John Lloyd Cruz admits relationship with Shaina Magdayao is "not looking good"

John Lloyd Cruz on status of relationship with Shaina Magdayao: "To be honest, hindi maganda ang bagay bagay ngayon. ’Yon lang ang masasabi ko. Ang mga bagay ngayon, they are not looking good."


Lumabas ngayong araw, Oktubre 24, dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang hiwalay na ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. (CLICK HERE to read related story.)

Ilang oras lamang pagkatapos lumabas ng report dito sa PEP ay nakausap ng abscbnnews.com reporter na si Reyma Buan-Deveza si John Lloyd Cruz sa contract signing ng aktor sa ABS-CBN kaninang tanghali.

Bagamat hindi direktang inamin o pinabulaanan ni John Lloyd kung break na nga sila ni Shaina, sinabi niyang hindi maganda ang estado ng relasyon nila ngayon.

Ayon sa aktor, "To be honest, hindi maganda ang bagay-bagay ngayon. ’Yon lang ang masasabi ko.

"Ang mga bagay ngayon, they are not looking good."

Hindi rin nagbigay ng anumang detalye ang aktor kung ano talaga ang pinagdadaanan nila ni Shaina ngayon.

"I’d rather na tumahimik muna ako until sana ay maayos namin o mabigyan ng closure kung anuman.

"At this point, the best thing for me to do is to keep quiet," saad niya.

NOT RUFFA’S FAULT. Nilinaw rin ni John Lloyd na walang kinalaman ang kahit sinong karelasyon niya noon—partikular na si Ruffa Gutierrez—sa pinagdadaanan nila ni Shaina ngayon.

"Hindi, walang kinalaman," mariin na pagtanggi ng sikat na aktor.

"Walang kinalaman ’yon doon.

"Ang ibang tao na hindi parte ng buhay namin, huwag na nating idamay.

"Ako na mismo ang nagsasabi, walang kinalaman si Ruffa o kahit sinong ex-girlfriend ko."

Nadadawit ang pangalan ni Ruffa dahil sa pagte-text daw ni Shaina sa TV host-actress gamit ang cell phone ni John Lloyd.

Sa Paparazzi kahapon, October 23, ay inamin na ni Ruffa na si Shaina nga ang nagpapadala sa kanya ng mga "psychotic message."

Humingi na rin daw ng paumanhin si John Lloyd sa kanya on Shaina’s behalf.

NOTHING HAS CHANGED. Bagamat may pinagdadaanan sila ngayon, sinabi ni John Lloyd na wala raw nagbago sa pagtingin niya kay Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," sagot nito nang tanungin kung mahal pa niya si Shaina.

"Hindi ’yon mawawala at mananatili lang ’yon doon.

"Ayaw ko lang magbigay ng statement na makakalala.

"I can only hope for the best, ’di lang sa sarili ko kung ’di sa aming dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN