Vice Ganda interviews Boy Abunda; The Buzz host takes his turn at imaginary mirror

"John Lloyd [Cruz], nasaan ka?!" says Boy Abunda when asked what would be the first thing he’d shout if one day he’d wake up a woman.


Dahil birthday ni Boy Abunda, isang espesyal na episode ng The Buzz ang inilaan para sa kanya noong Linggo, October 23.

Pinakatampok sa nasabing selebrasyon ang one-on-one interview kay Boy ni Vice Ganda.

Ayon kay Vice, nanginginig daw siya bilang first time nilang magtatapatan na siya ang nagtatanong kay Boy, na ayon sa Showtime host ay "reyna ng lahat."

Iba raw kasi ang respetong ibinibigay kay Boy ng mga lalaki, babae, tomboy, at bakla kaya ito ang "reyna ng lahat."

Sinagot naman ito ni Boy ng, "No, I wanted to say this Vice, alam ng lahat at alam mo, kung gaano rin kataas ang respeto ko sa ’yo.

"Mula sa aking puso ’yan and that will remain for the rest of my life."

FAST TALK WITH BOY. Ayon kay Vice, kung mero’n daw fast talk si Boy, mero’n din daw siyang sariling version ng fast talk.

Eto ang kanilang usapan:

Kung isang pagkain daw si Boy, ano ito?

"Paksiw!"

Kung ikaw ay isang bulaklak, ano ka?

"Daisy."

Kung ikaw ay isang hayop, ano ka?

"Aso."

Kung ikaw ay isang kulay, ano ka?

"Itim."

Kung ikaw ay isang kasalanan, ano ka?

"Pakikiapid."

Kung gigising ka isang umaga, naghanap ka ng babae, magmumumog ka ba?

"Siguro."

Kung gigising ka isang araw na isa kang babae, ano ang una mong isisigaw?

"John Lloyd, nasaan ka?!"

GERALD WINS! Dahil ganap ka nang babae, nakapila ang manliligaw mo sa labas ng bahay. Sino ang una mong sasagutin ng oo—Piolo Pascual, Sam Milby, Jake Cuenca, Coco Martin, or Gerald Anderson?

"Wow, ang hirap! First person, Gerald Anderson."

Bakit si Gerald?

"First comes to mind. Ganito, bakit? Alas-kuwatro ng hapon, maraming mga batang nanonood. Medyo hindi puwede."

Kung may isang bahagi ng katawan mo na gusto mong ipamigay, ano ito at bakit?

"Mata."

Bakit po mata?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mata dahil gusto ko pang mabigyan ang sinumang walang pananaw at paningin na katulad ng paggamit ko ng aking mga mata."

Sa ilang taon na pagsasama ninyo ni Bong Quintana, ang bagay na pinaka pinag-awayan niyo?

"Selos. Matagal na yun. Matagal na. More than 10 years ago, pero yun ang pinakagrabe."

Away talaga?

"Away talaga. Pero kailanman, hindi kami naghiwalay ni Bong. Napag-usapan namin. That was really bad."

Hindi ba ito humantong sa sabunutan na naging dahilan kung bakit wala na siyang buhok ngayon?

"Hindi naman. Hindi naman!

"That day with Bong, kapag hindi masyadong seryosong away, maingay.

"Kapag seryosong away, tahimik. And that was scary. More than 10 years ago.

"Yun...medyo nagkaroon kami ng diperensiya.

"Bumabalik ang isyu pakunti-konti, pero lahat, napag-uusapan. That comes with age."

Ayon pa kay Boy, tungkol sa mga tanong sa kanya ni Vice, "Ang pananaw ko naman ganito, ang lakas-lakas ng loob kong magtanong, dapat, mero’n din akong humility to be asked.

"Kaya wala akong aatrasan kahit anong tanong. Kapag hindi ko naman kaya ang sagot, sasabihin ko."

Patuloy na tanong ni Vice, "Ten being the highest, gaano ka-active ang sex life ninyo?

"6.9!"

Hirit naman ni Vice, "Ay, ang lungkot ng buhay mo Tito Boy, bakit?"

"Seven na lang. Patawad po. Nabigla ako. That’s a joke—7.5."

Sa pitong araw sa isang linggo, ilang araw po ’yan?

"Three to four. Mero’ng requirements kasi, nakakapagod na rin.

"Sa mga bata, huwag muna po kayo riyan at pabigla-bigla po ang ating sagot."

NO OTHER BOY. Isa raw sa all-time favorite movie mo ngayon ay No Other Woman. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon na naging other woman ka?

"Yes."

Matagal na po yun, or ngayon lang?

"Matagal na. Palagay ko naman, lahat tayo ay may pinagdaraanang ganun.

"Pero matagal na. ’Yan ang mga bagay na pinagsisihan mo. Mga bagay kung saan ka natuto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga bagay na nari-realize mo na mali and you become a better person."

Puso sa puso, takot po ba kayong malaos?

"If you asked me that question five years, ten years ago, oo. Ngayon, hindi na masyado.

"Parang sobrang grasya na ang ibinigay sa akin ng Diyos. I am content.

"I don’t have everything but I have enough."


BEST FEMALE HOST? Sa mga makabagong henerasyon ng mga talk show hosts, sino kina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at KC Concepcion ang pinakamagaling, pangalawa at pangatlo?

"’Yan ang hindi ko kayang sagutin. Ayokong makasakit."

Sa lahat ng taong nakatampuhan mo, sino po ang gusto mong makasalubong muli at ano po ang sasabihin mo sa kanila?

"Vice ito yun, hindi ako marunong magtanim. I don’t tell you the burden of grudges.

"Ako, kapag may nangyari, nakakalimutan ko na, nagpatawad.

"Kagabi lang, I was with Ace [Hernandez, segment producer of The Buzz]. Nagbo-voicing kami. We’re celebrating my birthday.

"Sabi ko, ’Isa lang request ko, don’t do...don’t interview my mother.’

"Ginawa pa rin ni Ace. Nagalit ako.

"I forgot about it until he told me. Hindi ako mapagtanim talaga.

"So, kung sasabihin mo sa akin kung sino ang nakatampuhan ko, five years from now, I’m sure, ayos kaming lahat.

"I’m very hopeful."

Walang naiwang isyu, lahat naisara?

"Sigurado ako. Dahil lahat naman ng ito, sabi nga nila, life is short. Let’s be nice with each other."

Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino. Sino ang isasama mo sa langit at sino ang isasama mo sa impiyerno?

"Sa impiyerno si Kris, si Ai-Ai sa langit.

"Bakit? Sa impiyerno si Kris dahil hindi siya tatanggapin doon.

"Si Ai-Ai, isusubok ko sa langit."

INSECURE WITH VICE? Diretsahan, Tito Boy, insecure ka ba sa friendship namin ni Kris Aquino?

"Hindi. Bakit? Dahil Kris is big enough for the two of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit naman ni Vice, "Wala po kayong dapat ika-insecure, ginagamit ko lang pong talaga si Kris para mapalapit sa president [Noynoy Aquino].

"Pero hindi po talaga ang presidente ang target ko kung hindi ang mga PSG [Presidential Security Group]."

Sabi naman ni Boy, "Pero alam mo, Vice, marami ang nanonood sa atin na maaaring nagtatanong, ’Hindi kaya sila nagkakaroon ng conflict dahil pareho silang close kay Kris?’ Hindi, hindi talaga."

Sagot naman ni Vice dito, "At saka, ibang level naman ang closeness.

"Sobrang lalim na ng friendship mo kay Kris Aquino. Hindi ko na mahahabol yun."

Ayon naman kay Boy, "Hindi lang ’yan. Hindi ako likas na seloso.

"Ako’y mapagbigay at ang totoo po niyan, Kris is too huge for so many friends."

BOY FOR GOVERNOR? Kung tatakbo ka sa susunod na election, ano’ng posisyon ang pipiliin mo?

"I don’t want to create trouble again. The last time I spoke about it, sabi ko, ’Ako ay hindi tatakbo sa 2013.’

"Hypothetical po ang question. 2013 is out of the question.

"Kung ako ay papasok, maybe governor ng Samar ng 2016 or beyond.

"Pero, wala po ’yan sa aking mga plano. But the question is hypothetical."

WANTS TO BE ANNE CURTIS. Kung talagang babae ka at artista ka, sinong artistang babae po kayo?

"Maliban kay Kris, Anne Curtis."

Bakit Anne Curtis?

"Gustung-gusto ko yung balanse ng buhay niya at evolution ng buhay niya.

"From a child star up to today, No Other Woman, amazing!"

Hirit ni Vice, nakita rin ba ni Boy ang evolution niya mula sa pagiging kabayo hanggang tao?

Natatawang sabi naman ni Boy, "Nakita ko rin po ’yan. Alam ninyo po mga kaibigan, madalas kong sinasabi, bakit sobra ang paghanga at respeto ko kay Vice?

"You have so much. Ikaw yung sobrang galang at pagmamahal mo sa ginagawa mo. Totoo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside from the fact na napaka-spontaneous mo, you’re a creative engineer."

Dugtong pa ni Boy "Kapag na-combine n’yo ’yang spontaneity at plano, aba, e, napakalakas no’n—and that’s you."

LUCKY BROWS! Kilala raw si Boy sa pagkakaroon ng makapal na kilay. Wala raw ba itong balak na gawing bangs yun?

Natatawang sagot ni Boy, "Noong umpisa, I used to be bothered.

"Sabi ko nga, bakit nga ba hindi ko pinaaayos ang kilay, ang dali lang naman ’yan kahit medyo masakit.

"Isang beses sa aking buhay, may nakasalubong po akong Chinese. Sabihin na lang natin na feng-shui expert.

"Sabi sa akin, ’Huwag mong ipagagalaw ang kilay mo dahil nandiyan ang suwerte mo.’

"Kaya kahit ganoon kakapal ang kilay [ko], hindi ko po ginagalaw dahil ayokong mawala ang suwerte."

Ayaw ninyo na pong magpatubo ng buhok?

"Kapag nagpapahaba kasi ako, maraming mga spaces. Kaya medyo naba-bother ako kaya mas okay na yung wala.

"I’ve gotten used to having no hair and I’m fine."

Magkano na po ang net worth niyo?

"I answered that question once and I got into trouble.

"I have enough. Ako po, I live within my means.

"Sabi ko nga, I don’t have everything but I have everything that I need.

"Pero alam mo, Vice, ito ay nais ko lamang ibahagi sa ating mga manonood.

"Noong nagkasakit ang aking ina, may pambayad na ako sa ambulance, sa hospital, sa mga medisina.

"But one thing I realized, hindi pala lahat nabibili.

"Katulad na lamang noong mga panahon na wala akong mapuntahan kung hindi lumuhod sa harap ng Diyos dahil meron akong hinihiling sa kanya para sa aking nanay.

"How much of my worth is important dahil ako’y nagsumikap. Ako’y nagtipid to certain extent.

"Hindi naman tipid, pero I live within my means.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have enough but I don’t have enough dahil kadalasan pa rin sa ating buhay ngayon, ako’y tumitingala pa rin sa Diyos at nagsasabing, I surrender everything."

FACES IMAGINARY MIRROR. Tulad ni Boy, may sariling version din ng kanyang salamin si Vice na inilabas nito sa harapan ni Boy.

Ano raw ang sasabihin ni Boy sa harap ng salamin?

Ayon kay Boy, "Hihiram ako sa salita ni Steve Jobs, ’Stay hungry and stay foolish.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN