Jessa Zaragoza plays Sarah Lahbati’s mom in Kokak

Jessa Zaragoza on her mom role: "Okey lang na maging mother ako kay Sarah [Lahbati]... No problem sa akin ang ganyan. Basta trabaho, hindi natin tatanggihan ’yan."


Muli ngang nagbabalik si Jessa Zaragoza sa bakuran ng GMA-7. Huli nga niyang naging drama series sa Kapuso network ay ang Rosalinda na siyang pinagbidahan ni Carla Abellana. Huli niyang series ay iDOL sa ABS-CBN 2, na bida naman si Sarah Geronimo.

Kaya sa kanyang muling pagbalik sa GMA-7 ay kasama siya sa cast ng bagong afternoon series na Kokak kunsaan gaganap siyang ina ni Sarah Lahbati.

Okey nga lang daw na gumanap na mother ni Sarah si Jessa dahil hindi naman siya namimili ng role. Basta trabaho ay okey lang sa kanya.

"Hindi naman na ako nai-insecure sa ganyan. Alam naman natin na marami ng artista at masuwerte nga ang mga tulad ko na nabibigyan pa ng work.

"Okey lang na maging mother ako kay Sarah. Doon nga sa Rosalinda, si Ryza Cenon ang anak ko. I think much older pa si Ryza kesa kay Sarah noong mga panahon na yon.

"No problem sa akin ang ganyan. Basta trabaho, hindi natin tatanggihan ’yan. Na-meet ko na si Sarah noong story conference. Ang ganda niya at napakatangkad. Wish ko lang na kasing-tangkad ko siya noong kaedad ko siya!" tawa pa ni Jessa.

Hindi nga lang sa TV active si Jessa, dahil tumutulong din siya sa mga activities at events ng OPM o Organisasyon Ng Pilipinong Mang-aawit. Isa kasi sa officers ng OPM ang kanyang mister na si Dingdong Avanzado.

"Nasa U.S. kasi ngayon si Dingdong kaya ako muna ang nagre-represent sa kanya sa mga events ng OPM," diin niya.

"Like noong nakaraang OPM Festival sa Quezon City Memorial Circle, tumulong ako sa pag-asikaso ng mga nangyayari roon. Salamat sa Diyos at naging very successful yung event ng OPM.

"Binalita ko na lang sa mister ko yung success ng event na siyempre pinangunahan ng aming OPM president na si Mr. Ogie Alcasid," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahinga raw muna ang anak nila ni Dingdong na si Jayda sa showbiz. Strict daw kasi ang school na pinapasukan nito ngayon.

"Sumusunod lang kami sa rules ng school ni Jayda. Medyo strict sila sa mga showbiz activities. Tsaka mas gusto ko rin na mag-concentrate si Jayda sa studies niya.

"Puwede pa naman siya mag-showbiz kapag bakasyon niya. Tulad sa Christmas break, puwede siyang mag-showbiz. Pero kapag school days na, yun ang pinapauna namin sa kanya. Mas gusto namin ni Dingdong na maging normal ang pagpasok niya sa school," diin niya.

At dahil nasa bakuran siya ng GMA-7 ulit, hindi malayong magkasalubong sila ng nakaalitan niyang si Rufa Mae Quinto.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng hindi magandang reaction ang kampo ni Jessa nang lumabas ang isang tell-all interview ni Rufa Mae sa YES! Magazine. May kinalaman kasi ang isang part ng interview ni Rufa Mae tungkol sa mister niyang si Dingdong.

Handa na ba siyang harapin si Rufa Mae?

"Oo naman. Siya ba handa na rin ba?" tawa pa niya.

"Sa akin naman, matagal na iyon. Nag-move on na ako. Ilang taon na ba iyon? Nasabi niya ang gusto niyang sabihin at sinabi ko naman kung ano ang totoo. Gano’n lang naman iyon.

"Okey lang na magkasalubong kami. Maliit lang naman ang mundo natin dito sa showbiz, ’di ba? Magkikita’t makikita rin kami.

"Walang problema kung mangyari man iyon. Okey nga na mag-guest ako sa Showbiz Central kahit na nandoon siya. Maging professional lang tayong lahat," pagtatapos pa ni Jessa Zaragoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN