Mcoy Fundales of "Pinoy Ako" fame relates how Orange & Lemons disbanded

"Parang ganito, iba yung gusto kong gawing kanta. Iba yung gusto nilang gawing kanta. Iba yung direksyon nung isa’t isa. Parang Beatles," says Mcoy Fundales when asked why their band Orange & Lemons disbanded.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mcoy Fundales, ang dating frontman ng bandang Orange & Lemons.

"We disbanded po, 2007," umpisang pahayag ni Mcoy sa presscon ng The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto sa Broadway Studio ng TV5 kagabi, October 24.

Ang Orange & Lemons ang kumanta ng theme song ng Pinoy Big Brother—ang "Pinoy Ako."

Ayon kay Mcoy, "Orange & Lemons was together from 2004 up to 2007. ’Pinoy Ako’ came out 2005.

"Tapos, the band was so big. It so happened lang po na nagkaroon kami ng personal differences within the band. You know, it happens, parang..."

Nag-away-away sila?

"Not really, pero parang ayaw na lang magtrabaho together.

"Parang iba yung... parang ganito, iba yung gusto kong gawing kanta.

"Iba yung gusto nilang gawing kanta. Iba yung direksyon nung isa’t isa. Parang Beatles," ang natatawang sinabi ni Mcoy.

Apat ang mga dating miyembro ng naturang banda.

"Tapos eventually, after po kasi na-disband ng Orange & Lemons, I went inside the Big Brother House.

"Naging housemate ako. Ka-batch ko sina Mariel [Rodriguez], sila Ethel Booba, si Ruben Gonzaga [that season’s winner na taga-Davao].

"I was part of the second Celebrity Edition ng Big Brother.

"I’m still with ABS-[CBN] ngayon doing telenovelas."

Hindi siya exclusive ng TV5.

"Hindi po. Hindi po."

DIRECTOR’S CHOICE? Paano siya napasali sa show na The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto?

"A, iyon nga po, I took a break. I went inside the house [PBB house] just to try it out and then after that... 2007 din po yata, during the latter part. 2008 naman I decided to go back sa pagbabanda.

"Dalawa sa kasama ko sa Orange & Lemons yung nakasama ko uli.

"Yung isa na nawala, hindi na namin siya makontak.

"Parang, when we decided to have another band, iba na yung gusto niyang banda. So ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang as... ang agreement namin as friends parang, ’Sige kung hindi tayong apat, ayaw naming gamitin ang [pangalang] Orange & Lemons’.

"Kenyo na po, that’s the name of our band ngayon.

"Wala na po yung Orange & Lemons, pero we’re still under Universal Records, ang Kenyo."

Saan sila may regular gigs?

"Ang maganda po sa amin, naging crowd namin yung mga Filipino communities abroad.

"So, every time we feel like doing shows, we always go out and play for mga festivals sa ibang bansa."

Paano kapag may taping siya sa TV5, or sa ABS-CBN?

"Ngayon hindi ako makaalis."

Kuwento pa ni Mcoy sa pagkakapasok niya sa show.

"Ang nangyari, I became part of the show kasi I play with Direk Bert in a band called Area 1.

"Sina John Lesaca, Bert de Leon, we play at Hard Rock Café. Usually we play Beatles songs [hanggang ngayon], usually every Tuesday."

Si Direk Bert ang direktor ng kanilang TV5 show.

"’Tapos as a bandmate sabi niya, ’Mcoy, trip mo bang maging part ng sitcom?’

"Akala ko nung una nagbibiro, pero ayun kasi yung character was really very near my personality. Which is a musician na open mag-try ng ibang field."

FAMOUS SONG. Sikat na sikat ang kanta nilang "Pinoy Ako."

"It still is! Alam ninyo, pag nasa ibang bansa, umiiyak pa nga yung mga kababayan natin kapag naririnig."

Kinakanta pa rin ng Kenyo ang "Pinoy Ako."

"Kenyo still plays songs of Orange & Lemons.

"Ngayon bukas na naman [ang Big Brother House], di ba?"

Wala siyang show ngayon sa ABS-CBN.

"Kasi personally po, kasi I didn’t want to be... I’m not really a TV guy, e.

"I mean, I really wanna do music lang talaga, e. So after Big Brother, sabi ko, enough na yun.

"I just wanna do projects lang involving music."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Under contract siya sa ABS-CBN?

"Yeah, kasi if you become part of PBB parang... not really one hundred percent, pero they can call me any time."

Pero, wala siya sa Star Magic.

"No, no, no, I mean as a housemate sa Dream Big [ABS-CBN unit of Direk Lauren Dyogi responsible for PBB].

"Hindi sila ang manager ko. My manager is Bong Baluyot. He’s the one who handled Orange & Lemons before; ang Kenyo, siya rin ang manager."

Sa The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto, gaganap sina Jose Manalo [as Joey] at Wally Bayola [as Willie] bilang mga komedyante sa magkalabang istasyon. Dahil parehong nawalan ng career ay magsasama sila sa iisang show na ang direktor ay si Direk Vic [Bossing Vic].

Kasama rin sa show na ito ng Kapatid network sina Miriam Quiambao, Buboy Garovillo, Jimmy Santos, Diane Medina, Erika Padilla at Niña Jose.

Mapapanood na ito simula sa November 5 ng gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN