Time of My Life stars make time for Halloween and All Souls Day

GMA-7’s Time of My Life stars (top L-R) Mark Herras and Kris Bernal, (bottom L-R) Steven Silva and LJ Reyes will do their usual appointments on All Souls Day.


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa stars ng GMA-7 primetime series na Time of My Life kung ano ang plano nila sa mahabang bakasyon ngayong Undas, at kung ano ang kanilang mga madalas na ginagawa pagsapit ng Halloween.

Narito ang kanilang mga sagot:

LJ REYES. Dahil meron na ngang anak si LJ Reyes na si Ethan Akio, kay Paulo Avelino, gusto nitong maranasan ng kanyang anak ang trick-or-treat.

"A, wala naman, pero sana, kasi hindi uso sa atin ’yong Halloween party, di ba?

"So, sana magkaroon ng trick-or-treat somewhere.

"Siguro yung mga friends ko yayayain ko, ’Tara, mag-trick-or-treat tayo!’

"Sariling trick-or-treat, para lang kay bagets [Ethan Akio]!"

KRIS BERNAL. Bibisitahin naman ni Kris Bernal at ng kanyang pamilya ang puntod ng lola niya.

"Ahm...magluluksa na lang, charot!" sabay tawa ng Time of My Life lead star.

Aniya, "Sa Halloween kasi ano, e, dati no’ng bata ako, mahilig ako mag-costume na ano, e, mga kung anu-anong costume, di ba?

"Mga trick-or-treat gano’n, gano’n.

"Ngayon, siguro bisita lang sa puntod ng lola ko, sa may ano lang, sa Manila lang, puntod ng lola ko.

"Gano’n lang naman ako, kami, pag-ano, e."

Hindi sila nagbabakasyon?

"Ay, magandang idea ’yan! Oo nga ’no, di ba? Pero may bakasyon ba kami? Yun ang tanong.

"Pwede bakasyon, pero kasi yung family ko, hindi kami mahilig magbakasyon ng madalian lang, three days lang ganyan.

"Madalas, gusto namin one week, gano’n kami magbakasyon.

"Kaya madalas gano’n lang din ang ginagawa ko, yung sa...dumadalaw lang sa puntod or minsan, okay na sa ’kin yung kasama na yung family ko.

"Dahil sa sobrang minsan ko na lang sila makasama, magkaroon lang ako ng buong araw na kasama sila, okay na sa akin," masayang sambit ni Kris.

STEVEN SILVA. Balak namang bisitahin ni Steven Silva ang mga kamag-anak niya sa kanyang mother’s side sa Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang plano ko sana, I’ll be going to Davao.

"Kasi my mom is from Davao, so all her family, nasa Davao sila, e.

"So, if ever na, if I can from...kasi siyempre we have taping sa Time of My Life, but I think ano siya, holiday naman, di ba?

"Two or three days, so if I can, baka uuwi na lang ako sa Davao, kahit two or three days.

"Sa akin naman sa Davao, mas gusto ko siya, e, ano, mas peaceful, mas tahimik do’n sa Davao."

MARK HERRAS. Si Mark Herras naman ay bibisita raw sa kanyang lola sa undas.

"Malamang pupunta lang ako sa lola ko," tugon ni Mark.

Nasaan ba ang lola mo?

"Sa Laguna, normally gano’n lang."

Everytime gano’n lang pag Araw ng mga Patay?

"Oo, usually gano’n lang talaga," sambit ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN