Paulo Avelino welcomes new challenges with transfer to ABS-CBN

"Ako, nag-e-enjoy naman po ako basta makakaarte ako. Pero mas masaya ngayon kasi nakakatrabaho ko ang iba-ibang direktor. Kumbaga, bago sa akin ito. Ibig sabihin bago rin ang matututunan ko," says Paulo Avelino about his decision to transfer from GMA-7 to ABS-CBN.


Malaki ang panghihinayang noon ng youing actor na si Paulo Avelino nang hindi siya mapasama sa remake ng Filipino classic cult film na Temptation Island.

Matatandaan na hindi na natuloy ang pagganap sana niya sa role na ginampanan noon ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte dahil nagkaroon siya ng pneumonia.

Naipasa ang proyektong ito sa baguhang aktor na si Mikael Daez. (CLICK HERE to read related article.)

"Medyo nadismaya ako kasi first movie ko sana ’yon na part ng main cast talaga.

"Pero naghahabol na po sila ng shoot noon, e," salaysay ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng bago niyang pelikula sa ilalim ng Regal Films, ang Aswang.

Ito ay ginanap kaninang tanghali, Oktubre 25, sa Mesa Grill, Tomas Morato, Quezon City.

Gayunman, hindi na ito masyadong alintana ngayon ni Paulo dahil nagiging maganda naman umano ang takbo ng kanyang karera sa ngayon.

Sabi pa ni Paulo, "Siguro ganun nga po talaga ang kasabihan na kapag may nawala, may mas malaking darating sa amin. Gano’n po ang nangyayari sa akin."

MORE PROJECTS. Bukod sa pelikulang Aswang, magiging parte rin si Paulo ng upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang Walang Hanggan, na pagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.

Bukod dito, magiging bahagi rin umano si Paulo ng Christmaserye ng ABS-CBN na Ang Diyos ang Pag-ibig.

Ayon sa dating StarStruck Avenger, "Mas maraming proyekto ang dumating pa" simula nang siya ay lumipat sa ABS-CBN talent ward na Star Magic mula sa GMA-7.

Dagdag pa niya, "Ang masasabi ko lang po, naging worth it in terms of projects.

"Parang mas alam ko na may plano po sila sa akin."

Sa ngayon, hindi pa umano napag-uusapan kung ano ang tiyak na plano sa kanya ng Star Magic.

Gayunman, umaasa si Paulo na mas mapabubuti ng Kapamilya network ang kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, tinanong naman siya ng press kung dapat bang manghinayang ang GMA-7 sa kanyang paglipat.

Sabi ng 23-year-old na aktor, "Hindi naman po sila dapat manghinayang kasi may kanya-kanya din po silang [talent]."

Ayaw na rin niyang magbigay pa ng anumang komento tungkol sa kanyang paglipat dahil, aniya, "I don’t wanna be on fire or may magalit sa akin."

Dagdag pa niya, "Pero masaya ako sa kung ano ang ginagawa ko ngayon, kung nasaan ako ngayon.

"Sana maging masaya na lang kaming lahat para sa isa’t isa."

Nabanggit din niya na masaya siya ngayon sa bago niyang mga Kapamilya.

"Ako, nag-e-enjoy naman po ako basta makakaarte ako.

"Pero mas masaya ngayon kasi nakakatrabaho ko ang iba-ibang direktor.

"Kumbaga, bago sa akin ito. Ibig sabihin bago rin ang matututunan ko."

May balak ba si Paulo na bumalik sa GMA-7 network?

Sabi ng binatang aktor, "Siguro dadalaw dahil naging malapit din naman ako sa ibang tao doon.

"Siguro one of these days dadalaw ulit ako at magpapasalamat ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN