Jose Manalo and Wally Bayola refuse to believe they are indispensable in Eat Bulaga!

Jose Manalo (left) on comments that his tandem with Wally Bayola is what makes Eat Bulaga worth-watching these days: "Kahit kanino natin itanong, siguro maganda lang yung naibigay na portion sa amin. Pero, kahit ano’ng gawin mo, kahit sino pa sa amin lahat sa Bulaga, hangga’t nandiyan ang TVJ [Tito, Vic & Joey], tatayo pa rin ang Eat Bulaga!"


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola kagabi, October 24, sa Broadway Studio ng TV5 para sa presscon ng bago nilang show na The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto.

Ang una naming itinanong ay kung pareho ba ang kanilang talent fee or mas mataas ang tinatanggap ng isa sa kanila.

Ayon kay Jose,"Pareho lang! Dumating yung time na tinataas nila yung TF [talent fee] ko, pero hindi ako pumayag.

"Gusto ko pareho kami. Hindi ko tinatanggap pag mas mataas ang TF ko."

Ayon naman kay Wally, "Actually hindi ko alam, e, hindi ko alam."

Hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol sa TF.

"Sa totoo lang, hindi, hindi. Actually, kung sa ibang shows, dahil minsan naman... actually nauna naman talaga si Jose sa akin, yung ganun.

"Si Jose yung ganun, kung mas mataas siya, pero yung nag-uusap about TF, parang hindi."

Hindi siya insecure kay Jose?

"Hindi ako kailangang ma-insecure, kasi nauna naman si Jose sa ganitong klase ng trabaho," sabi ni Wally.

Nauna nga si Jose, pero mas tanggap ng tao kung silang dalawa ni Jose ang magkasama.

Hindi yata masyadong tinatangkilik ng publiko kung si Jose lamang at wala si Wally and vice versa?

"Ay, hindi naman, pero okay lang din naman sa akin yun," sabi ni Wally.

DO THEY QUARREL? Tinanong naman namin si Jose kung nag-away na ba sila ni Wally.

Aniya, "Hindi. Hindi, hindi pa kami nag-away ni Wally. Hindi pa kami nag-away kahit saan, hindi pa.

"May tampuhan during the show. Yung halimbawa hindi mo na-catch up yung ginagawa nung isa. Pero after that, wala na, e.

"Siguro mga dalawa, tatlong minuto na tumatahimik, pero tapos nun, wala na, e.

"Kahit kami hindi din kami nag-uusapan na, ’O, ganito ha, yung tampo mo.’

"Hindi, kami na rin ang gumagawa sa sarili namin para mawala yung tampuhan sa aming dalawa," pahayag ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALK ABOUT CHEMISTRY. Tinanong naman namin si Jose kung paano nabubuo ang chemistry nila ni Wally?

"Siguro yung araw-araw na magkasama kami, e. Lalo na pag bumibiyahe kami ng malayo, kung ano yung nakikita namin, nakakabuo kami.

"Nagtatawanan kami, doon lang, e. At kilala ko yung ugali niya, kilala niya yung ugali ko.

"Kung ano yung ayaw niya, hindi ko gagawin at kung ano yung ayaw ko, hindi rin niya gagawin.

"So, maayos naman ang relationship at yung chemistry namin ni Wally, pati sa routine, maayos naman."

Ano naman ang reaksiyon nila na dahil daw sa lakas sa publiko ng segment nila ni Wally at Paolo Ballesteros na "Juan For All, All For Juan (Sugod Bahay)" ay parang sila na raw ang nagdadala ng Eat Bulaga!?

"Hindi, e, hindi pa rin," reaksiyon ni Jose.

"Kahit kanino natin itanong, siguro maganda lang yung naibigay na portion sa amin.

"Pero kahit ano’ng gawin mo, kahit sino pa sa amin lahat sa Bulaga, hangga’t nandiyan ang TVJ [Tito, Vic & Joey], tatayo pa rin ang Eat Bulaga!"

Ganito rin ang sinabi ni Wally tungkol sa kung masasabi ba niyang isa na sila sa nagdadala ng show.

"Ay, hindi naman. Hindi naman. Hindi, hindi.

"Kasi, let’s say yungJuan For All, All For Juan,’ mas nakakatuwa siya, mas maganda siya pag nandun si Bossing [Vic].

"Kasi, pag namimigay kami ng premyo na wala si Bossing, yung mga tao, si Bossing pa rin ang pinapasalamatan, e. Ganun lang din naman yun.

"At mas funny siyempre kapag kumpleto. Nagkataon lang siguro na kakaiba, kakaiba.

"Pero kahit ngayon, yung ’Pinoy Henyo’ pa rin, is ano pa rin, okay na okay yung ’Pinoy Henyo.’"

IS HE GAY? Tinanong naman namin si Wally tungkol sa ilang nagkukuwestiyon sa gender niya. Kung bading ba siya talaga, o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Wally, "Ganito kasi yun. Nag-start kasi ako bago pa ako mag-Bulaga!, nag-start na ako sa sing-along bar.

"So, bago pa ako pumunta sa sing-along bar, galing na akong theatre.

"So, most ng mga ginagawa kong character is bading. Hanggang pumasok ako sa banda.

"Banda kami, puro kami lalaki, Mixed Nutz [ang pangalan ng banda].

"Sa Bicol yun, pero tumugtog kami dito sa Maynila. Nagpapatawa kami, nagba-bading-bading.

"’Tapos parang ang naging... yung grupo, tumugtog dati sa dating Cosmo Bar na nakaka-alternate namin sina Allan K, sina Arnell Ignacio.

"Hanggang si Mamu Andrew de Real, siya yung nakakita sa grupo na parang siya yung nag-workshop, binibigyan [kami] ng mga ideas. Siya yung naging scriptwriter.

"So, sabi niya, ’Ay, nagbabading-bading pala ito! Gawin mo yung ginagawa ni Allan.’"

Pero, hindi siya bading?

"Hindi!" sagot ni Wally.

"So, parang naging yung galaw ko na lang, na-adapt ko na lang [ang kilos bading] sa katagal-tagalan ng panahon."

In fact, may asawa at limang anak si Wally.

"Siguro sa pagpe-play [lang ako] ng karakter.

"Alam ninyo, minsan sa bahay, alam mo yung usually kapag nakikipag-usap tayo sa asawa natin, ’Alam mo na kasing may party, ang bagal-bagal mong gumalaw, e! Sana mas maaga yung ano mo!’’ muwestra niyang kilos at boses bading.

"Kumbaga, ganung sitwasyon naming mag-asawa.

"Alam mo minsan, sa sobrang relaxed ko, na kung tumalak na ako sa asawa ko, parang ano [bading] na.

"Ganun na yung the way na magsalita ako!" tumatawa niyang sabi.

Hindi naman daw siya naniniwalang magiging bading na nga siya sa kagagaya niya sa pananalita at kilos ng isang bading.

"Sa akin, hindi kasi... ewan ko, siguro pag na-in-love na ako sa lalaki!" tawa niya nang malakas.

Madalas silang tuksuhin na bading ni Paolo Ballesteros. Ano ang masasabi niya dito?

"Alam mo sa totoo, ako pa nga ang napagkakamalang bading kaysa kay Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi lalo na pag nasa remote [labas ng studio] kami, kahit wala sa kamera pag hinaharot ako ni Paolo, ako pa ang mas bading!" malutong niyang halakhak ulit.

Akala nga ng iba may gusto siya kay Paolo.

"Siguro nga!" at muling humalakhak si Wally.

Hindi siya nao-offend kapag napagkakamalang bading?

"Hindi, nasanay na ako," sabi ni Wally.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN