very proud of her. Si Shamcey hinost ko yung mock pageant nila so parang praktis nila ’to. So nakilala ko na siya and in that mock pageant, she was in my Top 2. Kasi naaano na ako, e. May effect na siya sa akin e, naramdaman ko na siya agad, e.

"Maganda siya and I like the way she carries herself.

"Magaling siyang magdala ng sarili."

At bumongga nga si Shamcey...

"True enough! Nung nanalo siya proud na proud ako, tinext ko yung manager ko [Mercator’s Jonas Gaffud], ’Congratulations to my manager who trained Shamcey!’"

Si Mikael, kahit anong contest or male pageant, never sumali kahit noon.

"No. Hindi ko type yung ganun, hindi ako bagay sa ganun," natatawa niyang sinabi.

THRIFTY. In one of his past interviews, naikuwento ni Mikael na wala pa siyang sariling kotse at nanghihiram lang siya sa kanyang kuya ng sasakyan.

Nakabili na ba siya ng kotse?

"No, not yet. Hindi pa naman kailangan. I get to go around naman. Pag kailangan na kailangan na talaga, dun ako mag-iisip kung bibili ako ng kotse o hindi."

Maingat sa pera si Mikael; hindi siya nagbibibili ng kung anu-anong bagay na hindi naman niya kailangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, pero parang gusto ko yung iPhone 4S, yung bago, pinapag-iisipan ko pa."

Marami naman siyang savings at kumikita siya ng maganda sa pag-aartista at pagmo-modelo at pagho-host ng events.

"Pero kailangan hinay-hinay lang sa spending."

Sino ang pinakanami-miss niya sa Amaya since namatay na ang karakter niyang si Lumad sa naturang epicserye na pinagbibidahan ni Marian Rivera?

"Yung mga nakaka-eksena ko lagi siyempre! May parang barkada kami dun e, yung parang Team Barkada, si Lumad, si Kuling [Dion Ignacio], si Agul [Pancho Magno], si Amaya, si Bayang [Ana Feleo] so sila yun, sila, sila yung mga madalas kasama ko, so nami-miss ko yung mga moments na magkakasama kami, nagkukulitan bago mag-eksena, yung mga ganun."

Mikael’s next project is with Dingdong Dantes and Rhian Ramos, ang bagong soap opera ng GMA na may working title na Sundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN