Ruffa Gutierrez confirms receiving "not very nice and not very kind" text messages from Shaina Magdayao; reveals John Lloyd Cruz apologized to her

Ruffa Gutierrez on text messages she received from Shaina Magdayao: "The following day, at nine in the morning, tumawag sa akin si John Lloyd and he said, ’I’m very sorry for what happened last night. May mga problemang nangyari. But I apologized kasi hindi ka dapat madamay.’ So, it’s very clear na wala akong kinalaman kung anuman ang pinag-awayan nila at nadamay lang ako. Hindi ako dapat nadamay."


Kung sa taped interview ng The Buzz kay Ruffa Gutierrez ay hindi pinangalanan ng actress-TV host kung sino ang nagte-text sa kanya ng "psychotic message at ungodly hours," sa showbiz talk show naman niya sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, kahapon, October 23, ay napilitan si Ruffa na magkuwento tungkol sa mga natanggap niyang text messages.

Ito ay dahil na rin sa pag-uurirat ng mga kasama niya sa show na sina Cristy Fermin, Mo Twister, Dolly Anne Carvajal, at Zoren Legaspi.

Base sa Paparazzi episode na ito, ang naturang texter ay walang iba kundi si Shaina Magdayao, ang girlfriend ni John Lloyd Cruz, na nakarelasyon naman ni Ruffa noon.

Kaugnay pa rin ito ng nangyaring pagtatagpo nina Ruffa, Shaina, at John Lloyd sa birthday concert naman ni Vina Morales noong October 17. Kapatid ni Shaina si Vina, habang kaibigan naman ni Ruffa ang birthday celebrator.

Pinag-usapan nga ang maiinit na tweets ni Ruffa pagkatapos ng naturang event tungkol sa isang insecure na tao na nagte-text sa kanya.

Marami ang naintriga kung sino raw ba ang pinatatamaan niya sa Twitter. May mga naghinala na si Shaina ang pinatutungkulan ng tweets ni Ruffa.

THE BIRTHDAY CONCERT INCIDENT. Bago pag-usapan ang tungkol sa text ni Shaina, unang ipinasalaysay ni Cristy kay Ruffa ang ginawa nitong pag-attend sa birthday concert ni Vina.

Ayon kay Ruffa, hindi nga raw siya dapat pupunta rito dahil may sakit siya.

"That whole week, talagang may sakit ako, may trangkaso ako, I had a flu.

"Wala akong balak talagang pumunta. But because she [Vina] keeps on texting also, bumili ako ng ticket sa kanya, and then binigay ko sa lawyer ko.

"Now, that afternoon, when I got home, my mom and dad [Annabelle Rama and Eddie Gutierrez] said, ’O, ba’t di ka pa nakabihis? Alis na tayo. Pupunta tayo sa concert ni Vina.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ’I’m so sick, I’m not going.’

"Sabi ni Mommy, ’Day, mahiya-hiya ka naman. Pumunta ka. Kaibigan [si Vina] at lagi siyang nandiyan para sumuporta sa iyo.’

"So, na-guilty naman ako and I went. And I had a good time.

"Talagang masaya ako kasi nandun ako para suportahan si Vina."

Dugtong ng co-hosts ni Ruffa, hanggang sa may dumating daw na magkasama. Ano ang nangyari?

Sabi naman ni Ruffa, "I know what you guys are trying to say. You’re talking about John Lloyd and Shaina.

"For me, let’s just say it straight na, unang-una, John Lloyd is history. He’s a thing of the past.

"May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Masaya sila, masaya ako."

Matagal na raw naka-move on si Ruffa.

"Oo naman, matagal nang isyu yun. So, there’s nothing for anyone to be worried about in that aspect.

"Ganito na lang ang sasabihin ko, kasi the following day, after Vina’s concert, tumawag sa akin si John Lloyd para mag-sorry."

Hirit naman ni Cristy, "Siguro hindi mauunawaan ng publiko kung bakit nag-sorry sa iyo si John Lloyd. Ano ang dahilan?"

"Dahil sa nangyari na hindi ko rin alam," sagot ni Ruffa.

"I know that they were there and I was also in another part of the room with my mom and dad.

"And siyempre, parang hindi pa kami katulad ni Zoren na, you know, chummy-chummy.

"You know, it’s a bit awkward also. I didn’t greet him, he didn’t greet me.

"But there were things happening pala between them na hindi ko alam."

SHAINA’S TEXT. Totoo ba na tinext siya ni Shaina ng "Please leave us alone?’

"Well, she did send some messages," pagkumpirma ni Ruffa.

"And the reason why I’m saying this now is because para maklaro sa lahat ng tao na pumunta ako dun [sa concert] bilang bisita ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I did my own thing. They did their own thing.

"So, kung may gulo man na nangyari doon, wala akong kaalam-alam. I was totally clueless until I got the messages.

"I don’t wanna say kung ano yung mga messages na yun, pero it was not very nice and it was not very kind.

"So, bilang ayokong patulan, ang pinsan ko na galing sa States ang sumagot ng ’Please, stop texting.’

"And nakasalubong ko naman yung pamilya ni John Lloyd sa labas.

"Sinumbong ko sa kanila na bakit ako tine-text, wala akong alam kung ano ang nangyayari."

Paano niya nalaman na si Shaina ang nagte-text sa kanya? Kaninong telepono ba ang gamit nito?

"She was using John Lloyd’s phone. Kasi there was this private number that was texting me.

"So, anyway, after that, kumain na kami sa North Park, walang nangyari.

"Oh, my gosh, tapos bakit ako tine-text wala naman akong ginagawang masama? I should have stayed home.

"Sinisi ko pa yung mommy ko and everything."

May mga insults bang pinadala sa kanya sa text?

"Direct insults came. A lot of curse words, things like that.

"Pero for me, I’m so happy na with my life. I’m so blessed."

Bakit kailangan siyang i-text ng "please leave us alone," may ginagawa ba siya?

"Ay, wala po," sagot ni Ruffa.

Biniro naman si Ruffa ni Zoren na nung dumating pa lang daw siya sa concert na sexy ang dating ay may ginawa na raw siya at nakaka-intimidate na. Pero tinawanan lang ito ni Ruffa.

"Well, I don’t get text messages from Carmina [Villarroel], from Charlene [Gonzalez]," biro ng TV host-actress.

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang mga asawa ng ex-boyfriends niyang sina Zoren at Aga Muhlach. Hanggang ngayon ay parehong kaibigan ni Ruffa sina Carmina at Charlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOHN LLOYD SAYS SORRY. Nang sumunod na araw raw ay tinawagan siya ni John Lloyd para humingi ng sorry.

Kuwento ni Ruffa, "The following day, at nine in the morning, tumawag sa akin si John Lloyd and he said, ’I’m very sorry for what happened last night. May mga problemang nangyari. But I apologized kasi hindi ka dapat madamay.’

"So, it’s very clear na wala akong kinalaman kung anuman ang pinag-awayan nila at nadamay lang ako.

"Hindi ako dapat nadamay."

Na-appreciate naman daw ni Ruffa ang ginawang ito ni John Lloyd.

"Napakabuti naman niya para tumawag sa akin, nag-effort at nag-reach out.

"So, para sa akin, closed issue na yun."

Feeling ba ni Ruffa, in love pa rin si John Lloyd sa kanya?

"For me talaga, wala.

"I mean, yung naging pag-uusap namin [nang maghiwalay kami], that just closes everything.

"So, it just goes to show talaga by his phone call na wala akong kasalanan," diin ni Ruffa.

STILL FRIENDS WITH VINA. Sinabi ba ni Ruffa kay Vina ang tungkol sa nangyari?

"I didn’t actually talk to her about it.

"Kasi hindi naman niya in-open up sa akin at hindi ko rin naman in-open up sa kanya.

"Ayokong maging awkward."

So, hindi naapektuhan ang friendship nila ni Vina?

"Hindi naman," sagot niya.

Hiling lang ni Ruffa na sana matapos na ang isyu.

"So, clear na po yun. Patayin na natin ang isyu.

"Sana huwag na akong madamay sa kung anumang meron nangyayaring gulo-gulo. Let’s close the issue na.

"Kasi para sa akin, wala namang dapat pag-awayan pa.

"Vina and I are okay, by the way."

Pero mukhang hindi pa matitigil ang isyung ito, lalo na nga’t naibalita na rito sa PEP ang tungkol sa paghihiwalay nina John Lloyd at Shaina. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN