Marian Rivera learns to bake, but not for her wedding cake

Marian Rivera on how she got into baking: "Kasi, ganito ’yan. Ang istorya niyan, yung kapatid kasi ni Dong tsaka yung mga pinsan niya, nagluluto, nagkuku-culinary. One time nagkuwentuhan, sabi nila... kasi mahilig akong magluto ng mga ulam, di ba? E, okay na ako dun, dalubhasa na ako dun. Tapos sabi nila palagi silang bagsak sa baking. Sabi ko, ’Baking, e, ang dali-daling mag-bake? Susundan mo lang yung instructions, mga ingredients, mga s


Wala pa raw silang planong magpakasal in the near future, pero kung si Marian Rivera ang tatanungin, gusto niyang si Dingdong Dantes na ang huling lalaki sa buhay niya.

"Lagi ko namang sinasabi na ang hirap kasi ng papalit-palit ng boyfriend!

"Siyempre, kung si Dong na nandiyan na, ang tagal ng pinagsamahan namin—siyempre, gusto ko siya na.

"Kasi, hindi rin ako sanay na, ’After mo, ay, sa ’yo naman. Ay, sa ’yo naman!’

"Ayoko ng ganun. Gusto ko, kung sino ’yan, ’yan na yun," pahayag ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

HOLLYWOOD ACTOR OR DINGDONG? May nagbiro kay Marian, paano kung may napakaguwapong Hollywood actor na magkagusto sa kanya?

"Hindi kasi ako attracted sa ganun, e. Hindi, e.

"Partner na lang. Partner, partner [sa movies or TV], pero hindi sa totoong buhay."

LIKE CLAUDINE & SHARON. Kapag mag-asawa na sila ni Dingdong, magla-lie low na ba si Marian sa kanyang showbiz career?

"Hindi. Parang Claudine Barretto. Si Miss Clau, iyan, mga ganun."

So, hindi siya magpapahinga?

"Depende, kasi halimbawa buntis na ako, mag-aakting pa rin ako?"

May nagbanggit kay Marian na ang Megastar na si Sharon Cuneta, kahit buntis noon kay KC Concepcion, gumawa pa rin ng pelikula.

"Oh, go, gagawin ko din ’yan, go! ’Eto lang ang shot ko [sa may mukha], sige, go lang!’ Go na rin."

SOLICITUDE FOR AMAYA TALENTS. Pinuri si Marian [in a separate interview published here in PEP.ph] ng co-star niya sa Amaya na si Sid Lucero.

Sinabi ni Sid na may concern daw si Marian sa mga talents [or extras] sa naturang GMA-7 epicserye.

"Oo, kasi, naaawa din naman ako, at hindi porke mga talents ’yang mga ’yan, e, babalewalain mo na lang.

"So minsan, siyempre bilang mga talents, nahihiya sila na, ’Ay ayoko po!’

"Hindi naman sila makakapag-react bilang mga talents sila, so nakikita ko na ... aware din naman ako na... hindi lang yung sarili ko ang iniisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang Amaya gusto kong i-extend yung sarili ko sa kanila, na kung nahihirapan sila, nakikita ko yun.

"At ako mismo magsabi na, ’O, anuhin [asikasuhin] ninyo naman sila.’ Or ’Ganituhin ninyo naman sila.’ Nakakaawa, e."

Partikular daw ang mga talents na babae na topless sa set ng kanilang epicserye.

Sinasabihan daw ni Marian ang mga ito na kapag hindi pa take, puwede namang magtakip ng dibdib.

"Kung hindi pa naman take, puwede pa namang magtakip.

"May iba na naka-ganun [topless] na agad, so pag hindi pa, sabi ko puwede pang magtakip, kapag rolling [na ang camera] ’tsaka na lang tanggalin.

"Kasi nakakaawa rin, e. Talents, e.

"Lahat naman, hindi lang sa kanila, lahat naman ng cast ng Amaya."

MARIAN’S ’BAKERY’. Naitanong naman namin kay Marian na kapag wala siyang trabaho, ano ang ginagawa niya?

"Naku, may kinakalokohan ako ngayon...baking! Mga cupcakes, mga [kung anu-ano]."

Nag-aral siya?

"Books lang, pero sana after Amaya papasok ako ng culinary school. "

Nang sabihin namin kay Marian na bigyan niya kami ng mga baked goods niya, tawa nang tawa nitong sinabi na...

"Hindi pa ako handa. Hindi pa masarap! Kapag masarap na."

Ano ba ang lasa?

"Ayan, tanong ninyo kay Dong pag nag-presscon ng soap niya. Itanong mo kung masarap. Siya lang makakapagsabi."

Hindi nga ba masarap ang baked goods niya?

"Hindi, sabi niya masarap daw. Hindi ako naniniwala," at muling tumawa ang magandang aktres.

Anu-ano ang mga bini-bake niya?

"Madami! Sandali, ipapakita ko sa inyo," sabay kuha ng cellphone niya sa kanyang bag.

"Eto yung una," sabay pakita ni Marian ng litrato sa cellphone niya ng chocolate chip cookies.

"Next ko, banana cake. Next ko... ’eto ang ni-request ni Dong, kaya ko ginawa, carrot cake. May nakasulat pa, ’For You.’"

Naubos ni Dong?

"Oo. Masarap daw. Si lola ko, niluto ko yung banana cake, nasarapan naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro magsisinungaling ang lola ko."

Iyon naman pala, bakit sabi niya hindi masarap ang mga bini-bake niya?

"Charing lang, humble effect," at muling tumawa ang aktres.

Bakit baking ang nakahiligan niya?

"Kasi, ganito yan. Ang istorya niyan, yung kapatid kasi ni Dong ’tsaka yung mga pinsan niya, nagluluto... nagkuku-culinary.

"One time nagkuwentuhan, sabi nila... kasi mahilig akong magluto ng mga ulam, di ba?

"E, okay na ako dun, dalubhasa na ako dun.

"Tapos, sabi nila palagi silang bagsak sa baking.

"Sabi ko, ’Baking, e, ang dali-daling mag-bake? Susundan mo lang yung instructions, mga ingredients, mga sukat, iyon na yun, e.’

"Sabi nila, ’Hindi! Mahirap!’

"Na-challenge ako, ginawa ko. Nagawa ko! Ay!" halakhak niya nang malutong.

Pinatikim din niya ang mga kapatid at pinsan ni Dingdong ng bineyk niya.

"Oo, at take note ang bumili ng book ko, si Dong! ’Tsina-challenge kita!’ sabi niyang ganun," tawa niya ulit.

"Ginawa ko. ’Tapos, lola ko nag-request siya dun sa book, sabi niya, may oatmeal cookies, kasi good for the heart.

"Ay, nandiyan siya sa harapan ko, ayaw niyang maniwalang nagbe-bake ako. Ayan ang lola ko, bake ako, oven, ayan na!"

Biniro namin si Marian na aralin rin niya ang paggawa ng wedding cake para sa kasal nila ni Dingdong.

"Ay, Diyos ko naman, magkakandaugaga ako, tapos ikakasal ako?"

Minsan daw, kaya hindi pa natutulog si Marian ay sa dahilang nagbe-bake siya dahil nalilibang na siya talaga sa bago niyang pastime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN