Joyce Ching reveals why she works hard: "One day makakabili rin ako ng magandang house para sa pamilya ko."

Nag-iipon pa raw ang tween star na si Joyce Ching para makabili siya ng bahay at bagong sasakyan.

"Paunti-unti lang muna. Inuna ko lang po itong titirhan namin bago ang bagong sasakyan. Okey naman ang ginagamit kong sasakyan. Kapag may sobra-sobra na tayong pera, we can consider na tumingin ng bagong sasakyan," she says.


Noong 2009 pa pala nakapirma ang tween star na si Joyce Ching sa Viva Artist Agency or VAA. Five years raw ang pinirmahan niyang kontrata with VAA at co-managed siya ng GMA Artist Center.

Kuntento naman daw si Joyce sa paghawak ng VAA sa kanyang career dahil sunud-sunod naman ang kanyang mga naging trabaho. Pati mga gagawin pa niyang mga commercials ay ang VAA na ang mamamahala.

"Ang VAA po ang nagdala sa akin sa GMA-7," kuwento pa ni Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva Entertainment Office last October 19.

"Gumagawa pa lang po ako ng mga commercials noon. May ginawa na rin ako before sa GMA-7 na Bubble Gang Jr. pero wala pa ako sa VAA that time.

"Noong kinontrata po nila ako noong 2009, nabigyan ako ng Endless Love sa GMA-7. Tapos nasundan po ng Yaman Ni Lola, Koreana at Reel Love Presents Tween Hearts. Hanggang ngayon ay hindi ako napapabayaan ng VAA. Pati mga future commercials ko ay sila na rin ang hahawak."

Isa sa bini-build up ng GMA-7 si Joyce at ang ka-loveteam niyang si Kristoffer Martin. Kasama sila nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa afternoon drama series na Ikaw Lang Ang Mamahalin na umaani ng mataas na ratings sa time slot nito sa GMA Afternoon Prime.

Mula October 10 to 14 ay nakakuha ng 43.3% ang Ikaw Lang Ang Mamahalin sa Mega Manila at 39.3% sa Nationwide ratings.

Hindi ito maitatapat sa kalaban nilang Kapamilya Blockbusters na nakakuha lamang ng 15.7% sa Mega Manila at 22.8% lamang sa Nationwide.

"Nagpapasalamat po kami sa mga fans ng Josh-Bie at Kris-Joy dahil sa pagtangkilik nila ng Ikaw Lang Ang Mamahalin. Natuwa po kami noong malaman namin na mataas ang ratings namin since nag-pilot. Sana po tuluy-tuloy at lalo po kaming sinisipag sa pagtrabaho," ngiti ni Joyce.

Sabado na lang daw ang pahinga ni Joyce at ng ibang tweens na kasama niya. Three times a week ang taping niya for Ikaw Lang Ang Mamahalin, once a week para sa Reel Love Presents Tween Hearts, once a week rehearsal for Party Pilipinas at tuwing Sunday ay live sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naisisingit pa po ang mga mall shows namin at provincial shows," dagdag ni Joyce.

"Kahit po nakakapagod, very thankful kami sa mga taong sumusuporta sa shows namin. Kelan lang po, galing kami ng Dumaguete at Bacolod. Nagulat kami na kilala kami roon at ang daming nanood ng show namin.

"Sabi kasi nila mas tinatangkilik nila ang mga artista ng ABS-CBN 2. Pero nagulat kami na maraming dumating. Patunay lang na lumalakas na ang GMA-7 sa lugar na iyon."

Dahil sa rami ng trabaho ni Joyce, marami na itong naiipon at kelan lang ay lumipat na siya at ng kanyang pamilya sa isang two-bedroom condominium unit sa Pasig City.

"Sa Makati pa kasi ako umuuwi. Noong may nakita kaming unit sa Pasig, okey naman siya. Kasya na kaming lahat doon.

"Rent-to-own naman siya at reasonable ang presyo. Mas malapit na ako ngayon sa Quezon City. Hindi na ako masyadong matatrapik ng bonggang-bongga," tawa pa niya.

Nag-iipon pa raw si Joyce para makabili siya ng bahay at bagong sasakyan.

"Paunti-unti lang muna. Inuna ko lang po itong titirhan namin bago ang bagong sasakyan. Okey naman ang ginagamit kong sasakyan. Kapag may sobra-sobra na tayong pera, we can consider na tumingin ng bagong sasakyan.

"Dream ko rin ang makabili ng magandang bahay. Maramihang pag-iipon ang gagawin ko, ’di ba? Basta pinagdarasal ko na one day makakabili rin ako ng magandang house para sa pamilya ko," sabi pa ni Joyce.

Ayon sa namumuno ng VAA na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus, isasabak nila sa mga pelikula si Joyce. Marami raw naka-lineup na movies ang Viva Films sa 2012 na puro mga young stars ang magbibida kaya hindi imposibleng hindi makasama si Joyce.

"Gusto ko rin pong gumawa ng movies. First movie ko pa lang yung Tween Academy: Class of 2012. Marami akong gustong makatrabaho pa na mga artista. Sana po marami akong magawang pelikula bukod sa paggawa ko ng TV shows," ngiti niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon raw ay may tinatapos na Christmas album ang tweens na ire-release ng GMA Records this coming December. Lahat daw silang tweens ay may sariling ni-record na Christmas song. Nakatoka kay Joyce ang Christmas song na "Joy To The World."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN