Jasmine Curtis-Smith on intrigues: "Hindi naman talaga maiiwasan ’yong gano’n, it only means people are interested in you."

Jasmine Curtis-Smith: "It’s okay kung may intriga man sa akin. I mean, it gives me a wider knowledge of how this industry really works, and siyempre, hindi naman talaga maiiwasan ’yong gano’n. It only means people are interested in you."


Isa sa mga tinitingala ni Jasmine Curtis-Smith sa local showbiz ay walang iba kundi si Anne Curtis.

Sa tagal na ng kanyang ate sa industriya, marami na itong pinagdaanan, na maaaring maranasan din ng TV5 star.

Marami silang pagkakaiba. "I guess somehow it’s helpful naman," saad niya sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

"Ate is such a fierce woman, lahat talaga kaya niyang gawin.

"For me naman, I’m still a teenager kaya pa-sweet, ’di ba? But, for me it’s okay if people see me that way because, I mean, it’s a good image, ’di ba?

"People know me as sweet person, with a good heart, and I’m sure naman na ate started like that as well."

"ATE ANNE IS..." Kung si Jasmine daw ang tatanungin, mas matapang at malakas ang loob ng kanyang ate pagdating sa pagdedesisyon sa kanyang buhay.

Ito ang nakikitang dahilan ni Jasmine kung bakit carefree ang dating ng kanyang kapatid sa publiko.

Aniya, "I just think the only reason that she was judged so much in this industry is because she’s magnified as a person.

"Siyempre, she’s in the industry, and parang ine-expect na every move she makes is a good move, or not influenced by whatever people foresee that is bad."

Ang pag-inom ng alak ang binigay niyang halimbawa.

Sa kanyang pagpapatuloy, "You know, I’m not gonna lie saying that 17 years old or 18 years old, or whatever age she was back then don’t drink or don’t go out at that age.

"So, ’yon mukha lang bad kasi siyempre gusto nilang gawan ng something ’yong mga ginagawa ni ate, ’yon nga naka-magnifying glass siya, lahat ng moves niya kitang-kita ng tao.

"So, I guess it’s just hard na she needs to get through it, and it sucks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, now she’s a different woman and she’s passing on.

"Actually, parang I don’t have to go through the same thing kasi kahit naman na that’s what every 17-year-old does nowadays. But, we still do it but in moderation naman."

READY FOR INTRIGUES? Handa na ba si Jasmine sa mga intriga?

"I’m so scared!" bulalas niya.

"But I know naman na ate’s gonna be there to hold my back on it.

"You know, she’s always been there for me so much. Hindi pa kasi talaga nagsi-sink in sa akin na I am in show business.

"I have to be aware of whatever I do."

Gayunman, tingin niya’y basehan din ang intriga kung napapansin ka ng publiko o hindi.

Saad niya, "It’s okay kung may intriga man sa akin.

"I mean, it gives me a wider knowledge of how this industry really works, and siyempre hindi naman talaga maiiwasan ’yong gano’n.

"It only means people are interested in you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN