Heart Evangelista open to reconciling with former enemies: "Ako, I’m really, really okay with everyone. Wala akong problema sa kahit kanino."

Heart Evangelista on doing sexy scenes: "I’m willing to do things that I’ve never done before. I’ll just take it a day at a time... Of course, parang it would be nice to become something different."


Pumirma si Heart Evangelista ng tatlong taong kontrata sa Viva Films kahapon, October 24.

Nakapaloob sa kontratang yun ang pag-handle ng Viva sa mga pelikulang gagawin niya at recording.

Gusto raw kasi ni Heart na magkaroon ng album dahil ibang experience daw para sa kanya ang pagiging recording artist.

NOT YET READY. Sa January 2012 ay sisimulan na ni Heart ang isang suspense-thriller movie sa Viva, pero wala pa raw siyang ideya kung sino ang makakasama niya.

Hindi pa masagot ni Heart kung kaya na ba niyang magpa-sexy o gumawa ng mga mapangahas na eksena, gaya nang ginawa nina Anne Curtis at Cristine Reyes sa No Other Woman.

Ani Heart, "I’m willing to do things that I’ve never done before. I’ll just take it a day at a time.

"I understand na parang Anne has set the standard high.

"Of course, parang it would be nice to become something different."

Sa ngayon ay gusto raw muna niyang paghandaan ang sisimulan niyang pelikula sa Viva.

DONE AND OVER WITH. Inaasahan ni Heart na magiging positibo na ang lahat ng mga darating sa buhay niya dahil naitapon na raw niya ang mga negatibong bagay, lalo na ang mga kinasangkutan niyang intriga nitong mga nagdaang buwan.

"The moment it was happening, out na rin siya. So, niri-reject ng body ko.

"So, it was over," maingat niyang saad tungkol sa mga pinagdaanan niyang intriga.

Hindi na binanggit kung sino ang mga nakabangga niya kamakailan, pero sinabi naman ni Heart na matagal na raw niyang nakalimutan ang mga nangyari.

At kung makasalubong man daw niya ang taong nakabangga niya, posible naman daw niyang batiin ito kung willing naman itong makipagbati sa kanya.

"Ako, I’m really, really okay with everyone. Wala akong problema sa kahit kanino.

"If they’re okay, I’m okay. I’ll always be okay," pakli ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAR MAGIC BALL. Dagdag pang intriga, sinagot na rin ni Heart ang pagdalo niya sa nakaraang Star Magic Ball—ang annual gathering ng lahat ng contract artists ng talent arm ng ABS-CBN.

Ayon sa Kapuso actress, wala naman daw isyung babalik na siya sa dating mother studio.

Pinagbigyan lang naman daw niya ang paanyaya sa kanya nina Mr. Johnny Manahan ng Star Magic.

"I really don’t want to look that way.

"I’m very very grateful with what GMA has done for me.

"I’m grateful to everybody that’s been part of my life going up in showbiz.

"It’s just that, I’m okay with them. I’m okay with Mr. M and Tita Mariole [Alberto], with ABS.

"There was a little bit of something before. Pero okay na kami that’s why I was invited.

"So, it wasn’t really anything to scare anybody.

"It was just a nice night. It was just a fun night with old friends, yun lang," paliwanag nito.

HEART AND DANIEL. Pati ang intrigang nagkakalabuan sila ng boyfriend niyang si Daniel Matsunaga ay pinabulaanan din ng aktres.

Nandiyan pa rin naman daw ang intensity ng kanilang pagmamahalan.

Pero ayaw na sana ni Heart na pag-usapan ang kanyang lovelife, dahil ganun pa rin naman daw at wala namang pagbabago.

"I want people to talk about my job, not just my lovelife.

"Kasi being named Heart, I think it’s just a curse na yata for me. It’s all about my lovelife all the time.

"It’s good, it’s perfect, diyan na muna siya.

"I think relationship is like that. Wala namang nangyayari, e.

"That’s life, you know, especially in showbiz.

"But everything is good. We’re very good."

Abala naman daw si Daniel sa programa nito sa GMA-7 at sa football na suportado naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na rin si Heart sa gagawin niyang drama series sa GMA-7, ang Legacy, kung saan makakatambal niya si Geoff Eigenmann.

Makakasama rin niya rito sina Lovi Poe at Solenn Heusaff, na mga nakasama niya noon sa pelikulang Temptation Island.

Ayon kay Heart, wala naman daw nabago sa pagkakaibigan nila ni Lovi kahit nadamay ito sa nakaraang intriga nito kay Marian Rivera—na nakasama rin nila sa nabanggit na pelikula ng Regal.

"It never changed. Lovi and I had a great relationship.

"Si Solenn... we’re all good.

"It’s exciting to work with people na nakatrabaho mo dati, mga kaibigan mo pa," sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN