How do celebrities observe All Souls Day?

While everyone’s eagerly anticipating and making plans for the coming long weekend, it’s not as rosy for our favorite stars—who are already booked for a series of endless tapings, TV ad shoots, magazine pictorials and many more back-breaking activities. However, even the rigors of showbiz life won’t stop them for remembering their beloved ones.


Dahil pumatak ng Martes ang Todos Los Santos ngayong taon, minarapat ng Malacañang na gawin na ring non-working holiday ang Lunes, Oktubre 31.

Kaya naman ang ating mga kababayan, bukod sa pagdalaw sa mga yumaong kamag-anak, ay sasamantalahin na rin ang bakasyong ito para nakapag-outing kasama ang pamilya o mga kaibigan.

Pero, ano naman kaya ang plano ng ilan sa ating mga paboritong artista sa long weekend na ito?

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang celebrities kung ano ang plano nila sa mahabang bakasyon na ito, at kung ano ang kanilang mga nakaugaliang gawin sa pagsapit ng undas.

CARLA ABELLANA AND GEOFF EIGENMANN. Non-working holiday man, para kay Carla at nobyo nitong si Geoff Eigenmann ay tuloy pa rin ang trabaho.

Magkasamang nakapanayam ng PEP.ph ang magkasintahan, at dito’y sinabi ni Carla na isang TVC shoot ang pagkakaabalahan niya sa mga araw na iyon.

"Wala, ako wala!" natatawang simula ni Carla.

"Kasi ang holidays naman ’pag artista, wala, hindi nag-e-exist ’yan, e, ang holiday sa artista nagta-trabaho pa rin.

"Ako may soap pa rin ako, I’m sure I’ll do tapings, pero I think that weekend, that long weekend, mayro’n akong TVC shoot."

Si Geoff naman, "Ako hopefully by then we’ll be starting with the new show na sisimulan na. So, hopefully by then ayan eksakto."

Abala man sila, hindi naman nakakalimot si Carla at kanyang pamilya na dumalaw sa mga yumao nilang kamag-anak.

"Malapit lang naman sa house namin ’yong mga relatives ko that had passed away, hindi na naming kailangan pumunta ng sementeryo kasi nasa church sila.

"So, we visit them, we light candles and offer prayers and flowers na din. With my family, with my lola definitely.

"Tsaka tahimik lang, talagang observe silence lang for that specific day, para peaceful lang ’yong araw, tapos dasal lang lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBI DOMINGO. Paghahanda sa isang marathon naman ang gagawin ni Robi Domingo sa darating na mahabang bakasyon.

Kuwento niya, "For the long weekend I will go to the gym, I would prepare for the King of the Road for Addidas.

"Kasi ako, mahilig talaga ako tumakbo, e, kung may Piolo [Pascual], siguro ako ’yong one type ni Piolo."

Gayunman, may naka-set nang lakad si Robi kasama ang kanyang pamilya na pumunta sa Tagaytay.

"Ako pupunta ako sa bahay ng lolo ko sa may Tagaytay Street, malapit sa may sementeryo banda, and doon kami nagse-celebrate.

"We would talk about memories with my lolo, and my lola. So, we’ll just remember ’yong memories with them, and magba-bonding kami as a Domingo clan."

JAMIE RIVERA. Sunod-sunod ang pagpanaw ng mga kamag-anak ni Jamie Rivera, kaya naman sa long weekend ay abala silang mag-anak na dalawin puntod ng mga ito.

"Kasi, my mother passed away already, tapos recently my brother who had Down’s syndrome passed away three weeks ago.

"So, kamamatay lang ng brother [Abelardo] ko, dadating ’yong sister ko fro abroad para dalawin siya.

"At the same time namatay ’yong mother-in-law ko din, and then ’yong brother-in-law ko, so ang dami, ang dami naming dadalawin na namatay.

"Pero sabi ko nga, aspire to inspire before you expire.

"Isa ’yan sa mga motto ko, kaya nga ginagawa ko ngayon by doing inspirational songs, I do that because ’yon nga, that is my motto: Aspire to inspire before you expire."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN